Chapter 10:Chismis

534 17 0
                                    

CHAPTER 10:Chismis

 

 

ALFRED’S POV

 

Aaarrrgggghhhh.....sira ulo talaga yong Mergo na yon.>: ((

Akala niya hindi ako gaganti?Pwes nagkakamali siya hahanap lang ako ng magandang timing para magantihan yong bading na yon.Kunwari pang niloloko ako non eh sa katunayan naman gusto niya talaga ako.May pag-nanasa sa akin yon.

 

Nang makalabas na ko sa classroom nakita ko na yung apat na kumag na walang humpay sa kakatawa.Oo alam nila ang nangyari sa classroom kanina.Sila ang nag-utos sa akin na akitin si Mergo kung totoo nga daw bang bakla yon.Kaya malamang sa alamang nakita rin nila yung ginawang pangg-good time sa akin ni Mergo.

 

“Wahahaha...pare laughtrip ako don hahaha...gantihan lang kayong dalawa ha....hahaha XDD Ang utos kasi namin sa’yo ligawan si Mergo hindi paaminin na bakla siya WAHAHHA XDD”Tuwang-tuwang sinabi ni David na halos mamatay na sa kakatawa.

 

“Mukhang ikaw pa tuloy ang mapapaamin.”Dagdag naman ni Dilan na halatang nagpipigil ng tawa.

 

“Hoy..hindi noh.Ano naman ang aaminin ko?”

 

“Na ikaw ang bading.”Sabay-sabay nilang sinabi sabay tawa ng malakas.

 

“ANONG SINABI NIYO???!! Anak ng,gusto niyo sampulan ko kayo nang mapatunayan kong hindi ako ang bading.”

 

“Sus,kunwari ka pa.Kunyari si Mergo yung tinutukoy mong---pfft...bading—ARAY Nagbibiro lang ako!!”Sabi naman ni Jacob na nagpipigil rin ng tawa kaya nasapak ko siya ng di oras.

“Hay...tama na nga...hahaha...tigilan na nga natin tong nakakadiring usapan na to hahahaha....mabuti pa pumunta na tayo sa cafeteria para makakain na ko “Aya naman ni Joseph sa amin.

 

Tumango naman kami at nagdire-diretso na nga sa cafeteria.

 

 

 

YUROSHI’S POV

 

“Tsk tsk tsk....mga media talaga kung anu-anong pinagsasabi hindi naman talaga nila alam ang totoong nangyayari.At ako pa talaga ang hot topic dito.”Sabi ko habang binabasa yung nasa diyaryo.

 

Andito ako ngayon sa may visit area kasama si Jade na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako kinakausap at si mang Edwin.

 

“tsk.Eh kung magpakita ka na kasi?Alam mo bang kung anu-ano ng mga pinagsasabi ng mga tao tungkol sa’yo?Yung iba sinasabi na kaya ka daw biglang nawala kasi buntis ka.Yung iba naman sinasabi na lumalaki na ang ulo mo kaya nagagawa mo ng lumiban sa mga trabaho mo.Tapos yung iba sinasabi na adik ka na daw ngayon nalulong ka na daw sa mga pinagbabawal na droga.Tapos eto pa ah,eto talaga ang hindi ko masikmurang chismis na narinig ko...yung iba ako ang sinisisi sa pagkawala mo kasi ako daw ang huli mong kasama non at iniisip nila na ginahasa raw kita..Hindi mo ba naisip na ganito ang mangyayari kapag biglaan kang nawala sa mata ng publiko?Masisira ang image mo at hindi lang yon masisira rin ang kinabukasan mo..wala nang tatangkilik sa’yo at pag nagkataon mawawalan ka rin ng trabaho..wala ng project ang mag-ooffer sa’yo.”

BoysTown [ A BroMance Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon