AUTHOR POV•
Hindi mapapagkailang namangha ang duke na nasa karwahe.
Ito ay may sugat sa isang kamay kaya't hindi ito nakipag laban.
Naghahanap s'ya nang mga gamot para mapagaling ito.
Kahit alam n'yang mapanganib ang gubat na ito ay kailangan nya nang mga dahong gamot.
Habang naglalakbay sila ay bigla silang hinarang nang goblins
Wala s'yang pinadalang knight dahil akala n'ya ay wala namang aatake.
Ngunit mali sya.
Biglang inatake nang goblins ang karwahe at ang kutsero n'ya ang inuna.
Lalabas na sana s'ya kahit may sugat ay napatigil dahil sa batang nakita.
Napaka cute nito dahil mataba ang mga pisngi at sobrang puti.
Makikita mo ang espada na hawak nito.
"Bata anong ginagawa mo rito"ito nalang ang nasabi nang duke
Makikita mo ang pagwasiwas nang espada.
Sa alam ng duke ay nasa anim o pitong taong gulang palang ang cute na bata.
Sa mga oras na sinimulan patayin ni rein ang goblin ay namangha ang duke.
Dahil minsan kalang makakakita nng ganito.
Maraming pumasok sa isipan nang duke.
Nasan ang magulang nang cute na batang ito?
Bakit ang galing at pang propesyonal ang paghawak nito namg espada?
Bakit ito nasa kagubatan?
Ilan lamang iyan sa kanyang katanungan
Makalipas ang kalahating oras ay nakita n'yang napatay nang bata ang lahat nang goblin
Ngunit nagulat ito nang bigla itong nahimatay
Dali dali s'yang lumabas at kinuha ang bata papasok nang karwahe kahit masakit ang sugat n'ya ay binuhat n'ya ito.
At ang mas lalong kinagulat n'ya ay sobrang gaan nito na parang hangin lamang.
Kinuha n'ya ang espada nang bata at tinitigan.
Isa lamang itong ordinaryong espada na madaling maputol
Ngunit nakayanan nang batang ito gamitin pang paslang?Parang gusto n'yang kurutin ang mga pisngi nang bata dahil sa kakyutan.
Ilang saglit ay dumating ang isang karwahe.
"Duke Reiz ano pong nangyari dito bakit ang daming patay na goblin? tyaka sino yan anak mo?may tinatago kang anak dito sa kagubatan? hindi ka manlang naawa tingnan mo ang cute cute pa nyan" tuloy tuloy na saad ng aide nang duke.
"Manahimik ka ang ingay mo" saad ng duke
Gwapo naman ang duke at mga nasa 29 years old palang ito.
"Duke"nagrereklamong sabi ni shin
"May tumulong samin at umalis ito, etong batang ito ay nakita kong nahimatay kanina sa daan"saad nang duke
Ayaw n'yang sabihin ang tunay na nangyari
"Aampunin ko nalang sya ang kyut kyut"tuwang saad ni shin ang aide nang duke
"Hindi ako ang aampon sa kanya"maikling saad nang duke
Nanlalaking mata na tumingin si shin sa duke ngunit bigla ring ngumiti
"Tara na"saad nang duke at pumasok sa Ikalawang karwhe
Napanguso ang aide nya at sumunod.
Habang pabalik na sila ay hindi maiwasan titigan ng duke ang batang babae.
Parehas silang may kulay itim na buhok at mata.
Mahirap makahanap nang itim na buhok dahil ang kaaraniwang buhok sa kanilang lugar ay brown.
Biglang gumalaw si rein kaya't napaayos ang duke.
Isang oras na kasi sila sa karwahe.
Hanggang sa napamulat na si rein
Nakita n'ya ang isang gwapong lalaki sa harap n'ya.
Naalala n'yang bata papala sya"Mister nasan po ako?"inosenteng tanong ni rein
"Nasa aking karwahe at isasama ka sa aking tuluyan"saad nang duke
"Ngunit hindi po kita kilala, kailangan ko pa pong pumunta sa capital" malungkot na saad ni rein
"Sa capital tayo pupunta, nasan ang iyong magulang?"saad nang duke
"Ang aking ina ay pumanaw na po kanina at ang tatay ko raw po ay iniwan kami "malungkot na saad ni rein
Napatigil naman ang duke dahil sa narinig naawa s'ya sa bata dahil bata palang nawalan agad nang magulang.
"Ano ang iyong pangalan?"tanong ng duke
"Rein po wala po akong huling pangalan"sagot ni rein
"San ka nakatira?"dagdag na tanong nang duke
Gusto na magtanong ni rein kung
May interview ba?
"Sa gitna po nang gubat na ito"maikling sagot ni rein
Lalo namang napatigil ang duke
kung ganon ay naka kulong lamang ito sa gubat na ito?
"Gusto mo bang sumama sakin at bibigyan kita nang pangangailangan mo?" Masayang tanong ng duke
Nag isip namn si rein
"Pwede namn po kung marami kayong libro" ngiting saad ni rein
Biglang namula si duke dahil sa kakyutan ni rein.
Napatawa naman si rein sa isip
"Aampunin kita"yun nalang ang nasabi nang duke
Tumango nalang si rein kung isang noble ang aampon sa kanya edi ayos
"Kayo po ano pong pangalan n'yo?Isa kayong noble hindi ba?" Tanong ni rein
"Ako si Perian Reiz at tama ka isa akong noble, isang duke" saad ng duke
Napa -o- nalang si rein
YOU ARE READING
REINCARNATION :REIN FRIXA SARIEL
RandomAno nalang ang gagawin mo kung mapunta ka sa kakaibang mundo? REIN FRIXA SARIEL isang babaeng maraming sikreto ngunit bigla na lamang namatay. ¹² ¹⁵ ²¹