Forever

77 2 0
                                    

Skye Line.

"Bakit ka napaaway? Hoy ang pangit mo na nga, nagpagas-gas ka pa ng mukha? Buang ka na ba talaga?" Hay nako. Kailangan ba talagang pasaway pag lalaki ka?

"Alam mo, hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi pinapagalitan mo ako o mahihiya kasi parang inaaway ako ng girlfriend ko sa harap ng mga tao. Ikaw? Saan ka ba doon skye? Doon sa pinapagalitan kasi nag-aalala o doon sa isa? Dali, kasi mang-iinterview pa ako ng iba!" Sigaw niya sa akin.

"Kung tusukin ko kaya yang mata mo? Pasaway ka masyado, alam mo yun? Hali ka nga!" Binalot ko na yung mga binili niya. Nagulat ako kasi may whisper dito.

"Omygash. 'Bat may whisper? Ew rain, dapak?"

"Hoy hindi ako bakla." Sabay subo ng ice cream na binili niya rin dito. "Naninigurado lang ako kung whisper ba o table napkin ang kailangan niya. Kaya binili ko yung dalawa. Para sure diba? Hmmmm! ang chalap namen neng ice cream nye!" Putek? Matu-turn off lahat ng may gusto sa kanya kung makita nila to. Haha!

"Nag-shabu ka ba? Malamang ang kailangan niya ay yung table napkin! May matinong babae ba na nagpaabili ng napkin sa lalake? Boploks mo talaga. Hanga na ako sayo! " sabi ko sa kanya.

"Boss, mauna na po ako. Salamat po!" Tumango naman yung boss ko at nag-wave. Lumabas na ako ng store kasama si Rain. Naghahanap kami ng basurahan dito sa park dahil itong si Rain, naghahanap ng matapunan ng pinakamamahal niyang ice cream.  Umupo siya sa isang bench habang ako naman ay hinahanap sa bag yung alcohol. Buti na lang may naligaw na band aid dito.

"Akin na nga yang mukha mo!" Sigaw ko sa kanya sabay hawak sa mukha niya.

"Bakit? Aray hoy ang hapdi ng alcohol!"

"Bobo! Kelan pa hindi naging mahapdi ang alcohol? Akin na nga lalagyan ko ng band aid."  Sinunod naman niya ang sinabi ko kaso nga lang tumahimik siya at hindi na umimik ulit kaya madali ko lang nalagay sa kanya yung band aid kaso mga lang, naging awkward kasi walang nagiingay.

Tinitingnan namin yung mga batang naglalaro sa slides, tapos doon rin sa swings nang biglang may dumaan na matandang couple na nakahawak ang kamay at ang sweet-sweet pa.

"May forever nga ba? Ano sa tingin mo Rain?" Curios ako. Alam ko naman na may matinong sagot ang kumag na ito dahil matalino to. Dean's lister to no.

"Walang forever no."

"Ha? Paano mo nasabi? Sawi ka sa pag-ibig no?" Yun lang ang tanging nasabi ko sa kanya dahil nabigla ako sa sagot niya.

"Hindi no. Sa gwapo kong to? Sawi? Ewwwww " tapos nag-inarte siyang babae na parang diring-diri. Haha yayks.

"Tinatanong ka ng maayos eh! Bad trip ka talaga kahit kailan. Tss!" Sinabi ko yun tapos magwa-walk out sana ako kaso hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo ulit.

"Hindi mo dapat sinasama ang forever at pag-ibig. Diba sinabi ko sa iyo noon na ang pag-ibig, malalim ang kahulugan niyan, tapos isasama mo sa forever? Skye, I tell you, masyadong mababaw ang kahulugan ng forever. Sobrang babaw para isama sa pag-ibig." Sabi niya sa akin habang tinitingnan ang langit. The sun is setting down na pala.

"Anong ibig mong sabihin na 'mababaw ang forever'?" Nakakunot-noong tanong ko sa kanya.

"Alam mo ba kung anong meaning ng forever?" Tanong niya sa akin.

"Ang forever ay habang buhay. Yung yun. Paano naging mababaw yun?" Hindi ko kasi gets ang point niya.

"Forever means lasting. Yun ang meaning ng forever, skye." Tipid niya na sagot.

"Okay. Tapos? Mababaw ang lasting? Forever is true." Casual kong sagot sa kanya.

"Yeah, forever is true. Forever is evident. Naiintindihan mo ba? People sees forever. Thats why forever is cheap. It is cheap because it is only measured by a naked eye. "

"Bakit naked eye Rain? Bakit nakikita? Hindi ko gets eh. "

"Diba pag nakakita ka ng old couples kagaya yung kanina, masasabi mong may forever kasi nakita mo? Yun ang point ko run. Forever means lasting and lasting means 'able to endure for a long period of time.' In short, Forever is measured by time. Kung sinabi ng tao na forever, tapos ang forever ng taong yun ay hanggang sa may mahanap siyang mas angat sayo, sad to say that your forever has come to an end. How can an intense feeling of deep affection, which is love, can be measured by time? Time dapat ang binibigay mo sa taong mahal mo, hindi yung time ang nagsasabi kung hanggang kailan ka na lang pwedeng magbigay. So love shouldn't be combined with forever." Nakangiting sabi ni Rain.

"Pero paano mo sasabihin sa taong mahal mo na mamahalin mo siya habang buhay kung walang forever?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Eternity, Skye. Eternity is the right word." Nakangiting sabi niya.

"Eternity?"

"Yes. Do you know what eternity means? Eternity means infinite or unending time, it is a state where time has no application. In short, it is timeless. Eternity means endless, even in time after death. Anong laban ng lasting sa timeless? Anong laban ng forever sa eternity? Can you see how flawless eternity is?  Eternity is timeless. It is sealed. Eternity is blessed. And it is sacred.Its so heart warming.  Diba Skye?  What would you feel if someone told you that he will love you for eternity?" Nakatingin na siya sa akin ng tinanong niya ito.

"Home. It feels like home. Kahit wala ka sa bahay mo, basta kasama mo yung taong yun, parang nasa bahay ka na." Ako na naman ang nakatingin sa sunset. Tapos tumingin din ako sa kanya at ngumiti.

"Exactly. You know what, I realized something today. I realized that talking under the twilight sky feels great. Especially when I'm with you." Nakangiting aso niyang sabi  na nakatingin rin sa sunset. Malapit nang dumilim at gumabi.

"Kumag ka na nga, bolero ka pa."

"And also, I realized that Forever is a word for the world. Eternity is sacred. Skye, would you mind if I ask for your eternity?"

Happy New Year! Say cheers to 2015. This year will be great

Chasing Loose stringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon