Akin ngang nasambit,
Namutawi sa aking bibig.
Ako'y takot masaktan, takot ulit maiwan.
Ang pagtitiwala akin pang pinag-iisipan.Multo ng kahapon ako'y ginagambala.
Di makalimutan laging naaalala.
Naninigurado, bawat galaw ay kalkulado,
Kapag sa buhay ko'y may darating na bago.Ayaw umulit, ayaw muling makasakit.
Lalo na sa mundong napakalupit.
Maraming beses, dapat na ito'y aking siguraduhin,
Salitang "mahal kita" tunay nga ba sa aking damdamin?Sa lahat ng ito, Ako'y estranghero,
Hindi sanay, ako'y naninibago.
Kaya pag amin, takot kong subukin,
Kaya aking hiling sana ako'y hintayin.Sa sasabihin ng iba, ako'y nababahala,
Maraming masasabi, maraming magdududa.
Masisisi mo nga kaya ako?
Kung di pa handa sa ganito?Sa tuwing nakakausap na kita sa umaga man o gabi,
Di namalayan ngiti ay kusang sumilay sa aking labi.
Alam ko sa sarili na may kakaiba,
Pero di ko mawari, ito nga kaya'y pagkasabik sa kilig na nadarama?
O ito'y dahil sa talagang gusto kita.Gusto kita at Mahal kita sadyang magkaiba,
Bago banggitin at bago magpasya.
Paniniguro ay dapat nasa una,
Totoo na pagsinta at walang duda.Isa lang ang aking masisiguro,
Espesyal ka at nandito sa aking puso.
Sa bawat tampo, sa bawat pag-iwas mo,
Nakakalungkot, ako'y naninibago,
Napapasimangot, humahaba ang nguso.~pasya
BINABASA MO ANG
Kataga "Mahal Kita."
PoetryAng Pag-ibig ay misteryo. Makapangyarihan, Kapag hinayaan ang negatibo, Ika'y masisiraan. Simpleng tao lang ako, Ito ay para sayo..