CHAPTER 2

139 22 0
                                    

REIN POV•

Anim na taon na ang nakalilipas.

Pitong taon na'ko ngayon
At tinuruan ako ni ina sa paggamit nang espada.

Dahil nakukulitan ito sa akin ay pumayag.

Nalaman ko rin na may cursed si mama kaya laging nanghihina.

Gusto ko mang tulungan si mana ngunit hindi sapat ang aking kakayahan.

Naandito ako ngayon sa sala kung nasan ang mga libro at nagbabasa.

Nakita na ni mama ang mahika ko.
Sabi nya healing magic ito.

Dahil daw isa akong royalty.

"Anak kakain na tayo"rinig kong saad ni mama.

"Opo papunta po ako" masiglang saad ko.

Simula nang mapunta ako rito naging mapayapa ang buhay ko.

Ngiti ngiti akong pumunta kung nasaan si mama

"Mama"ngiting tawag ko

"Hahaha ang ganda mo talaga aking prinsesa"saad n'ya at binuhat ako

"Mama hehehe" nakikiliti ako

Inupo nyako sa may upuan.

"Mama ang sarap mo talaga mag luto"saad ko habang sumusubo.

"Shempre ako pa"saad nya at tumawa napatawa nalang rin ako

Si mama ay 28 palang at 21 s'ya nang pinanganak ako.

Meron akong sariling espada alam n'yo ba yun.

Ang ganda tyaka medyo maliit s'ya sa kaaraniwang espada.

Habang kumakain ako ay biglang umubo si ina.

Tumingin ako sa kanya.

At dugo ito

"Ma...ma"naiiyak kong saad

Ngunit tuloy tuloy lamang itong umubo.

"Hanggang dito nalang nalang ako anak patawarin mo si mama, pumunta ka sa capital at hanapin mo ang lolo mo......paa...lam mahal....ko"saad n'ya nang umuubo bigla nalang itong nahimatay.

"MAMA!"Sigaw ko at tumakbo sa kanya

Nangingitim na ang kanyang mga labi

"Mama please anong nangyari wag mokong iwan"iyak kong sabi

Rein wag kang umiyak kaya mo yan

Ngunit napahagulgol ako

Dahil sa pitong taon naming pagsasama ay naging malapit na ako sa kanya.

Dahan dahan akong umalis doon at pumunta sa labas.

Sa pagkakataong ito nakita ko ang isang hukay

Napaupo nalang ako

"Mama bakit ang saya saya n'yo kanina ngunit humukay kayo nang sarili nyong libingan"humihikbi kong saad

Lumapit ako kay mama at pinalutang ito papunta sa hukay.

Inilagay ko sa hukay si mama.

At kumuha ako nang mga bulaklak.

At ipinatong sa kanya

Kumuha ako nang pala at inunti unting tinabunan si mama nang lupa

"Mama paalam mahal na mahal kita"iyak kong sabi

Rein kailangan mong maging matatag.

Pagkatapos non ay nilagyan ko nang palatandaan ang libingan ni mama

Pupunta akong capital

Kinuha ko ang maliit na bag at naglagay nang damit.

May binigay na supot sakin si mama ito ay ginto.

Nagpalit ako nang damit at kinuha ang aking espada.

Kinuha ko rin ang espada ni mama.

Sinarado ko na ang pintuan at dumeretsyo kay mama.

Itinarak ko ang espada sa kanyang libingan.

"Paalam mama babalikan kita"ngumiti ako nang mapait pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon

Para sa aking kaligtasan ay hindi ko tinanggal ang kwintas na binigay sakin nung baby ako.

Ayokong maging pula at asul ang aking buhok at mata.

Nagsimula na'kong maglakad tinatahak ko ang diretsyong daan

Habang naglalakad ako ay kumukuha narin ako nang mga herbs na pwedeng pang pagaling o pwedeng pang lason.

Natutunan ko ito sa mga libro ni mama.

****

Mag iisang oras nakong naglalakad at may nakakasalubong akong hayop.

Ibat ibang hayop na ngayon ko lamang nakita sa talambuhay ko.

Sa tingin ko ay malapit na'ko sa palabas nang gubat na ito.

Sumisipol ako habang naglalakad

Hindi sumasakit ang paa ko dahil may healing magic ako.

Kaya lang parang nakakapagod.

"Ahhhhh"rinig kong sigaw sa hindi kalayuan

Tumakbo ako roon

At may nakita akong karwahe na aakalin mong noble

Anong ginagawa nang isang aristocrat sa mapanganib na gubat?

Lumapit ako roon at nakita ko ang benteng goblin

Wala man lang silang knight?

Yung kutsero ay nakahiga na sa lupa.

May hawak na patalim ang mga goblin medyo kasing laki ko sila dahil ang liit liit ko.

No choice ako kaya't tutulungan ko sila

Lumapit ako at inilabas ang espada.

"Bata anong ginagawa mo rito"rinig kong saad nang isang lalaki ngunit hindi ko pinansin

Iwinasiwas ko ang aking espada at tumakbo papunta sa mga goblin

Iniwas ko ang sarili ko dahil muntik nakong matamaan nang patalim.

******

Makalipas ang kalahating oras ay natapos ko na.

Ramdam ko ang pagod kaya't nawalan ako nang malay.

REINCARNATION :REIN FRIXA SARIELWhere stories live. Discover now