"Don't you ever lay a finger on my princess, miss."

71 2 2
                                    

Badtrip naman nitong traffic. Kelan pa kasi maaayos yung tulay sa unahan? Ginagawa tuloy na one-way yung maliit na kalsada sa gilid. Hay, buhay.

"Arrrgh! 'Bat ba kasi puno lahat ng jeep? Badtrip! Parati na lang malas eh!"

Abat tadhana nga naman oh. Sa lahat ng pwedeng tao na makikita ko na naghihintay ng jeep eh si Skype pa talaga ang nabiktima. Sige na nga isasabay ko na, may kasalanan pa man din ako.

"Skype, sakay." Nakasimangot siya na lumingon sakin.

"Kung maka-skype ka! Skye nga diba? Hindi ako sasabay sa mga sinungaling. Baka mahawa ako." Sabay irap niya.

"Sasakay ka ba o sasakay ka? Ang init oh! Hala ka, baka magka-kuto ka nyan. " At ito namang si uto-uto, nagpa-uto ulit. Nagdali-dali siyang sumakay at nagseat belt.

"Sasakay ka naman pala eh. Pakipot pa."

"Anong pakipot? Wala akong choice no!" Nagpout pa ang loko.

"Choice? O baka naman, gusto mo talaga. Tinatago mo lang kasi takot ka. Alam mo, okay lang naman na magustuhan mo ako eh. Normal lang yun. Gwapo ako, gentleman pa." Sabay kindat sa kanya. Nangamatis na naman siya. Haha. Ang daling pakiligin.

"At tingnan mo, ako na naman ang nagligtas sayo. Parati talagang nandiyan ang knight in shining armor para iligtas ang prinsesa. Subalit yung prinsipe naman, ayon at busy na nakikipag-kape sa ibang tao." Sinabi ko yun dahil nakita namin si Raphael na umiinom ng Starbucks at may kasamang lalaki. Ang lakas ng loob na tumambay sa tambayan ko ah!

"Hayaan mo na, busy talaga sa buhay si Raph. Maraming ginagawa dahil sa business nila. Naiintindihan ko naman." Sabi niya sabay simangot. Naintindihan daw tapos naka-simangot.

"Pero diba manliligaw mo siya?" Tanong ko. Nakaka-curious eh.

"Yep. Okay naman siya na manliligaw. Ume-effort naman siya kung may mahahalagang araw like birthdays ko or valentines."

"So birthday mo pala noong isang araw?" Hindi man lang ako nainform.

"Haha. Oo eh. Kaya yun, kinantahan niya ako sa school." Kwento ni skpye tapos nangamatis siya.

"Psh. Ang korni kaya noon." Sabi ko. Alam ko namang ma-effort yun pero naiinis ako. Malay ko ba.

"Anong korni? Gusto yun ng mga babae! Sabagay, wala ka namang alam sa mga babae eh. Sarili mo lang kasi inaatupag mo." Bulong niya na narinig ko naman.

"May pake-alam rin kaya ako sa iba. Hindi nga lang hatala." Sabi ko tsaka peace sign.

Humagalpak siya sa kakatawa kasi ang pangit ko raw magpacute. Bakit ba? Ang cute ko kaya.

"Saan tayo?" Tanong ni skype. Dinala ko kasi siya sa ice cream parlor. Peace offering ko tapos born day gift.

"Sa earth. Hindi ka ba informed?"

"Asar ka. Bakit ba kasi tayo nandito? Rain & Sky's sweet treats? Ano to? Parlor natin? Crush mo na ako no?" Haha. Baliw na siya. Ako? Gusto siya? Pwede. Haha, yuck badeeeng.

"Asa ka naman. Nagkataon lang na pangalan natin nakalagay diyan. Peace offering to kasi masakit magulong-gulong pagkatapos kong bitawan eh. Tsaka birthday gift ko. "

"Loko ka! Sinabi mo pa talagang nagulong ako. Pero okay na, may libre naman pala eh. Yieee ice creaaam!" Tapos kumaripas na siyang tumakbo sa loob ng sweet shop. Adik talaga.

"Mango flavor lang akin, rain. Masarap yun!" Kulang na lang lumabas yung mata niya. Masyado siyang fascinated sa Mango flavor na ice cream. Pagkatapos niyang sinabi yun, umupo na siya sa table namin.

"Two orders of rocky road ice cream."

"Okay sir. I received one thousand." Sabi nung cashier na kanina pa smile ng smile sa akin. Hirap maging gwapo. Kailangan mong i-maintain ang kagwapuhan mo, kahit na naiinis ka na. At dapat matutong magrespeto ng babae kahit hindi naman karespe-respeto. Rain Deer pogi tips 101.

Pagkatapos kong bayaran ang order namin, may nakita akong babaeng lumapit sa table namin at parang kinausap si skype. Nagmadali naman ako upang maabutan ko ang usapan nila.

"Alam mo, dapat matuto kang rumespeto sa mas maganda sayo. Umalis ka na. I'm too classy to stoop down at your trashy level." With poise na sabi ni skye sa babae. Bat ba kasi to nagaaaway?

"How dare you!" Sasampalin niya na sana si skye kaso natigilan siya  dahil sa presensya ko. Naks, mga gwapo talaga.

"Don't you ever lay a finger on my princess, miss."

Chasing Loose stringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon