Usaping Pangkapayapaan

8.3K 24 1
                                    

Filipino Awtput :

Usaping Pangkapayapaan

Sa panahon ngayon kung saan laganap ang iba't-ibang krimen, maiuugnay talaga ang usapin tungkol sa kapayapaan. Kung tutuusin madali lang naman ang mga dapat gawin upang lumaganap ang kapayapaan sa mundong ating ginagalawan. Subalit hindi parin ito nagagawa ng karamihan sa atin.

Marahil ang kasalanan ay nasa tao mismo. Ang hindi pagsunod sa batas ay isang dahilan kung bakit laganap ang krimen. Hindi dahilan ang kahirapan kung susundin lamang ang batas. Kung gusto may paraan, marami namang mararangal na bagay ang maaaring pagkakitaan. Kahit na sabihin pa ng iba na mababa ang iyong trabaho, Ano naman ngayon? Hindi ka naman gumagawa ng masama, hindi ka lumabag sa batas, hindi ka nagkasala sa Panginoon at lalong hindi ka nakasakit ng iyong kapwa.

Kung inyong napapansin ay gasgas na ang salitang Usaping Pangkapayapaan. Kung patuloy lamang na pag-uusapan pero hindi gagawan ng aksyon. Anong silbi ng napag-usapan? Mananatili lamang iyong ideya hangga't hindi naiimplementa.

Kung mapapansin, marami sa atin ang sumisisi sa pamahalaan sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. Ngunit minsan ba naisip nila kung anong ginawa nilang hakbang upang mapigilan iyon? Kahit anong sisi ang ating gawin, hindi na niyon maibabalik ang nakaraan. Nangyari na ang nangyari ngunit hindi ibig sabihin na basta-basta na lamang tayong susuko. Muling bumangon at matuto sa mga pagkakamali ay isa sa mga paraan upang magsimulang muli.

Sa usaping pangkapayapaan, anong naiambag mo? Anong realisasyon ang pumukaw sa iyo mula sa mahabang pahihimbing? At ano pang maitutulong mo para sa mga susunod na henerasyon?

- - - - -

EssayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon