Maria Ligaya
I'm Maria Ligaya Noble Diaz, 19 yrs old. Nag-aaral sa paaralan ng Ateneo de Manila. Kumukuha ng kursong mediko.
Sa ngayon narito kami sa Maynila at uuwi kami sa Dagupan sapagkat kami ay bibisita sa aking lola na si Maria.
Masama na ang kalagayan ng aking Lola Maria dahil sa matagal na kming di nakakadlaw sakanya. Imagine, my Lola Maria at ako ay apat na taon na ng huling nagkita.
Habang nasa byahe kami ng aking magulang at kapatid ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako bigla dahil sa sigaw ng isang babae.
Ligaya!!! Halika tayo ay mag-aagahan na
Sa pagtataka ko, sino ng babaeng ito? Di ko mawari kung nasaan ba ako? Ang alam ko lamang ay uuwi kami ng Dagupan at nasa byahe pa kami
Habang ako ay nag-tataka may isang papel na parang liham ang nasa aking kamay. Binuksan ko ito at binasa.
" Mahal kong Ligaya,
Nais ko na magkita tayo sa plaza.
Nagmamahal,
_____________"Bigla akong nagising sa paggising sa akin ni Rosa.
Ano yon? Ano yong napanaginip na yon? Parang totoo ang mga pangyayari. Nakita ko ang sarili ko na may hawak na isang sulat sa aking panaginip. At sino ang nagpadala ng sulat na yon?
Nagulat ako sa pagtawag ng aking kapatid
"Ligaya, ayos ka lang ba? Pawisang- pawisan ka parang binabangunot ka kaya kita ginising, halika na at bumaba ka na nadito na tayo sa Lola Maria" sabi ni Rosa
Ang aking tanging tugon lang ay isang tango.
Rosa
Nakakapagtaka ang ikinikilos ni Ligaya, mukhang hindi sya mapakali simula nung gisingin ko sya dahil parang binabangungot sya dahil sa pawisan sya at may sinasabing babae.
Hindi ako nagtanong kase hindi naman kami ganoon kaclose, kaya tumahimik nalang ako.
Ligaya
Di pa rin maalis sa aking isipan ang panaginip na iyon, parang totoo kasi at ako mismo ang nagbabasa ng sulat na yon at pangalan ko pa ang nakalagay doon.
Pinilit kong kalimutan iyon at nagtatakbo patungo sa silid ng aking Lola Maria. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko syang nakaupo sa kanyang racking chair at hawak ang isang panyo na may nakaburdang Maria. Lumapit ako sakanya at sinabing.
"Lola Mariaaaaa!!! Namiss po kita. Ako po ba namiss nyo?" Nakangiti kong sabi sakanya.
Tugon ng aking Lola Maria
"Ligaya, ikaw na ba yan? Dalagang- dalaga ka na. At kamukhang-kamukha mo ang aking kapatid noon na si Ligaya din sakanya sinunod ang pangalan mo."Ligaya?? Biglang pumasok sa isip ko yung panaginip ko. Napatanong ako.
"Lola? Pwede po ba akong magtanong?"
"Sige ano ba iyon, hija?"
"Yung kapatid nyo po ay nagngangalang Ligaya don po diba? May napanaginipan po kase ako isang liham na pinapapunta si Lola Ligaya sa plaza ngunit hindi ko po nakita ang pangalan kung kanino ng galing dahil bigla po akong nagising dahil kay Rosa"
Biglang nagulat si Lola Maria.
"Ang ibig mo bang sabihin apo ay nakita mo ang iyong sarili bilang ang aking kapatid na si Ligaya?"
"Opo lola. Nakita ko rin po ang intong ina na si Lola Felicidad po, tinatawag nya po ako para mag-agahan na po."
Biglang napaisip si Lola Maria.
"Hija, baka isa lang panaginip iyon. Ikaw ay tumungo na sa iyong silid para magpahinga baka ikaw ay pagod lamang."
"Baka nga po. Sigi po lola mauna na po ako."
Nakakapagtaka iniba ng Lola ang usapan namin.
Lola Maria
Base sa panaginip ni Ligaya ay parang tunay ang nakita nya dahil sa pagkakatanda ko kinwento saakin yon ni Ligaya ko noong nasa edad dise otso palang kami.
Hindi kaya? nagbabalik si Ligaya?
YOU ARE READING
Nagmamahal, Ligaya
Historical FictionSa isang siyudad, kung saan nakita ang isang babae na pinakamaganda sa kanilang lugar. Maraming kalalakihan ang nabibighani sa aking kagandahan at kabutihan ng dalaga. Isang araw dumating ang isang binatilyo na isa sa mga anak ng Alcalde ng Dagupan...