"Ikaw?!"
"Ikaw?!"
"Ano'ng ginagawa mo rito??"
"Ano'ng ginagawa mo rito??"
"Ugh! Uulitin mo lang ba lahat ng sasabihin ko?!" inis na sabi ni Ella.
"Grabe ka, nagkataon lang," sagot naman ni Stephen.
"Eh ano ngang ginagawa mo rito? Don't tell me ikaw ang secret admirer ko?" wala sa isip na tanong ni Ella at biglang lumaki ang mga mata niya. "No, no, no. That's impossible..."
"Masyado namang mataas ang pangarap mo, Miss. Baka ikaw ang nagbigay sa akin ng mga love letters na 'to," sabi naman ni Stephen na iniangat ang mga hawak na envelopes.
"Ano?" kunot-noong tanong ni Ella. "Anong sulat? At bakit naman kita bibigyan ng love letters? Sino ka ba?"
Medyo nagulat si Stephen sa narinig at napataas ang dalawang kilay niya. "Di mo ako kilala? Talaga? Ahem, ahem," saad ni Stephen, sabay tayo ng tuwid at naglinis pa kunwari ng lalamunan. "Ako lang naman ang MVP ng basketball team ng school natin sa UAAP. Ang pinakagwapo at pinaka—"
Iniikot ni Ella ang mga mata niya. "I know you. Ikaw si Stephen Yuzon. Ang pinakamayabang at pinakababaerong lalaki sa buong university."
"Ouch," sabi ni Stephen na umaktong nasaktan. Inilagay pa niya ang isang kamay sa dibdib. "Sakit naman ng sinabi mo. Hindi naman ako babaero. I would say, hmm, charming."
"Whatever," simpleng sagot lang ni Ella. "Pwedeng lumabas ka na ng room dahil may hinihintay ako?"
"Excuse me? May imi-meet din ako rito kaya kung gusto mo, ikaw na lang ang maghintay sa labas."
"Nauna kaya ako rito," himutok ng dalaga.
"Eh 'di sabay na lang tayong maghintay rito," kaswal na sabi ni Stephen at umupo sa harap ni Ella kaya wala na itong nagawa.
Lumagpas ang sampung minuto na walang dumarating. Naiinip na ang dalawa sa kahihintay lalo na't hindi naman sila nag-uusap.
"Grabe. Napaka-ungentleman naman ng lalaking 'yon para paghintayin ako rito. Nasaan na ba siya?" mahinang bulong ni Ella sa sarili at sumilip sa kanyang relo.
"Ms. Pimentel, right?" hindi napigilang tanungin ni Stephen ang kasama. Nabibingi na kasi siya sa katahimikan.
Napa-angat ng ulo si Ella nang marinig ang pangalan niya. "How'd you know?"
Ngumiti si Stephen. "Wala naman atang hindi nakakakilala sa'yo rito. Halos every sem, naka-paskil ang mukha mo sa Admin. Consistent Dean's Lister."
Yumuko si Ella pero napangiti rin. "Salamat."
"So," simula ni Stephen, "sino ba ang hinihintay mo?"
"Actually," nahihiyang sagot ni Ella, "hindi ko rin siya kilala. I just found this note on my locker..."
"How did you know it was yours?"
"It has my name on it," said Ella as if it's the most obvious thing in the world.
Stephen brought his two hands up. "Fine. Sorry. No clue, then?"
"Just his initials. JSY."
Tumangu-tango si Stephen. Tapos biglang huminto at napatingin ulit kay Ella. "Wait. JSY? Are you sure?"
"Yes. Why?"
"But..." Stephen trailed off, his eyes are now scattered.
"Ano? Bakit?" naguguluhang tanong ni Ella.
"My full name's Jan Stephen Yuzon. J-S-Y."
Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ni Ella. Magsasalita na sana siya nang unahan siya ng binata.
"But, I swear, I never wrote you anything!"
Tumitig lang si Ella kay Stephen at hindi na nagsalita.
Si Stephen naman ay nag-iisip kung paano nangyaring nakagawa siya ng sulat kay Ella nang hindi niya alam. Dumampot siya ng isang sulat mula sa kanyang 'secret admirer' at nagbasa para malipat dito ang atensyon. Nang makarating sa huling parte ng sulat, lalo lang siyang naguluhan.
"A-anong full name mo? Ella Pimentel lang ba talaga?" biglang tanong ni Stephen.
Nagtaka man si Ella sa tanong ay sinagot pa rin niya ito. "No. It's Carmella."
"Carmella... C?" Nang tumango ang dalaga ay nagpatuloy ito. "Uh, do you have a second name or...?"
"Carmella ang second name ko. Ang first name ko ay—"
"Is it A? I mean, does it start with A?" putol ni Stephen kay Ella.
"Yes...." mahinang sagot ni Ella. "It's Ana."
"No way!" sigaw ni Stephen. "ACP??"
Kumunot na naman ang noo ni Ella. Nagsisimula na siyang mangamba sa susunod na sasabihin nito.
"ACP ang initials ng sumusulat sa'kin," sabi ni Stephen.
"What?! Are you serious??" Napatayo si Ella sa gulat. Kahit na nasa ganitong level ang naiisip niyang magiging pahayag nito ay hindi pa rin siya makapaniwala.
"It's ACP," mariing saad ni Stephen matapos matignan halos lahat ng mga papel na nasa kanya.
"No, this can't be," umiiling na sabi ni Ella. "I think... I think there might have been a mix-up."
BINABASA MO ANG
It Started With A Letter
RomanceA letter is used to convey thoughts or feelings that one cannot express verbally. But what if she finds one for herself? What if he gets too many of it? What if it's just a plot to get them together? One thing is for sure: these letters will change...