CHAPTER 1

158 22 0
                                    

REIN POV•

Unti unti kong minulat ang aking  mga mata.

Bakit parang ang bigat bigat nang katawan ko?

Bakit hindi ako makatayo?

Medyo luminaw na ang aking paningin

at bakit sobrang liit nang aking kamay?

Wag mo sabihing napunta ako sa katawan nang baby?

Shit shit mga nasa limang buwan palamang ito.

Kalma rein kalma

Nagugutom na'ko

"Uwahhhh" iyak ko ngina hindi pa ko makakapag salita

May narinig akong pagbukas nang pinto

May pumasok na isang binibini ang ganda n'ya.

"Anak gutom kana ba?" Ngiting saad nito at halatang pagod

Nilibot ko ang paningin ko at makikita mong mahirap lamang kami.

"Pyah pyah" nag babytalk at tinaas ko ang dalwang kamay ko

"Ang cute mo talaga anak ko pasensya kana ah kung hindi lang isang tarantado ang tatay mo hindi to mangyayari satin" ngumiti sya nang mapait pagkatapos n'yang sabihin yon

"Isang emperor ang iyong papa alam mo ba iyon? Ako ang tumulong sa kanya ngunit ito ang naging kapalit kaya sana pag lumaki ka hindi tulad nang tatay mo haysss ano ba yang pinagsasabi ko kukuha lang ako nang gatas mo ah" mahabang saad n'ya at animo'y natatawa pa dahil kinakausap nya ang isang sanggol

Tyaka ano raw?

Isang emperor ang tatay ko?

Hah!

Tapos ganito lamang ang nangyari samin yung nanay ko naghihirap na

Halata sa itsura nito na nahihirapan na.

Bumalik na ito na dala dala ang bote nang gatas.

Sinimulan ko nang dumede wala pa akong ngipin

"Rein frixa sariel kay ganda nang iyong pangalan aking prinsesa sana'y hindi ka matagpuan nang iyong tatay dahil papatayin ka n'ya ang noong oras na ipinanganak kita ay umuulan kaya't rein ang aking naisip sariel ang aking huling ngalan sain fris sariel "ngiting saad nito ngunit kita mo sa kanyang mga mata ang kalungkutan

"Ang iyong pulang buhok at asul na mata isang bagay na isa ka talagang prinsesa ngunit hindi maari"malungkot n'yang saad

"Mam.....ma" sinubukan kong bigkasin ang mama

Napangiti ito sakin at biglang may pumatak na tubig saking noo

Nakita kong umiiyak si mama

"Kay ganda mo sana'y magkaroon ka nang magandang kinabukasan"saad n'ya

At unti unti nang dumilim ang aking paningin

Kinabukasan

Nagising ako dahil may naririnig akong kumakanta

At nakita ko si mama na karga karga ako kaya pala parang hinehele ako.

"Aking munting prinsesa gising kana"ngiting saad n'ya

Napangiti nalang rin ako

******

Hindi ko alam kung nasan kami ni mama

Bigla na lamang may dumating na mga nakaitim sa bahay.

Dali daling nag empake si mama

Halata ang takot sa kanyang mukha.

Anong nangyayari?

Hanggang sa puro puno nalang ang aking nakikita

May maliit na kubo roon

Tumigil muna si mama at msy nilabas na kwintas

"Isa itong magical necklace kaya nitong itago ang totoong kulay nang mata at buhok mo"saad nya at sinuot saakin

***********

Ilang buwan na ang nakalilipas at isang taon na'ko

Kaya ko nang maglakad nang pakonti konti pero gumagapang parin ako dahil mahina pa mga buto ko

Breaking news isang detective naging baby jsq

Nakita ko si mama sa may kusina nasa gitna parin kami nang kagubatan.

"Mama!"masayang tawag ko dito

Ang buhok ko ay kulay black

"Oh aking prinsesa"ngiting saad nya

"Mama mewon po bang mama as papa li mama?" Bulol kong tanong

Curious kasi ako

"Meron prinsesa at isa silang noble ngunit hindi mo pa iyon maintindihan"ngiting saad n'ya at yinakap ako

"Mama mahal kila"saad ko rito

"Mahal rin kita" tawang saad n'ya

Ang ganda ni mama mukha s'yang dyosa
Ngunit ang laki nang eyebags

Ang kubo na tinitirhan namin ay puro libro kaya't lagi kong sinasabi kay mama na gusto ko nang libro dahil bata palang ako aakalain lang n'yang nag titingin lamang ako nang mga picture.

Napakagulo ang tatay ko ang emperor sya si Agrisi Hellios

Ang empire na ito ay nasa south east.

At napag alaman kong may mahika ako dahil isa akong royalty hindi ko alam pero nung nadapa ako habang nag aaral mag lakad ay bigla itong gumaling tapos umilaw ang aking kamay.

Si mama ay anak nang count ngunit lumayas si mama dahil sa pang aalipusta nang madrasta nya namatay na rin ang tunay n'yang ina.

Dahil madaldal ang nanay natin ay na ikwento na n'ya ang talambuhay n'ya.

Magaling s'ya sa pag gamit nang espada.

Nanganib noon ang emperor kaya't tinulungan ito ni mama.

Pati narin ang nangyari sa kanila ay kinwento sakin kahit alam n'yang baby palang ako.

Nung gabi raw na may nangyari sa kanila ay set up lang iyon.

Hindi rin kagustuhan ni ina.

Umalis s'ya sa puder nang emperor dahil nalaman n'yang buntis s'ya.

At nang malaman ng emperor na buntis si mama ay pinagtabuyan ito na hindi ako nito anak.

Kaya't simula non parang sinusumpa na ni mama si emperor.

Maraming naging anak raw ang emperor ngunit pinapaslang.

REINCARNATION :REIN FRIXA SARIELWhere stories live. Discover now