Maria Ligaya
Kahapon pa kami narito sa Manila. Ay naglalakad ako papuntang waiting shed sa Espanya para mag abang ng jeep patungo sa Ateneo. May kalayuan ito dahil mahigit 30 mins ang byahe patungo roon.
Habang nag-aabang ako ng jeep ay binuksan ko muna ang aking payong dahil sa sobrang init. Nakakapaso sa balat ang sikat ng araw. Palinga- linga ako baka kase may jeep ng paparaan.
Pero isang lalaki ang nakaagaw ng atensyon ko. Matikas, at lalaking-lalaki ang datingan nito. Nakawhite polo ito at nakamaong pants. Simple lang kanyang suot pero napakalakas ng kanyang dating.
Nagulat nalang ako ng bigla din itong lumingon. Kaya umiwas ako ng tingin at kunwari ay naghahanap ako ng jeep na masasakyan. Nakakainis, kung kelan kelangan ko at nagmamadali tsaka naman walang gaanong nadaan na jeep pa Ateneo.
Naplingon ulit ako salalaking tinititigan ko kanina. Nakatitig ito sa kanayang relo. Napansin ko ang kanyang ID lace at UST ang nakalagay.
Napaisip ako, diba malapit lang ang UST dito sa Espanya. Bakit pa to nag aabang ng masasakyan e limang minuto lang naman ang papunta don kung lalakarin.
Sa pag-iisip ko na yon ay may dumaang jeep pa Ateneo. Sumakay ako at umupo. Sumakay din yong lalaki na tinititigan ko.
Nagbayad na din ako ng pamasahe at naglagay ng earphones sa tenga at nakinig ng musika. Paunti-unti ang usad ng jeep dahil sa traffic, alas sais palang ng umaga pero trffic na agad. Mabuti nalang alas nwebe pa ang una kong klase.
Napatingin ako sa lalaking taga UST bumaba ito dahil ilang minuto lang naman ang patungo rito. Ngayon ko lang napansin may mga hawak syang gamit para sa pagguhit. Mukhang engineeering or architecture ang isang to ah.
Tuluyan ng nawala sa paningin ko ang lalaking iyon. Kaya bumaling ang aking atensyon sa aking cellphone dahil nagchat ang aking bestfriend kung nasaan na ako. Nireplyan ko ito na nasa byahe na ako.
After 50 mins ay nakarating na din ako sa Ateneo. Bumaba na ako ng jeep at isinuot ang aking ID. Habang papalapit ako sa gate nito ay tinanggal ko na ang aking earphones at pumasok.
Maraming mga tao ang nakatambay. Napatingin ako sa aking orasan at 7:10 palang pala kaya nagtungo ako sa library at umupo ron. Bago ako magsimula magbasa ay pinalsak ko muli sa aking tenga ang earphones at pinatugtog muli ang playlist ko.
Habang nagbabasa ako ay biglang bumilis ang tibong ng puso ko para apektado ako sa kanta ng pagsamo ni Arthur Nery. parang naranasan ko ng umibig sa dalwang tao.
May kirot akong naramdaman sa aking dibdib at bigla nanaman may pumasok na larawan ni Lola Ligaya at ng isang lalaki sa aking isip. Lumiwanag na ang mukha ng lalaki at laking gulat ko na ito yung nasa mga waiting shed sa Espanya.
Sino ba sya sa buhay ni Lola Ligaya? Akala ko tapos na ang pagpapakita nya saking isipin hindi pa pala. Nakatayo ako sa senaryong iyon bilang si Lola Ligaya. Kaharap ko ang lalaki na kanina ko lamang nakita.
"Ligaya, ako ay naparito upang malaman mo na ikaw ang aking iniibig" wika nito habang may matamis na ngiti sa kanyang labi.
"Rafael, iniibig din kita. Ngunit -----" hindi natuloy ang sasabihin dahil dumating si Lolo Juan?
Bakit sya narito sa senaryong ito. May koneksyon ba sya sa pagkamatay ni Lola Ligaya?
"Ligaya!!!!" tawag na pasigaw ni Lolo juan at nasa likod nito si Lola Maria
Narito din si Lola Maria?? Naguguluhan ako pero hindi ko malayan ang gagawin.
"Bakit ginoo?" mahinhing wika ni Lola Ligaya
"naparito ako upang sunduin ka" tugon nito
Napadalo ang aking mga mata kay Lola Maria na parang nasasaktan.
"Nariyan ka pala Maria. halika at samahan mo ako upang samahan si Juan na magliwaliw sa mga dalampasigan" nakangiting wika nito.
"Kung iyan ang iyong nais Ate Ligaya ay sasama ako" tugon ni Lola Maria
Nagpaalam na si Lola Ligaya sa isang lalaki na nagngangalang Rafael. Hinalitan ng lalaki ang likod ng palad nito at yumao na. Magkakasabay na naglakad sina Lolo Juan, Lola Maria at Lola Ligaya patungo sa dalampasigan. Habang naglalakad sila ay pinutol ni Lolo Juan ang katahimikan.
"Ligaya, hindi ba sinabi ko sa iyo na ito na ang huling araw na makakasama mo si Rfael dahil nakatakda na tayo ikasal" wika ni Juan
"Ngunit Juan, hindi ikaw ang gusto kong makasama, hindi ikaw ang mahal ko" tugon ni Ligaya
"Wala ka ng magagawa Ligaya dahil sa akin ka pinagkasundo ng aking mga magulang at mahal kita" Juan
Maluha-luha si Ligaya dahil sa pinagkasundo lamang sya ng kanyang mga magulang sa taong hindi naman nya mahal. Nilapitan sya ni maria at niyakap ito.
"Ate Ligaya, wala na tayong magagawa" bulong ni Maria
Napatingin dito si Ligaya at may lungkot sa mata nito habang tipid na ngumiti.
Nagising ako sa pagyugyog sakin. Una kong nakita ay isang puting kisame. napabalikwas ako ng bangon at naptingin kay Erika.
"Sis, okay ka lang ba? Nahimatay ka daw habang nagbabasa ka sabi ng mga nakakita dito at dinala ka clinic" Erika
"Okay lang ako Sis, baka sa puyat to" tugon ko
At nagtungo na kami sa aming klase.
YOU ARE READING
Nagmamahal, Ligaya
Historical FictionSa isang siyudad, kung saan nakita ang isang babae na pinakamaganda sa kanilang lugar. Maraming kalalakihan ang nabibighani sa aking kagandahan at kabutihan ng dalaga. Isang araw dumating ang isang binatilyo na isa sa mga anak ng Alcalde ng Dagupan...