True Love ba?

64 1 0
                                    

"Arrrgh! Nakakainis naman yung monster na yun. Kabad trip eh!"

Inis na sabi ni Skye sa akin. Dinala ko siya sa isang abandoned place na may white sand beach. Ang ganda ng place na ito kaso yun nga lang, abandonado na. Lumalakad-lakad kami sa buhanging pinong-pino ay ang ganda habang kain namin yung ice cream na binili ko kanina.

"Teka nga rain, bakit rocky road ang binili mo? Sabi ko mango, bingi ka ba?" Ayan na naman. Reklamo na naman siya.

"Dapat kasi, you should try new things. Hindi yung stuck ka sa mga bagay na akala mo masaya na pero yun pala, may mas sasaya pa doon. You don't deserve that kind of life, Skye. You deserve better." Sabi ko sa kanya sabay upo sa buhangin at kain ng natitirang ice cream.

"Sanay kasi ako na si Raphael parati ang nagde-decide para sa akin. Ewan ko ba, sa 9 months na pagliligaw niya sa akin, siya parati ang nadedesisyon kung ano ang kakainin ko, kung ano ang merienda. Yung mga ganun. Kaya yan, nasanay na ako."

Kwento niya sa akin. Hindi naman ako sang-ayon doon.

"Hay nako, see? Princes always do that. Masyado silang pa-bida. Gusto nila sila ang parating masusunod kasi sanay sila sa ganyang buhay. Gusto nila na sila ang kumokontrol sa lahat. A princess don't need a prince. Instead, they need a knight that's ready to be a slave to serve her. Thats what true love is. Well, kung tatanungin mo ako, may iba pa akong opinion about love in relevance sa sinabi ko."

"Sige, ano ba ang love para sa isang Rain Deer?" Natatawang tanong niya.

"Ano ba, wag na nga lang. Pinagtatawanan mo pangalan ko eh. Alam mo ba na napaka-unique ng pangalan ko?"

"Oo nga eh, sa sobrang unique, hindi ko naisip na pwedeng ipangalan yun. Haha!" Hindi niya na siguro napigilan kaya humagalpak na siya sa kakatawa. Haha. Ang adik niya talaga.

"Hoy! Kung makatawa ka akala mo ang ganda ng pangalan mo. Skye Line? Pfft. Ano yan, cable? Haha! Aray! 'Bat nambabatok ka?" Ang sakit naman nun. Lakas niyang manloko tapos ang pikon naman.

"Sige na nga, seryoso na. Ano ang love para sayo?" Seryoso niyang tanong.

"Ang love, yun yung nararamdaman mo sa tuwing nakikita mo ako. Haha! Boom panes! Aray! Hoy, pangalawang batok na yan ha!" Haha. Ang pangit ng mukha niya. Nakasimangot eh.

"Umayos ka nga! Seryoso na eh!" Inis niyang sabi.

"Haha. Joke lang nga eh. Pero pwede na yun no." Tinignan niya ako ng masama. "Okay, sige na nga. Ang pag-ibig kasi, hindi lang basta salita yan. Ang I love you, hindi lang basta pangungusap yan na sasabihin mo kung gusto mo yung isang tao. Malalim ang mga kahulugan ng salitang yan. Nakakalito pero alam mong totoo. Totoo yung nararamdaman mo pero nalilito kasi hindi mo alam kung bakit ka nagkakaganyan. Yun bang sinasabi mo sa isip mo na 'Wag mo siyang tingnan! Kanina ka pa nakatitig sa kanya, baka mabisto ka na! Lagot ka nito eh!' Pero ayun, nakatingin ka parin. Sumusulyap ka pa rin. Yun ding feeling na 'Wag ka ngang magselos! Akala mo kayo na, hindi naman eh. Gumising ka kaya sa katotohanan na hindi mo siya pagaari.' Pero ayun, nagtatampo ka pa rin. Para kang tanga pero ganun yung pagmamahal eh. Tanga ka. Bobo. Pero kahit ganyan ka, hala sige, nagmamahal ka pa rin kasi mahal mo eh. Konting smile lang galing sa kanya, natunaw na lahat ng galit tapos napalitan ng saya. Dapat kasi, pag nagmahal ka, walang dahilan. Yan ang tunay na pagmamahal. Kung sinabi mo na mahal mo yung isang tao kasi mabait siya, maganda, gwapo, hindi mo siya tunay na mahal. Gusto mo lang siya. Iba ang mahal sa gusto. Paano pag dumating yung araw na magsungit siya sayo? Dumating yung araw na pumangit siya? Edi hindi mo na siya mahal, diba? Kasi nawala na yung rason kung bakit mo siya mahal. Pag nagmahal ka, walang dahilan. Hindi mo alam kung bakit. Basta mahal mo siya. Kaya nga Love is abstract. Hindi mo yan maeexplain. Yan yung pagmamahal para sakin Skye. Hindi pa nga yan full version eh, ginawa ko lang short-cut kasi baka malate na tayo. Tara na! May klase pa oh. Lunch na nga eh. Patay, nakaskip tayo ng class."

Tumayo na ako at hinila ko yung kamay niya para hindi siya mahirapan tumayo. Naglakad na kami papuntang kotse at nagmaneho na ako papuntang school. Ang saya ng simula ng araw ko.

Chasing Loose stringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon