Chapter 38: Mas Magulong Magulo

107 3 0
                                    

CHAPTER 38: MAS MAGULONG-MAGULO

YUROSHI'S POV

*KRIIIINGGGGG

"Okay class dismiss." Agad na nagsitayuan at ang iba ay nagsiayos ng mga gamit nila plabas ng silid. Pumasok na ko ngayon kasi kelangan kong mahabol yung namiss kong lesson kahapon. Pero... bakit hindi pumasok si Jade? Asan si Jade?

Parang wala ako sa sarili kanina dahil sa kakaisip. Bakit ganon? Ang sakit.... ang sakit sa puso na ganito. Feeling ko nagkakaganito si Jade dahil sa akin. Feeling ko sobrang nasaktan siya sa sinabi ko. Naku naman... sana maging okay na i Jade... Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanyang hindi maganda.

"Huy... Yuroshi..." Napatingin ako sa nagsalita. Si Jason isa sa mga kaklase namin. "Okay ka lang? Ikaw na lang kasi naiwan dito eh." Napansin ko naman na ako na nga lang ang mag-isa dito... medyo nalungkot ako kasi walang tumawag sa akin para sumabay pabalik sa kwarto :(( Ganon ba sila kagalit sa akin? Ni isa wala man lang kumausap sa akin :(((

"Ah- eh ah o-oo okay lang ako medyo gusto ko lang talaga na napag-iisa ngayon.. Hehehe.. eh ikaw? Bakit hindi ka pa bumalik sa kwarto mo?"

" Ahh... may hinihintay lang ako."

"H-ha? Eh sino naman?" Nakakapagtaka naman ito si Jason wala naman nang tao dito eh. Sino pa kaya ang hinihintay niya?

"Ikaw..." Nahinto ako nang sabihin niya yan sa akin. Halaa... ako daw? Paano? Di nga kami close niyan... Isa si Jason sa katabi ko dito sa klase. Bale si jade ang nasa kanan ko at si Jason ang nasa kaliwa ko. Pero hindi kami nag-uusap niyan, minsan lang kapag may activities o kaya nagtatanungan ng sagot tuwing quiz at exam.

"H-ha? hahahaha... grabe ka Jason. Iba ka magbiro hahahaha..."

"Hindi ako nagbibiro." Hala? Eh? Mukha nga siyang seryoso hala... may masama ba kong nagawa dito kaya niya ko inaabangan? "Sinabihan ako ni Mr. Choi na magsarado ng classroom natin." Bigla naman akong nabunutan ng tinik nun hahaha akala ko kung ano na eh.

"Ahh... hahaha oo naman sige aalis na ko. Pasensya na ha.." Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na ng classroom. Naku naman oh... nakakahiya.... (>,<) Kung anu-ano pa tuloy inisip ko.

"YUROSHI." Napalingon ako sa likod ko. Si Jason na tumatakbo palapit sa akin. Ano ba problema neto akala ko ba inintay niya lang ako para umalis sa classroom.

"Tara sabay na tayo pumunta sa dorm."

"Ah-hehehe sige..."

Tahimik lang kaming naglalakad. Walang umiimik sa amin. sa katunayan ang awkward dahil hindi ko naman talaga ito kaclose at nakakapagtaka lang na lumalapit-lapit siya sa akin.

"May gusto ka bang sabihin Jason at sinasamahan mo ko ngayon?" Inunahan ko na siya... Hindi ko kasi talaga alam kung bakit kasama ko siya ngayon.

"Wala naman. gusto lang kitang samahan. Napansin ko kasing malungkot ka at mukhang may pinoproblema. Bakit hindi mo nga pala kasama mga tropa mo?" Napayuko naman ako non... paano ko ba sasabihin na dahil sa inasal ko kaya hindi nila ako pinapansin ngayon... at paano ko sasabihin na sobrang lungkot ko dahil marami akong pinoproblema sa buhay.

"Ahhh... wala... ahm gusto ko lang talaga mapag isa." ayun na lang ang naisagot ko.

"Ah ganon ba? Ah eh hahaha sige naiintindihan ko..."

"Ah teka? saan ba ang kwarto mo? Malapit na kasi ang kwarto ko dito eh... Okay lang ba na mauna ako?"

"Ah-oo walang problema don. sa katunayan andun pa sa dulo ang kwarto ko malapit lang dito hehehe... "

BoysTown [ A BroMance Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon