Maria Ligaya
Ngayon araw, wala ako nakita ni isang senaryo mula kay Lola Ligaya. Kung kelan ko inaantay tska wala. Bumaba ako para magliwaliw sa hardin. Naroon sina Mama, Papa, Lola Maria at Rosa mga nakaupo at may lamesa na pabilog sa kanilang gitna.
Lumapit ako at binati ng maganda tanghali sila. Tanghali na akong nagising dahil maaga akong nagising kanina kaya natulog ulit ako.
"Oh Ligaya, Napasarap ata ang iyong tulog?" wika ni Papa
" Opo Papa" ngiti kong tugon.
"Upo ka na at ikaw ay mag-tanghalian na" wika ni mama
" Hi rosa. kamusta?" wika ko saking kapatid
Mukhang nagulat pa ito.
"Ayos naman ako Ligaya, medyo di lang ako kumportable"
"Hayaan mo na bukas naman ay uuwi na tayo ng Manila"
Nginitian nya lang ako. Alam kong naiilang sya sakin dahil kahit magkapatid kami ay di naman kami gaanong nag-uusap, in short hindi kami close. Dahil sa magkaiba ang ugali, hobbies, at lifestyle nya kesa sakin. Pero okay kami sadyang di lang kami gaanong nag uusap.
Tinapos ko na ang aking tanghalian at umakyat muli sa veranda sa aking silid at naupo don. Napakasarap ng simoy ng hangin, amoy sariwa hindi gaya sa Manila na mausok dahil sa pollution.
Nagtagal ako ng mahigit isang oras sa pagkakaupo ko sa may veranda. Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya nahiga muna ako at natulog muli.
Nagising ako sa tawag ni Rosa.
"Ligaya najan na sina Rowena kasama ang iba pa nating kamag-anak, kaya bumaba na tayo"
"Sige Rosa, saglit lamang. Hinatyin mo ko."
Inantay ako ni Rosa at limang minuto ng ako'y lumapit saknya.
"Tara na, pasensya ka na natagal. Naghilamos, sipilyo at nagbihis ulit ako."
"No problem, Ligaya"
Nasa hagdan palang kami ni Rosa ay rinig ko na ang masayang kwentuhan ng mga kamag-anak namin at ng aking magulang. May konting salo-salo sa hapagkainan at may konting inuman sa labas para sa mga tito at binatilyo kong pinsan.
Nakipagbatian ako sakanila at nakihalubilo na rin dahilsa matagal na hindi nagkita ay maraming mga kwento at katungan.
"Ligaya, di ba sa Manila ka nag-aaral?" wika ni Rowena
"Ah oo, Wena. Bakit mo naitanong?"
"Kilala mo ba si John Rafael Del Pilar?"
"Hmmm. Hindi pero naririnig ko ang pangalan nya pero di ko pa sya nakikita"
"Alam mo ba kababayan natin yun taga- dito din sya. Kilala sya dito dahil ang kanyang pamilya ay nasa politiko. Sa Manila din sya nag-aara. Sa University of Sto. Tomas"
"Ah ganon ba kaya naman pala. Hindi ko nga makikita sa Ateneo ako nag-aaral e at yung sinasabi mo sa UST naman pala nag-aaral. HAHAHA"
"Ay, oo nga no. Ang bobo ko sa part na yon"
Natapos ang usapan namin dahil namaalam na sila na uuwi na sila dahil marami pa silang aasiaksuhin. Tumulong ako kina Lola Maria magligpit ng mga plato at nagwalis na din ng mga kalat. Matapos kong gawin yon ay umakyat na ako at nagligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako at pinatuyo ang buhok bago matulog.
Ngayon lang sumagi sa isip ko na bakit walng pangitain akong nakikita kay Lola Ligaya? Tumigil na kaya sya?
Uuwi na nga pala kami bukas sana magtuloy-tuloy na ang hindi nya pagpapakita ng mga senaryo nya sakanyang buhay
YOU ARE READING
Nagmamahal, Ligaya
Historical FictionSa isang siyudad, kung saan nakita ang isang babae na pinakamaganda sa kanilang lugar. Maraming kalalakihan ang nabibighani sa aking kagandahan at kabutihan ng dalaga. Isang araw dumating ang isang binatilyo na isa sa mga anak ng Alcalde ng Dagupan...