Maria Ligaya
Ngayon araw na kami uuwi pabalik sa Manila. Ibinababa na ni Papa ang aming mga maleta para mailagay na sa sasakyan. Makalipas ng ilang minuto ay okay na ang mga gamit namin sa sasakyan kaya't nagsimula na kaming magpaalam kay Lola Maria.
"Lola Maria, mauna na po kami. Mag-iingat po kayo palagi. Mamimiss po kita" wika ko kay Lola Maria nang maluha-luha
"Salamat hija, mag-iingat din kayo" tugon nya
Nagyakapan na kami maging sina Rosa, Mama at Papa ay nagpaalam na rin. Habang papalabas na ang aming sasakyan ay nakatanaw pa din ako kay Lola Maria. Nakangiti sya sakin habang may ibinubulong sa hangin.
Napaisip ako kung ano ang ibinubulong nya. Palayo na ng palayo ang aming sasakyan sa lugar na iyon. Kaya isinara ko na ang binata ng sasakyan sa parte ko. Nilingon ko si Rosa at nakatingin sya sakin, nginitian ko nalang sya at hinawakan ang kamay.
Mukhang nagulat nanaman sya sa ikinikilos ko at hindi ko alam kung bakit ganon ang reaksyon nya sa tuwing kakausapin, hahawakan o titingnan ko sya.
Binitawan ko na ang kanyang kamay at tumingin nalang sa labas.
Rosa
Medyo naiilang ako kay Ligaya dahil mula ng dumating kami dito sa Dagupan ay nag-iba na ang pakikitungo nya sakin. Nakakapanibago, ang dating ate ko ay parang nagmistulang panganay na mahal na mahal ako.
Natutuwa ako dahil nagiging maganda na ang relasyon namin bilang magkapatid. Nilingon ko muli sya at mukhang tulala syang nakatingin sa bintana parang malalim ang kanyang iniisip.
Habang tinititigan ko sya ay may napansin ako sakanyang braso na dati naman ay wala ang markang iyon. Hindi ako nakatiis at tinanong ko sya.
"Ligaya, ano yang nasa braso mo?"
"Ah, wala yan" naiilang na sagot ni Ligaya
"Anong wala, wala ka namang ganyan dati? papanong ka magkakaroon nyan e wala ka naman birth mark noon pinanganak ka. Kase nakita ko ang mga baby pictures mo at wala naman yan" wika ko ngunit nagulat ako sa tugon sakin ni Ligaya.
"Wala nga sabi e, ano bang pakeelam mo?" pasigaw nyang tugon.
Narinig ko nalang si Mama nasinasaway kami dahil akala nya ay nag-aaway nanaman kami. Napatingin ako kay Papa pero nakafocus sya sa pagmamaneho kaya di ko nalang ulit pinansin si Liagaya at natulog nalang dahil mahaba-haba pa ang byahe.
Mama Rosie
Ilang araw ko ng napapansin ang pagbabago ni Ligaya, ugali, pananamit at pananalita nya ay nagbago din. Naging mahinhin sya. Kanina narinig ko na parang nagtatalo ang magkaptid sa likod. At napakahinhin ng sigaw ni LIgaya kumpara sa dati nyang pagsigaw habang sinasagot ang bunsong kapatid.
Yung ugali nya ngayon, mahinahon kahit pasigaw, bahagya ng maibuka ang bibig. At kung magsalita ay parang pabulong lang.
Sa pananamit naman, dati ay kikay sya ngayon simpleng palda na mahaba at blusa lamang ang suot nya at nakaflat shoes. Wala din itong kolerete sa kanyang mukha.
Maraming nagbago sakanya mula nang dumating at umalis kami sa Dagupan. Mistulang ibang tao na ang kasama namin ngayon. Hbang nakatuon sa daanan tinanong ko Ramon.
"Ram, wala ka bang napapansin kay Ligaya?"
"Wala naman Rosie, ang tanging napansin ko lang sakanya ay huminhin" tugon nito.
Tumango nalang ako at nanahimik. Sa isip-isip ko ano bang nangyayari kay Ligaya. Bakit sya ilang beses ng hinimatay sa Dagupan? Ano bang nangyayare?
Naguguluhan ang isip ko kaya't binalewala ko nalang. Baka kase nagdadalaga na sya kaya sya ganyan.
YOU ARE READING
Nagmamahal, Ligaya
أدب تاريخيSa isang siyudad, kung saan nakita ang isang babae na pinakamaganda sa kanilang lugar. Maraming kalalakihan ang nabibighani sa aking kagandahan at kabutihan ng dalaga. Isang araw dumating ang isang binatilyo na isa sa mga anak ng Alcalde ng Dagupan...