Chapter 8

14 0 0
                                    

Chapter 8

Sa sobrang inis ni Raph sa akin, iniwan niya ako after namin nagdinner. And I can't blame him. May mali rin ako. Kung sana hindi ko pinatagal yung pangliligaw niya sa akin, hindi na lalalim pa ang feelings niya for me. Dapat matagal ko na siyang pinatigil para hindi na siya umasa pa.

Naglakad-lakad na lang ako papuntang Sm Davao. Malapit lang naman ang Karlyn’s doon eh. Doon ko na napagisipan na sumakay ng jeep pauwi ng bahay.

“Sibugi daw sa wala! Oy te, sibugi daw palihog arun nakalarga na ta.” Sigaw nung konduktor sa ale na nasa harap ko. Ito talaga ang nakakainis kung may konduktor ang jeep. Yung tinapa na kayo sa loob pero pinagsisiksikan pa talaga kayong lahat. Nakakainis lang talaga. Ang sikip-sikip na namin.

Nang umandar na jeep, wala na masyadong traffic dahil alas nuebe na ng gabi kaya mabilis ang takbo ng jeep. Maya-maya, nakaamoy kami ng parang gasolina na ewan na parang may usok. Napansin nila na sa engine ng jeep na sinasakyan namin yun galing. Nagsigawan ang mga pasahero at dali-daling umalis sa jeep. Halos mabingi kaming lahat ng sumigaw yung babae na ‘Tulooong’. Nag-panic silang lahat at nagsitakbuhan na. Hindi ko alam kung anong unang gagawin ko. Tatakbo na rin sana ako ng may biglang humila ng kamay ako at tumatakbo rin siay.

“Tulong omggg! Heeelp! Hey bitawan mo akooo!” sigaw ko sa taong hinihila ako. Naka-hoodie siya at hindi man lang ako tinitingnan. Sigaw ko ng sigaw ng ‘tulong’ ngunit masyadong abala ang mga tao doon sa jeep na halos magliyab na ng apoy sa dami ng gas na nabubuhos galing doon sa jeep. Nakaisip ako ng ideya para mapatigil ng takbo yung lalaking kumi-kidnap sa akin. Binilisan ko yung pagtakbo ko (buti at nakayanan ko pa dahil sobrang bilis ng takbo niya) upang makatabi ko siya sa pagtakbo. Isinangit ko yung paa ko sa paa niya upang mapatid siya. Ngunit iba ang kinalabasan ng ginawa ko. Pagkatapos ko siyang patirin, napatid naman siya ngunit nasama ako sa pagpatid niya. Hinawakan niya ang baywang ko kaya mas naging malapit ako sa kanya. Na-ikot kaming dalawa at sabay noon ang pag-putok ng jeep na kanina pa umaalab ng apoy. Nagulong-gulong kaming dalawa nung kidnapper habang yakap niya pa rin ako ng mahigpit na para bang pinoprotektahan niya ako. Mayamaya ay natigil na yung pag-gulong namin at saktong nasa taas niya ako. Dahan-dahan kong binuksan ang nakapikit kong mata at nakita kung sino ang kidnapper. Ang mga hibla ng buhok ko ay nagkalat sa mukha niya pero hindi yun naging hadlang na Makita ako ang kanyang mukha.

“Bakit mo ako pinatid, sky? Gusto kitang ilayo doon kasi in no time puputok na yung jeep!” Sigaw ni Rain sa akin habang pareho naming hinahabol ang aming hininga dahil nakakapagod na tumakbo ng tumakbo.

“Sorry. Akala ko kasi kinikidnap na ako. Nag-hoodie ka pa kasi! At kanina, sigaw ako ng sigaw, hindi ka man lang sumagot na ikaw yung humila sa akin!” Sagot ko sa kanya sabay tayo. Sobrang awkward na kasi ng position naming dalawa. Hindi na siya sumagot pa at tiningnan na lang ako ng matalim.

“O, ano na naman? ‘Bat ganyan ka makatingin?” Tanong ko sa kanya.

“ano na lang kaya ang gagawin mo kung hindi ako dumating? Siguro natusta ka na rin doon! Hay nako, sky. ‘bat ba kasi lapitin ka sa disgrasya? Ganyan ka na ba katanga?” Sermon ni rain sa akin.

“Sorry na nga diba? Hoy, teka saan ka pupunta?” sinigawan ko siya ng bigla siyang lumakad palayo sa akin.

“Sa beach.”

“anong beach? Yung abondonadong beach?” takbo ko palapit sa kanya. Pataas yung daan kaya mahirap ilakad.

“oo. Wala na man akong ibang beach na pupuntahan eh. ‘bat ba ang bagal mong maglakad?” Tumigil siya at tiningnan ako.

“una sa lahat, babae ako. At lalake ka kaya natural na ikaw talaga ang mauuna. Pangalawa, pa-akyat tong daan. Natural yung gravity, malakas kasi mataas to na lugar. Kung hindi ako lalakad ng dahan-dahan, baka mahulog ako. Tss.” Reklamo ko sa kanya.

“Fine. Sige jan ka sa likod ko.”

“Anong likod? Bakit?”

“Wala lang. para kung mahulog ako kasi hinihila ako ng gravity pababa, sasaluin mo ako. Nandyan ka sa likod ko eh. Haha! Galing ko talaga.” Banat niya sa akin. Hay nako, rain. Kahit kailan talaga. Hindi ko na siya sinagot pa pero hindi nagtagal ay natisod ako.

“Aray ko naman. Haha. Ang hirap pala kung malakas ang hila ng gravity.” Sabi ko sa kanya habang siya naman ay busy sa pagtingin ng maga ng paa ko.

Nagulat ako ng bigla niya akong kinarga na parang bagong kasal. Shet yung heart beart koo!

“Oy! Ibaba mo akoo! Rain, Isa!”

“Hindi ka na ata makakatayo pa sa sobrang maga ng paa mo. Bubuhatin na lang kita.”

“Eh ayoko ng ganitoo! Masyadong awkward. Ibaba mo akoo Rain, ibaba mo akoo!” Oh my gosh. Yung heartbeat ko. Please ano na ba talagang nangyayari sa akin?

“Eh anong gusto mo?” Sabi niya at sa wakas ay binaba niya na ako. Hindi na ako sumagot sa kanya pero nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko at naglahad ng kamay. Ano na naman to?

“baba ka na lang.”

Grabe na to rain, ah. You never failed to make my heart beat so fast. Thank you, knight in shining armor.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Loose stringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon