Chapter 12:Dilan's Secret

523 13 0
                                    

CHAPTER 12:Dilan’s Secret

 

DILAN’S POV

 

Biyernes ngayon at mag-iisang linggo na rin narito ang mga bago naming kaklase,sila Yuroshi,Mergo,Jexshun at Shoy.

Pero sa loob ng linggo na yun marami akong nalaman sa kanila....

 

 

Mga bagay na itinatago nila.

 

 

Sa umpisa nagtataka ako sa mga ‘to.Parang hindi sila ordinaryong mga lalaki lang.

Kung ikukumpara mo sila sa height ng normal na lalaki eh maliliit sila.Iba rin yung pangangatawan nila parang may kakaiba hindi rin katulad sa aming mga lalaki.

 

 

Monday

Ito ang unang pagpasok ng mga bagong kaklase namin.

Una kaming nagkita nung nasa may hallway kami.

Kasama sila ni Jade nun at isa sa kanila ang nakapukaw ng aking pansin......si Shiya?

Hindi bakit andito si Shiya?Totoo ba tong nakikita ko?Nagulat ako nang magkatagpo ang mga mata namin at agad kong iniwas ang aking mata non.

 

Nang matapos na nga ang breaktime ay pumasok na kami sa classroom namin at laking gulat ko nang malaman na kaklase pala namin ang mga bagong studyante dito.

Sa hindi nga naman inaasahan ay nakatabi ko pa si Shoy non.

Masyado siyang mahinhin kumpara sa mga lalaki kaya nakakaramdam na talag ako ng kutob non.

 

Pagkatpos ng klase ay nagsiayos na kami ng mga gamit namin.

Napansin ko namang may nahulog mula sa pagkakaipit sa notebook ni Shoy agad ko itong pinulot para ibalik sa kanya kaya lang nakaalis na siya agad.

Sa una hindi ko napansin na litrato pala ang nakuha ko at nang makita ko nga iyon ay nanlaki ang mga mata ko.

 

Naroon sa picture ang dalawang bata.Isang babae at isang lalaki.

Hindi ako pwedeng magkamali ako at si Shiya ang batang nasa picture.Ito yung picture na binigay ko sa kanya dati bago pa kami mag-graduate.

Tinignan ko ang nasa likod ng litrato at may nakasulat.

 

Hoy Bety Shiya,

  Eto lang ang remembrance na maibibigay ko sa’yo pasensya na ha.

Sana hindi mo ko makalimutan hanggang sa pagtanda natin.Kapag nagiisa ka at binubully lagi mo lang tignan yang larawan na yan at isipin na may kasama ka at may magtatanggol pa sa’yo.

BoysTown [ A BroMance Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon