S

194 10 6
                                    

"Hey, Stephen, listen to this," natatawang sabi ni Ella habang nakatitig sa isang sulat para kay Stephen.

Nasa loob pa rin ng isang vacant room ang dalawa matapos ang nangyaring 'komprontasyon' sa pagitan nila. Pinag-dedebatehan nila kung sino ang maaaring gumawa ng kanya-kanyang sulat hanggang sa humantong sila sa sitwasyon nila ng oras na iyon.

Hindi na hinintay ni Ella na magbigay ng kahit anong acknowledgment si Stephen bago ito nagpatuloy.

"Dearest Stephen,

I know you don't know me and you probably never will and I know I will never have the courage to introduce myself to you... But let me just tell you that I can't stop thinking about you. You're always on my mind.

I'm not a creeper nor a stalker. That, I need to clarify. It's just that wherever I go, it seems like fate is playing on me because you're always there. Looking all, uhm, you.

Well, that's about it. I just wrote to let you know that someone from afar admires and cherishes you. You don't need to answer in any way. Just you reading it, even if only once, is more than enough.

ACP"

Matapos mabasa ang buong sulat ay hindi mapigilan ni Ella ang humagalpak. "Seriously?? 'Someone from afar admires and cherishes you'? Haba ng hair mo, Stephen!" pang-aasar pa niya.

"Hey, hey! Akin na nga 'yan!" sabi ni Stephen at sinubukang kunin ang hawak ni Ella ngunit nailayo agad ito ng dalaga.

"Bakit? Nagbabasa lang naman ako ah. Akala ko maghahanap tayo ng clues kung sino talaga ang ACP mo?"

"Sus! If I know, ikaw lang naman talaga ang sumulat niyan. Wag ka na ngang magpanggap. Wag mo ng pahirapan ang ating mga sarili."

"Ha, ha, ha. Nagpapatawa ka ba? Hindi ako gagawa ng ganitong klaseng letter para sa'yo, 'no. Or anyone for that matter. Masyadong cheesy," biglang bawi ni Ella sa huli dahil naisip niyang baka maka-offend siya.

"That letter is written in pure english," said Stephen although he knows his reason is stupid.

"Hala! Pag pure english, ako lang ang pwedeng makagawa? Grabe. Wag ka ngang judgmental," sita ni Ella rito.

"I was just stating a possibility."

"Right," sarkastikong sagot ni Ella bago humablot ng isa pang papel mula sa mesa. Nagprotesta man si Stephen sa ginawa niya ay hindi niya ito pinakinggan. "O, tignan mo to...

"Dearest Stephen,

How was your day? Parang nakita kitang bad mood kanina... May masamang nangyari ba? Oh, I don't mean to pry at alam kong hindi mo rin naman masasabi sa akin dahil one-way lang naman ang pag-uusap na ito...

Anyway, I hope everything's fine now. Ayokong nakikita kang malungkot o kaya ay nakasimangot. It doesn't suit you. Isipin mo na lang, everything happens for a reason. Look at the brighter side of things. Baka nangyari ang kung ano mang nangyari dahil may darating na mas maganda.

Smile, Mr. Stephen Yuzon. That's the best remedy for all negative things.

ACP :)"

Tumahimik ng ilang sandali si Ella pagkatapos mabasa ang sulat. "Wow," she breathed.

"Bakit?" takang tanong naman ni Stephen. Ine-expect kasi niyang aasarin na naman siya ng dalaga pagkabasa nito sa nasabing sulat.

"Ah, wala," sabi ni Ella at ipinilig ang ulo. Nang tumingin ito kay Stephen ay nakangisi na ito. "Head over heels in love na ata sa'yo ito. Ang malas niya naman."

"Ah gano'n ha," sagot ni Stephen at mabilis na kinuha ang isang pilas ng notebook na kitang-kita sa dami ng mga stationeries na nagkalat.

Nanlaki ang mga mata ni Ella sa ginawa ni Stephen. "Huy!"

Tumawa si Stephen sa reaksyon ng dalaga. "Akala mo ikaw lang ang pwedeng magbasa ha!"

Binuklat niya ang nakatuping papel at saka nagsalita.

"Hi Ella!

Meet me at SEC Room 103 around 5:00 pm today. May mahalaga akong sasabihin sa'yo. It can't wait any longer.

I hope you could really come. It would mean a lot.

JSY"

Tumaas ang dalawang kilay ni Stephen. "'Yon lang? Ito na 'yon? Corny!"

Lumapit si Ella dito at inagaw ang hawak-hawak. "Eh syempre maiksi lang. Ano'ng ine-expect mo, mala-nobelang sulat gaya nung iyo? Lalaki kaya ang nagsulat nito. Not some hopeless romantic girl..."

"Oy, wag mo ngang matawag-tawag na hopeless romantic si ACP. She's not hopeless. She's just plain romantic... and sweet," kontra ni Stephen.

Ella winced. "Pwedeng wag mong gamitin ang initials? It feels like ako ang sinasabihan mo eh."

Sa halip na sumang-ayon si Stephen sa hiling ni Ella ay sumulyap ito sa relo niya. Nang makitang pasado alas-sais na ng gabi, tumingin siya sa dalaga. "Gabi na pala, Ella. Past six na."

"Ay, oo nga!" gulat na sabi ni Ella na sumilip sa bintana. Madilim na nga sa labas. "Tara, uwi na tayo."

Kinuha na nila ang mga gamit nila pati na rin ang mga papel sa lamesa. Palabas na sila ng pintuan nang may maalala si Stephen.

"Teka, alam mo ba kung ano'ng araw ngayon?"

"Uhm, hindi eh. Bakit?" balik-tanong ng dalaga sa kanya.

"February 14 ngayon."

"Ahh... What?? Feb 14?? Valentine's ngayon??" gulat na sabi ni Ella at napakunot-noo siya. "Bakit hindi man lang ako sinabihan nina..."

"Yeah... Nalimutan ko rin," saad ni Stephen nang bigla siyang may naisip. "Gusto mong mag-dinner muna bago umuwi? Since we're both ditched by our supposed dates and all..."

"Hmm, why not?" pagpayag ni Ella sa suhestiyon ng binata at sabay na silang lumabas ng university. Habang naglalakad ay hindi niya mapigilang magtanong, "Sino nga kaya ang sumulat ng note ko at ang mga letters mo, 'no?"

"I have no idea," umiiling na sagot ni Stephen.

It Started With A LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon