Chapter 2

29 2 0
                                    

Acy's POV

"Ma. Nandito na ko !". Sigaw ko pagkapasok ko sa bahay.

"Ate dont shout nga. Can't you see? Im watching." Iritang sagot ng kapatid kong si yassy.

Yassy Stephanie Rivera , 9 years old. Maarteng kapatid ko. Mahilig siyang manuod ng mga kpop dramas . Halos mapuno na nga ng posters and stickers ang kwarto niya ng mga ibat-ibang Kpop groups. May exo, bts and got7 . Mahilig siyang magfangirling dahil hindi naman siya makanood ng mga concert nito dahil hindi siya pinapayagan ni mama dahil bata pa siya at wala siyang kasama.

"Ano nanaman yang pinapanood mo? Kpop nanaman. Eh hindi mo nga maintindihan kung anong sinasabi nila eh."

"Ate . Whats the use of subtitles? Duhh ." Sabay snob niya sakin.

Umupo ako sa tabi niya at nanood na rin. Nakakatanga para akong nasa ibang planeta. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nila ang sakit sa ulo.

"Oh anak nandito kana pala. Tamang-tama nakapagluto na ko . Tara na kumain. Yassy itigil mo na yan at kumain muna." Anyaya ni mama papunta sa kitchen.

"Ma. Aalis pala ko bukas , pupunta ko sa mall magkikita kami ni Tim." Paalam ko kay mama habang nakain kami.

"Uyyy ! Si ate makikipagdate kay kuya Tim." Pang-aasar niya sakin .

"Kumain na nga kayo bago kayo magasaran." Suway samin ni mama

Pagkatapos namin kumain , Umakyat na agad ako sa kwarto para magpahinga na. Pagkapasok ko agad akong humiga sa kama at naalala ko na magaayos na pala ako ng damit na susuotin ko para bukas sa date namin ni Tim.

"Yan paniwalain mo nanaman yang sarili mo Acy. Hindi porket niyaya ka niya lumabas eh magdedate na kayo." Sabi ko sa sarili ko.

Maya-maya ay nagvibrate ang phone ko at tiningnan ko kung sino ang nagtext sakin .

Si Tim ! Nabuhay na naman ang buong katawan ko pagkakita ko sa pangalan niya .

TimMyLoves :
       "HEY BABE ! Dont forget yung lakad natin bukas . Sa mall na tayo magkita. Sige Goodnight and Sweetdreams. Lovelots :* ".

Ang Sweet talaga nitong si Tim . Kaya lalo akong nafafall sa kanya eh .

ME :
      " Oo . Wag ka nanamang paimportante ah. Baka maghintay nanaman ako sayo ng matagal . Haha. Sige Goodnight na din. Lovelots :*". Kinikilig kong reply sa kanya.

Hinintay ko ang reply niya pero wala eh . Tulog na yata siya.

Pagkatapos kong magayos ng isusuot ko para bukas . Dumiretso na ako sa CR para maligo .

Pagkatapos kong magbihis . Kinuha ko ang laptop ko sa Study table at ipinatong sa kama at binuksan ito habang napapatuyo ako ng buhok.
Nang medyo natuyo na ang buhok ko umupo na ako sa kama at sumandal sa headboard. Binuksan ko ang fb ko at nakita kong may friend request ako . Tiningnan ko kung sino pero hindi ko kilala kaya inignore ko na lang. Tiningnan ko ang mga online friends ko at nakita kong online pa si tim. Agad ko syang minessage.

Me : Oy ! Kala ko ba tulog kana ?

Tim : Busy ako .

Me : Bakit ano bang ginagawa mo ?

Tim : kaskype ko pa si czarina. Mamaya na lang tayo magchat.

Agad namang naginit ang ulo ko at dali-dali akong nagtype.

Me : Lagi na lang si czarina paano naman ako ?! Paano naman itong nararamdaman ko para sayo ?! ANG SAKIT SAKIT na .

Pipindutin ko na sana ang enter para isend pero agad ako natauhan.

"Ang tanga-tanga mo talaga Acy ! Syempre girlfriend niya si czarina. Kaibigan ka lang niya. Paano kung nasend mo yun. Edi nalaman niya yang sikreto mo. Wag ka ngang padalus-dalos." Inis ko sa sarili ko .

Agad kong inerase ang message ko at nagtype ulet ako.

Me : Ah ganun ba. Ok sige.

Pinatay ko na ang laptop at natulog na.

Kinabukasan. Nagising ako sa malakas na alarm ng cellphone ko. 8 am na pala kelangan ko ng magalmusal.  Dali-dali na akong tumayo sa higaan at nagtungo sa CR para maghilamos.

Bumaba na ako sa Sala at nakita ko si mama na nagaayos ng mga documents niya. Hindi ko alam kung para saan yun.

"Goodmorning Ma."Bati ko sa kanya. "Ano yang ginagawa mo? Para saan yan? Bakit may ganyan?". Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Ah eh wala ito Acy. Kumain kana nagluto ako ng Hotdog at Itlog." Sagot ni mama at dali-dali nyang inayos at itinabi ang mga documents nya.

"Ang weird ngayon ni mama." Bulong ko sa sarili at naglakad na ako papunta sa kusina para kumain.

9am nasa sala parin ako nanunuod ng Dream Knight na pinapanood ni yassy.

"Ate. Diba may date kayo ni kuya Tim ngayon?" Tanong niya sakin.

"Ayy Oo nga pala nakalimutan ko. Naaliw kasi ako kakanuod dito eh" Natataranyang sagot ko at dali-dali na akong umakyat sa hagdan.

Nagmamadali na akong maligo baka malate ako sa date ko. Nagbihis na rin ako. Nakadress ako ngayon at nakasandals lang.

"Ma ! Alis na ko ah." Sigaw ko kay mama pagkababa ko sa hagdanan.
Ginulo ko naman ang buhok ni yassy sign na nagpapaalam na ko.

"Sh*t late na ko ano ba yan." Aligagang sabi ko bago pumasok sa mall.

Nagpunta na ako sa mcdo dahil dun kami magkikita. Nang matanaw ko na siya sa loob ay agad niya akong sinimangutan .

"Hi Timmy . Sorry late ako . Traffic kasi eh". Paliwanag ko sa kanya pagkaupo ko.

"Blahblah. Lagi na lang traffic dahilan." Kunwaring nagtatampo.

"Totoo naman eh . Ikaw nga lagi mong dahilan si czarina pagmagkikita tayo eh." Iritang sabi ko sa kanya.

"Wow . Speaking of the Beautiful Angel". Tulalang sabi niya mula sa likod ko.

"Hoy ! Para kang ewan jan". Pitik ko naman sa noo niya.

"Hi. Sorry im late traffic kasi eh". Hinihingal na sabi niya.

"Ok lang. Traffic naman talaga eh." Sagot naman ni Tim.

Teka. Bakit nung ako nagdahilan sa kanya na traffic di sya naniwala tapos kay czarina ok lang? . At ang alam ko date naming dalawa ito ah. Bakit kasama si czarina? Urrggggh.

------------------
AUTHOR'S NOTE :
     Chapter two na agad ahahah. Thanks sa mga nagbabasa . Keep on supporting guys :)

Just Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon