Chapter 7 : My Super "D"

638 17 0
                                    

CHAPTER 7:  My  super  “D”

SHOY’S POV

Hmm, ok naman tong uniform namin.Komportable naman siyang suotin at hindi naman mahahalta na babae kami nito .Ito ang first time kong masuot ang uniform na ‘to,kahapon kasi naka sevilian lang kami.Grabe ang pogi ko talaga..pero mas pogi pa rin si Dilan ^_____^

*KRRRIIIINNNNGGG*

Natigil na ko sa pananalamin nang marinig ko ang bell na ibig sabihin ay oras na para magsipasukan na sa mga klase.Agad ko ng kinuha ang bag ko at lumabas na sa kwarto.

Iniwanan na pala ako ng mga kasama ko dito dahil mabagal daw akong kumilos kaya eto ako ngayon magisang naglalakad papunta sa class room.

Tulad pa rin ng kahapon, magulo pa rin ang mga kaklase namin.Nagbabatuhan pa rin sila ng mga pwedeng maibato at ang iingay pa rin nila.

Napansin ko sila Mergo, Yuroshi  at Jexshun na nakaupo lang at parang mga badtrip.

Si Mergo alam ko na kung bakit badtrip yan.Palagi mo ba namng makita at makasama ang taong kaaway mo eh.Si Yuroshi naman, ewan ko ba pero inis na inis siya kapag kinakausap siya ni Jade.Tulad ngayon, kinakausap siya ni Jade at kitang-kita sa itsura ni Yuro ang pagkabagot.Ok naman si Jade ah...

Pero naninibago talaga ako sa inaasta ni Jexshun ngayon.Bakit kaya parang badtrip na badtrip siya?Nakaupo lang siya sa seat niya at nakasimangot ang mukha habang si Joseph na nasa likuran niya ay tuwang-tuwa habang kinakalabit siya at parang may sinsabi pa.Ewan ko kung anong pinagsasabi ni Joseph pero naninibago rin ako sa kanya.Unang kita ko kasi sa kanya palaging nakasimangot at hindi marunong ngumiti,pero tignan mo ngayon oh...patawa-tawa pa siya habang binabadtrip si Jexshun.

Napakibit balikat na lang ako at napailing.Pagkatapos ay nagdire-diretso na sa upuan ko.Nakita ko doon si Dilan na nakasandal ang ulo sa armchair.Baka natutulog  na naman.Tsk tsk tsk...Ibang-iba na siya ngayon.Dati napakaaktibo niya sa klase,masayahin ayaw na ayaw niyang nagkakagulo pero ngayon....parang wala na siyang pakielam sa paligid niya.

Naupo na ko sa tabi niya at isinandal ko na lang din ang ulo ko sa armchair at humarap kay Dilan.

Tinititigan ko lang ang ulo niya.Gustong gusto kong hawakan ang buhok niya pero hindi ko magawa baka mamaya magising siya.

Natauhan na lang ako nang mapansing nakaharap na rin siya sa akin at tinititigan na rin ako.

SHOCKS Ang ganda talaga ng mga mata niya.> //// <

“Bakit mo ko tinitignan?”Napabangon ako sa pagkakasandal ko sa armchair at naupo ng maayos.>.<

kinikilig ako!!!  Shete lang oh.

“A-ah... wala.Wala ,hindi kita tinitignan noh.”Pagde-deny ko.Shete lang  talaga oh bakit ba ko natataranta >__<

“Alam mo parang may naaalala ako sa’yo.”Napalingon naman ako sa kanya .Hindi kaya.....hindi kaya...hindi kaya  napapansin niya ng ako si Shiya?

BoysTown [ A BroMance Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon