L

200 7 12
                                    

"Ano'ng ginagawa niyo rito?" bungad ni Ella pagbukas niya ng pintuan.

Pinapunta siya ni Stephen sa SEC Room kung saan sila unang nagkakilala. Laking gulat niya nang madatnan doon ang mga kaibigang sina Kristie, Bea, at Jessie. Tinignan niya ang mga ito pero ang mga mukha nila ay nakatungo.

"They have a lot of explaining to do," si Stephen ang nagsalita kaya napatingin siya rito.

"Explain?" Sinubukan niyang basahin ang nais ipahiwatig ng binata ngunit hindi niya maintindihan. Napalingon siya sa gawing kaliwa at lalo siyang naguluhan nang naroon naman ang mga kaibigan ni Stephen na sina Mark, Mon, at Jake.

"Uhm, Stephen, mga kaibigan mo sila, 'di ba? Ano naman ang ginagawa nila dito?"

"They also have a lot of explaining to do," Stephen drawled.

Tinitigan ni Ella ang mga nasabing lalaki, inaantay na may magpaliwanag pero ni isa sa kanila ay walang gustong magsalita.

Ella raised her eyebrows. "Okay, what is going on here?"

"Ahem," kunwari'y pag-ubo ni Stephen. "Tinatanong kayo o..."

Nang wala pa ring umiimik sa kanila, lumapit na si Stephen sa mga kaibigan niya at dahan-dahang binatukan si Mark. Ikinagulat naman ito ni Ella.

"Stephen!" saway ni Ella dito.

Pa-cute na ngumiti si Stephen at sa boses na alam ng lahat na hindi sinsero ay nag-sorry ito.

"Dali na kasi," pilit nito sa mga kaibigan.

"Ah, eh, kasi, Ella, hindi naman talaga namin sinasadya," umpisa ni Mon.

"Ang alin?" tanong ni Ella nang huminto sa pag-explain si Mon.

"We're the ones who sent the letters to Stephen," dire-diretsong sabi ni Kristie.

Napalingon si Ella sa direksyon nito at nakita itong nakapikit. Hindi tuloy mawari ng dalaga kung natatakot ba ito sa kanya o ano.

"Letters?" tila naguguluhan pa ring sabi ni Ella. Lumilipat-lipat ang mga mata niya sa lahat ng tao sa loob ng kwarto. Maya-maya ay naintindihan na rin niya. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ng mga kaibigan.

"Ella, it was just supposed to be a way for you and Stephen to meet and to know each other," mabilis na sagot ni Bea. "I mean, almost everyday magkakasama tayong lahat pero parang hindi kayo nag-e-exist para sa isa't isa."

"Ha? What do you mean?" singit ni Stephen na kanina ay tahimik sa buong conversation.

"So hindi niyo talaga alam na lagi tayong nagkikitang walo sa lobby?" tanong ni Jake.

Sabay na umiling sina Ella at Stephen.

"See? We are right. Hindi namin alam kung paano nangyayari 'yon pero you never recogize each other. Actually, Stephen never recognizes our presence and Ella never did to you, four," sabi ni Kristie habang nakatingin kay Stephen.

"Wow, now, that is news to me," namamanghang saad ni Stephen.

"Wait," kausap ni Ella kay Stephen, "so you already knew these? How could you not tell me, Stephen?"

"Well... I was... you know... busy..." nahihiyang sagot nito sa kanya.

If anyone was paying close attention to Ella, they would surely notice the ghost of a smile forming on her lips.

"Then we thought of something para makapag-usap at magkakilala kayo," patuloy ni Jessie sa kwento nila.

"And the rest was history," dugtong ni Mon.

"Goodness! You made up too many lies out of my name. I should have known the minute I read one of faux-ACP's letters. The encouraging words I used to tell you every time you're down..." litanya ni Ella sa mga kaibigan habang umiiling. Biglang may naalala si Ella. "What I don't understand is why you wrote cheesy romantic letters when you could have just written friendly ones..."

"Tingin mo ba maniniwala ang isang lalaki, not to mention Stephen, na ang isang babae ay makikipagkaibigan lang using letters?" hamon ni Mon.

"Fair enough," kibit-balikat ni Stephen at pasikretong pinandilatan siya ni Ella.

"But, in all honesty, hindi naman namin inakala na mag-e-escalate ang mga bagay-bagay sa ganito," si Bea.

"Ano'ng ganito?"

"You being together, being a couple," matapang na sagot ni Jake.

Nanlaki ang mga mata ni Ella sa narinig. "Oh my God! Are you, guys, serious?! You already plotted against us and now you're thinking we're together?! Ni hindi ko nga alam kung mako-consider ko si Stephen bilang kaibigan."

Matagal ding walang nagsalita sa loob ng room, lahat nagpapakiramdaman.

"Ella, sorry," basag ni Jessie at sumunod naman ang dalawa nitong kaibigan. "Hindi naman namin sinasadyang pakialaman ang buhay mo."

Ngumiti si Ella. "Hindi, okay lang. Alam ko namang inisip niyo lang ang kapakanan ko. Pero last na 'to ha? No more schemes like this."

"Promise!" sabay-sabay na sagot nina Bea, Kristie at Jessie.

Lalong lumaki ang ngiti ni Ella pagkasabi nila noon. "O sige na, mauuna na ako. Ingat kayo pag-uwi ha. See you tomorrow!" pagpapaalam niya sa mga kaibigan bago humalik sa pisngi ng mga ito.

Sa pagitan ng usapan ng mga babae ay humingi rin ng paumanhin ang mga lalaki kay Stephen. Nagtatawanan at nagbibiruan na sila nang may magsalita sa kabilang parte ng SEC room.

"Kayo kasi eh!" bulalas ni Kristie kina Mark. "Sabi na at wag na nating ituloy 'yon. Ayan tuloy."

"Babe, okay lang 'yon. Kita mo, di naman sila nagalit. Di ba, Stephen?" sagot ni Mark sa kasintahan sabay lingon sa kaibigan ngunit bigla itong nawala sa loob ng kwarto. "Stephen? Nasaan na 'yon?"

Lahat sila ay napalingon sa buong paligid hanggang sa mapatingin si Bea sa bintana.

"Look!" sigaw nito habang nakaturo sa labas ng bintana.

"What the..." mahinang sambit ni Mon.

Nakita nila ang mga papalayong likod nina Ella at Stephen; naglalakad na magkahawak ang mga kamay.

Sa isang iglap ay nakalapit na ang tatlong babae sa may bintana na sinundan naman ng mga lalaki.

"Hey!" sigaw ni Kristie para makuha ang atensyon ng dalawa.

"I think you owe us a thank you!" sigaw rin ni Jessie.

Lumingon sa direksyon nila si Ella. "We are so not thanking you for this!" she called back to them while lifting their intertwined hands.

Pagkatalikod ni Ella sa mga kaibigan, kumaway si Stephen ng walang lingon-likod sa mga ito gamit ang kabilang kamay. "Bye, guys!"

Walang nagawa ang anim na naiwan sa vacant room na iyon kundi ang magtawanan.

It Started With A LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon