Chapter 6

37.2K 956 773
                                    

"Ivy nakakahiya!!"


"Wala akong paki!!! Asan ka ng Lawrence ka!!!!! putang ina lumabas ka at tatadtarin ko yang manuy mo!!!"


Sigaw ni Ivy habang nagsisisigaw sa hallway ng kumpanya namin. Marami narin ang tumitingin sa amin na mga empleyado ko pero binabalewala lang iyon ni Ivy.


"Ivy, tama na"


Nahihiyang sabi ko. Nasa floor na kami kung nasaan ang office ni Lawrence.


"Nasaan si Lawrence?"


Tanong ni Ivy duon sa secretary ni Lawrence.


"Nasa loob po siya kasama si Ms. Stefhanie"


Medyo nagulat ako ng marinig ko ang pangalan na iyon.


'Tangina niyang maghahanap na nga lang ng girlfriend kapangalan ko pa"


"Wala akong pakielam"


Sabi ni Ivy at mabilis na binangga yung secretary ni Lawrence. Wala kami magawa nila Natalie at Lovelie kundi ang sumunod nalang sa kaniya.


"Ito ba iyong office nung pangit na Lawrence na iyon?"


"Ivy pwede bang relax ka lang muna."


"Ay hindi! walang ganun!"


Kasabay nun ay ang pagbukas niya sa pinto. Tumambad lang sa amin na nakaupo ang babae sa kandungan ni Lawrence habang naghahalikan pa ang dalawa. Ngumiti na lamang ako at umiwas ng tingin sa kanila.


"Hoy Lawrence!!! halika at mag-usap tayo"


Malakas na sigaw ni Ivy dahilan para mapaalis ang babae sa kandungan ni Lawrence dahil sa gulat. Mabilis na lumapit si Ivy sa harap ng table ni Lawrence kasabay nun ay ang paghubad nito ng sapatos niya sabay duro kay Lawrence.


"Ikaw!!! Ikaw lalaki ka!! Napaka gago mo!! alam mo ba? iyon!! Bakit mo sinasaktan ang bhie bhie ko!! Tangina mo hindi purket gwapo ka at macho ka ay gagawin mo na iyon sa bhie bhie ko tangina mo gago!!"

ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Sigaw ni Ivy sa kaniya habang dinuduro ng sapatos niya. Lumapit naman kami nila Natalie at Lovelie kay Ivy para pigilan na ito.


"Halika na Ivy nakakahiya na"


Sabi ni Natalie habang hawak hawak nito ang braso niya. Pero talagang gusto talaga hampasin ni Ivy si Lawrence ng takong niya.


"Putang ina! bitawan niyo ako!! Tatadtarin ko talaga ang itlog at titi nitong lalaking ito napaka landi sobra"


Sigaw ni Ivy habang pilit na gustong idampi ang takong nito kay Lawrence. Mabilis ko kinuha ang sapatos ni Ivy at inilayo sa kaniya.

"Tama na Ivy nakakahiya na"


Sabi naman ni Lovelie habang pilit na inilalayo si Ivy kay Lawrence. Maski ako ay naguguluhan narin sa nangyayari. Simula kasi ng ikwento ko ito kay Ivy at kala Natalie at Lovelie ay talagang nagalit sila pero mas lalong nagalit naman itong si Ivy.

Love me too, Possessive manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon