Naglalakad si Stephen sa may soccer field nang mamataan niya si Ella sa kabilang side at may mga kasamang babae. Nagtatawanan sila at nagkukulitan, bagay na ikinagulat ng binata.
Hindi namalayan ni Stephen na inilalagay na niya ang dalawang kamay sa paligid ng labi at sumigaw ng, "Ms. Pimentel!"
Agad na napalingon ang tinawag niya sa ibang direksyon. Ilang beses din itong nagpalinga-linga bago natuon sa kanya ang tingin nito. Noong una ay nakakunot pa ang noo nito; marahil ay inaaninag kung sino ang tumawag. Nang mapagtanto kung sino ang tumawag sa kanya ay napangiti ito.
Hindi na muling gumalaw si Stephen sa kinatatayuan niya. Pinagmasdan na lang niya si Ella at ang mga kasama nito. Nagkaroon ulit ng usapan sa pagitan ng mga iyon ngunit maya-maya lamang ay napansin niyang nagpapaalamanan na sila.
Nang makalayo ng halos dalawang metro ang mga kasama ni Ella ay saka ito bumaling kay Stephen. Walang sabi-sabing naglakad sila papunta sa isa't isa at nag-meet halfway.
"Don't call me that!" bungad ni Ella at hinampas nito sa Stephen gamit ang dalang bag.
"Aray!" reklamo ni Stephen habang hinaharang ang mga braso sa panananakit ni Ella. "Bakit? Would you rather I call you ACP?"
"No way!" mabilis na sagot ni Ella at hinampas ulit niya ito ng bag. "Ayoko na ngang tinatawag ako sa initials ko dahil dyan sa mga love letters na 'yan."
"Aray naman! Oy, Ella, ah, nakakarami ka na."
"Tse!" sambit ni Ella. Iniwan na niya ito at nauna na siyang maglakad.
"I didn't know you have friends," sabi ni Stephen nang makahabol siya sa dalaga.
"Eh ano pala'ng akala mo?" tanong ni Ella habang patuloy silang naglalakad.
"Well, you strike me as some typical Dean's List girl. A nerdy one who only knows how to read books, study all night long, and doesn't have any social life," kibit-balikat na sabi ni Stephen.
"Kung makapag-stereotype ka naman!" napalakas na sabi ni Ella na akala mo ay na-eskandalo. "I'll have you know that I just don't live for studying. Nasa Honor Roll nga ako pero marunong din naman akong mag-appreciate ng salitang 'fun'."
"Yeah, you're right. You're different. That's why I like you."
Ella paused for a split second, wondering what he meant. This was gone unnoticed by Stephen who was busy having the realization of what he just said.
"No, I mean—Not like–like. Like, like lang," pagpapaliwanag ni Stephen pero ngumiwi rin siya pagkatapos sabihin ang mga ito.
Natawa si Ella. "Ang labo mo. Pero parang naiintindihan ko naman."
"Mabuti naman," mayabang na sabi ni Stephen. "Matalino ka, 'di ba? Dapat gets mo na 'yon."
"Alam mo, ikaw," sabi ni Ella at humarap sa binata. Pinanliitan niya lang ito ng mga mata bago bumalik sa daan ang tingin.
"Anyway," sabi ni Stephen na akala mo'y walang nangyari, "patulong naman sa Marketing Study."
"Ayooon!" komento agad ni Ella, "Ayon naman pala! May binabalak ka kaya may pa-compliment compliment ka pa dyang nalalaman."
"Grabe ka naman, Ella," mahinang sagot ni Stephen.
"Aba! Ako pa ngayon ang grabe!" retorted Ella who shook her head before chuckling.
"Oo naman! Ganyan ka pala talaga ha. Akala ko pa naman mabait ka. Tsk, tsk."
"Ah, gano'n ha?"
"Oo, gano'n talaga. Gano'n!"
"Okay. E di 'wag kang humingi ng tulong sa'kin."
"Uy, hindi, joke lang!" biglang bawi ni Stephen at hinawakan ang braso ni Ella para mapigilan ang pag-alis nito kung saka-sakali.
"O, akala ko ba hindi talaga ako mabait?" sabi ni Ella at tinitigan ang kamay ng binata na nakahawak pa rin sa braso niya. "Sa iba ka na lang humingi ng tulong, selfish ako eh."
"Joke nga lang 'yon. Sige na, tulungan mo na ako. Please," pagpapa-cute ni Stephen.
"Hindi mo ako madadaan sa ganyan kaya umayos ka. Akin na nga 'yong draft mo," sabi ni Ella at iniharap kay Stephen ang palad.
Tahimik na iniabot ni Stephen ang draft niya kay Ella at tahimik rin itong sinimulang basahin ng dalaga habang sila ay naglalakad.
"Bakit ba kasi naisipan mong mag-elective ng Management course?" tanong ni Ella nang hindi inaalis ang tingin sa binabasa.
"Ha? Anong elective?" balik-tanong ni Stephen na halatang nagtataka. Nang medyo naintindihan niya ang sinabi ng kausap, "Uh, Ella... Pareho tayo ng course na kinukuha."
Mabilis na nag-angat ng tingin si Ella papunta kay Stephen. "Talaga? Seryoso ka dyan?"
"Mukha ba akong nagbibiro?" sagot ni Stephen at nag-make face siya.
"Hindi, wala lang," bulong ni Ella. "Hindi kasi kita nakikita sa building eh."
"Kasi nga, nerd ka talaga," saad ni Stephen at mabilis na tumakbo papalayo kay Ella.
"Stephen! Ang kulit mo talaga!" habol ni Ella rito habang malalakas na tawa ang maririnig mula sa binata.
BINABASA MO ANG
It Started With A Letter
RomanceA letter is used to convey thoughts or feelings that one cannot express verbally. But what if she finds one for herself? What if he gets too many of it? What if it's just a plot to get them together? One thing is for sure: these letters will change...