Mahal Kita

3 4 0
                                    



Salita, letra, kataga,
Nakakapagpasaya,
Nakakasakit ng labis,
Ngunit lunas sa bawat hinagpis...

Mahal kita, siyam na lettra.
Matamis na kataga.
Mahirap aminin,
Madaling ilihim.

Mahal kita, isang salita.
Tunay na nadarama,
Tunay na pagsinta.
Mahirap sabihin kung iiwan kadin niya.

Mahal kita, ako'y nangangamba,
Na di mo makita ang aking halaga.
Natuto na akong tanggapin,
Siguro'y hindi ka para sa akin?

Mahal kita, ako ba'y my pag-asa?
Hindi ko mawari, hindi kita mabasa.
Tunay ngang nasa huli ang pagsisisi,
Kung tunay na nadarama'y di masabi.

Napakahiwaga naman talaga,
Tunay na pag-ibig kapag tinamaan ka.
Di madaling sumuko, madaming pangako,
Di na natuto, pero sumubok parin ako.

Heto ako nakikita ang sarili,
Na parang hindi mapakali.
Sadya nga bang di ko mawari?
O pilit ko itong ikinukubli?

Mahal kita, katapusan na nga kaya?
Naninikip aking dibdib,
Naguguluhan kakaisip,
Kung kakalimutan na o itutuloy ko pa?

Sa paglipas ng panahon,
Patuloy paring babangon.
Siya ang tinitibok ng puso ko ngayon,
Hawak ang pag-asa, kakalimutan ang kahapon.

Mahal kita, tatanggapin mo ba?
Matuto kang lumaban para sakanya.
Di mo na makikita, di mo na madarama,
Mawawala ito ng kusa na parang bula.

Mahal kita, masasabi mo ba?
Takot nangingibabaw sa simula,
Ngunit kapag ika'y nagtiwala,
Tunay na pag-ibig iyong makikita.

Salamat sa'yo, sa naiparanas mo
Sa bawat ngiti, sa bawat tawa,
Nakaramdam ng pag-asa.
Ngunit kabiguan ay nagpapahiwatig na.

Akin na ngang tatapusin,
Mahal kita, salitang tapos nang inamin.
Ating kapalaran sa maykapal pinapaubaya.
Mahal kita, masakit man magpalaya,
Sa dulo, pakawalan ka'y di ko kaya.
Ngunit my hangganan, my katapusan.
Ako'y tao lamang laging ikaw ang kahinaan..

~Abakada

Kataga "Mahal Kita."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon