Suntukan

66 2 0
                                    

Pagkadating ko sa school, pumunta na kami sa biology class namin. Superclassmate kami, diba?

"Class, we will have a laboratory activity after our School fair this Friday. Kayo na bahala mag-group sa sarili niyo dahil malalaki na kayo. Pair yourself sa tao na comfortable ka, 'Kay? Thats all for today. Class dismissed." Tapos umalis na si Ma'am. Mabait ako na studyante sa kanya dahil mabait siya na teacher. Ganyan yan eh, ayoko kasing sumipsip.

"Ulan, partner tayo ah?"

"Wow. Sabi ni ma'am na makipagpartner ka sa taong komportable ka. Komportable ka sa akin? Haha. Baka nagugustuhan mo na ako ha, dahan-dahan lang. Baka malunod ka na." Sabi ko sa kanya tapos kinindatan ko siya. Yung famous jaw dropping wink ng isang Rain Deer.

"Ang kapal talaga ng kubal mo, rain. Sige na oh! Super classmate tayo kaya hindi tayo mahihirapan na maghanapan kung malapit na ang activity. Mauna na ako, may pupuntahan pa ako eh. Bye!"

Tapos ayon, nagmadali na siyang umalis. Parang may hinahabol talaga. Saan na man yun pupunta? Wala kaming klase ngayon ah.

"Raiiiiin! Hoy! Tatakasan mo na naman kami no?"

"Ha? Anong tatakasan? Oh yssa, ikaw pala yan. Kumusta yung booth natin para sa school fair this friday? Tapos na ba?" Tanong ko sa kanya. Malapit na rin kasi ang school fair.

"Hoy ulol tumulong ka naman sa amin! Tanga mo talaga huy" tapis kinurot niya tenga ko. Sakit nun no. Ang mga babae talaga, sadista.

"Bilihin mo to lahat." Tapos may binigay siya na listahan sakin. "Gawin mo yan habang inaayos namin ang venue. Doon tayo gilid ng gym. Katabi ng clinic. Coffee Café ang napagusapan namin na gagawin. Kunin mo yung pera kay Rudolf. Dalhin mo na lang sa amin pagkatapos ha? Salamat Rain, una na ako."

May gagawin rin pala ako. Puntahan ko si Rudolf sa venue namin. Nakasimula na pala sila kaso may kulang pa rin sa mga designs. Yun siguro angbipapabili nila sakin.

"Sa wakas, nagpakita na ang multo ni Rain." Sabi ni Paul, teammate ko sa basketball.

"Nabusy lang pare. May training mamaya, diba? Lalaro ba tayo sa school fair?" Tanong ko sa kanya.

"Meron. Timing na eh, wala pa kami nakasimula kahapon. 4 o'clock mamaya pre, sa gym ng engineering tayo magpapraktis."

"Okay pre. Saan ba si Rudolfo? Nakita mo ba?" Tanong ko sa kanya. Ang haba na ng napagusapan namin. May pupuntahan pa ako tapos may klase pa ako. Yoko malate.

"Nasa likod. Puntahan mo lang." Hinanap ko kung saang likod ba yung sinasabi niya. Nakita ko si Rudolfo na may kasamang babae. Girlfriend niya ata at mukhang nagaaway sila. Pera ko na lang muna ang gagamitin ko dito. Pucha, naghanap ako para sa wala.

Pumunta na ako sa parking lot ng may biglang humila sakin banda sa janitor's room ng school namin.

Naku naman, mukhang mapapaaway ako ngayon.

"Walang hiya ka pare, alam mo bang hiniwalayan ako ng girlfriend ko dahil sayo? Puta! Lalake ka sana kaso nilandi mo girlfriend ko!"

"Pre, teka nga. Kung magsalita ka para kang bakla. Lam mo yun? Nilandi? Haha puta. Kaya ka hiniwalayan ng girlfriend mo kasi bakla ka. Sinisi mo pa sakin ah. Ge, una na ako. Sasabihin ko na lang sa girlfriend mo na di ka bakla kaya wag ka na lang hiwalayan."

"Tarantado ka talaga!"

Nilabas niya ang kutsilyo sa bulsa niya. Sheeet memeng, ako ata mababakla dito. Sasaksakin niya sana ako kaso nakailag ako at hinawakan ko yung kamay niya. Marunong akong mag-martial arts. Dagdag pogi points yun.

Inikot ko yung kamay niya na may hawak na kutsilyo. Sa sobrang sakit, nabitawan niya yung kutsilyo pero nasuntok niya ako sa mukha.

Sa sobrang inis ko na nasuntok niya ang mukha ko, na-axe kick ko siya tapos suntok sa tiyan. Natumba siya tapos parang hilong-hilo na kaya umalis na lang ako.

Sumakay na ako sa sasakyan ko tapos tiningnan ko yung mukha ko. Nagalusan ang labi ko ngunit hindi naman napunit. Buti na lang. Nag-drive na ako patungo sa pinakamalapit na convenience store sa school upang bumili ng designs para sa school fair.

"Feathers, check. Tea, check. Napkin? Anong napkin to? Shet naman, table napkin siguro to. Mahirap naman na maglagay kami ng whisper sa café namin. Sus, talino ko talaga."

Nang nakumpleto ko na ang bilihin ko, naglakad na ako sa cashier nang may humawak sa mukha. Kaso may mali eh. Tumitibok yung puso ko. Ang lakas.

"Rain Deer, napaaway ka ba?!"

Si skye? Siya yung cashier?

Chasing Loose stringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon