Maria Ligaya
Narito ako saking silid at halos kagigising ko lang. Nilibot ko ang silid na aking kinabibilangan dahil sa napakalaki nito. Medyo may alikibako na ang ibang parte ng silid, halatang di nagagamit palagi.
Tiningan ko ang mga litrato na nakapatong sa isang lamesa. At nakita ko ang litrato ng aking Lola Maria at Lolo Juan na magkahawak kamay at suot ang kanilang magandang ngiti habang nakatingin sa mga batang nakaupo sa lapag isa rito ang aking ina na si Rosie. Napakaganda ng aking ina noong kabataan nya manang-mana sa aking Lola Maria.
Naglakad muli ako at patuloy na tinitingnan ang mga litrato na nakaframe ngunit isang litrato ang nahagip ng aking mata . Nakataob ang litratong ito kaya nacurious ako. Kaya kinuha ko ang litratong ito, nagulat ako sa aking nakita. Si Lola Ligaya at napakaseryoso nya sa litratong ito ngunit makikita ang kanyang aking kagandahan.
Tinitigan ko muli ang kanyang larawan. Bigla ko itong nabitawan at may nakita ko si Lola Ligaya na tumutulo ang luha.
"Iniirog kong Rafael, marahil ay hindi mo na ako natatandaan dahil sa tagal na din ng panahon na hindi muli tayo nagkita, kinalulungkot ko ang mga nangyare sa atin, Patawad"
Bago ko maipikit ang mata ko ay narinig kong tinatawag nina Mama at Papa ang aking pangalan. Kasama si Lola Maria at Rosa.
Narinig at nakita ko muli ang senaryo ni Lola Ligaya kasama ang isang binata. Mukhang masayng- masaya sila. Dahil napuno ng tawanan ang isang silid sa paaralan.
"Ligaya, masaya ako at nakasama kita ngayon araw" wika ng binata
"Labis ang kasiyahang binibigay mo sakin Rafael, sana na wag ng matapos ang araw na to" tugon ni Lola Ligaya
Sa senaryong ito ay nakikita ko ang aking sarili kay Lola Ligaya tama ang sabi ni Lola Maria magkamukhang- magkamukha kami.
Bigla akong nagising at naglaho ang senaryo na aking pinapanood kanina lamang. Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang aking ina napuno ng pag- alala sa kanyang mukha.
"Anak, are you okay?" wika ni Mama
"Ma, i'm okay. Don't worry" tugon ko
"Alam mo bang 30 minutes kang tulog, may nararamdaman ka ba? o may masakit sayo?" wika nya
"wala naman Ma, pagod lang siguro to dahil sa byahe kanina" tugon ko muli
Kinumutan nya ako at umalis. Nang biglang pumasok si Lola Maria.
"Ano hija? Kamusta ka na?"
"Okay nanaman po, Lola"
"Oh sige, pahinga ka na ha. Kailangan sulitin mo ang bakasyon mo dahil sa makalwa balik eskwela nanaman kayo"
"Opo, Lola"
Kinabukasan....
Nagising ako ng pasado alas singko ng umaga. Bumangon ako at tumungo sa kusina upang uminom ng tubig. Nakita ko si Lola Maria na nainom ng kapeng barako at tinitingnan ang larawan nila ni Lolo Juan. Nakangiti sya at panay ang haplos sa mukha ni Lolo Juan. Narinig ko ang sinabi nya.
"Mahal kong Juan, bakit mo ako iniwan?" tugon nya habang lumuluha at malungkot ang kanyang ngiti.
Lola Maria
Nakakalungkot isipin na iniwan na ako ng aking mahal dahil sa kanyang pagkamatay ay labis akong naghinagpis. Hindi ko mapapatawad ang mga Montemayor dahil sa ginawa nila sayo, Juan.
Muli kong inalala ang mga ngiti nya maging ang kanyang mukha. Ilang taon na ang naklipas ngunit hindi parin ako makalimot, Mahal. Kung hindi mo lang sana inibig noon ang nobya ni Rafael hindi ka aabot sa punto ng kamatayan.
YOU ARE READING
Nagmamahal, Ligaya
Historical FictionSa isang siyudad, kung saan nakita ang isang babae na pinakamaganda sa kanilang lugar. Maraming kalalakihan ang nabibighani sa aking kagandahan at kabutihan ng dalaga. Isang araw dumating ang isang binatilyo na isa sa mga anak ng Alcalde ng Dagupan...