Acy's POV
Nagulat ako sa nakita ko.
Si Kirby at Kyle .
Gaya ko gulat din ang reaksyon ni Kirby ng makita nya ako dito sa bahay nila Tim at Ate Corinne.
"Oh Kirby. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Dapat nga ikaw ang tanungin ko eh. Anong ginagawa niyo dito kila Ate Corinne?". Balik na tanong niya sakin.
"Wait. Magkilala kayo?" Singit ni Ate Corinne sa usapan namin.
"Yes" sabay naming sagot ni Kirby.
"Kapatid siya ni Kyle na Boyfriend ko na hindi man lang ako sinundo sa airport kahapon kahit naghintay ako ng matagal sa kanya." Inis na sabi ni Ate Corinne.
"Huwag tayo dito magusap Corinne." Sabi ni kyle.
"Ate. Doon na lang kayo magusap ni Kyle sa Garden. Di pa kasi kami tapos kumain eh." Singit ni Tim sa usapan nila.
Padabog na tumayo sa kinauupuan niya si Ate Corinne at lumabas na ng walang sinasabi.
Sinenyasan naman kami ni Kyle na susundan niya lang si Ate Corinne.
Naiwan kaming nakatunganga dahil sa nangyari.
"Lets eat na." Sabi ni Tim sabay upo na para kumain.
"Kumain kana dito Kirby sabayan mo na kami." Paanyaya ko sa kanya.
"Sakto, gutom na rin ako". Sabi nito sabay upo na rin para kumain.
"Paano kayo nagkakilala?". Tanong ni Termates sa akin.
"Nagkakilala sila kahapon sa harap ng music room dahil papasok sana si Acy doon pero nakita siya ni Kuya Kyle at napagsungitan siya ay sinabing "Bawal pumasok dito ang Hindi member" at humingi naman ng dispensa sa kanya si kirby at nagpakilala sila sa isa't-isa." Hingal na hingal na sabi ni Kaycee.
"Bravo Kaycee!" Sabi sa kanya ni Tim habang napalakpak pa.
"Hindi naman kelangan bilisan anf pagsasalita eh." Sermon sa kanya ni Termate sabay abot ng tubig.
"Actually ganoon nga ang nangyari." Pagsang-ayon ni Kirby sa kwento ni Kaycee.
"Ano bang nangyari sa kanila. Bakit sila nagkaaway ?" Tanong ko kay Kirby.
"Nakalimutan yatang sunduin ni Kuya Kyle si Ate Corinne kahapon kaya kami pumunta dito para humingi siya ng sorry." Paliwanag ni Kirby.
"Ayos lang yan. Pagbalik nila magkabati na ulit yan." Sabi naman ni Tim.
Tapos na kami kumain. Nandito na kami ngayon sa sala nagkwentuhan.
"Gaano na katagal sila Ate Corinne at Kuya Kyle?". Tanong ko sa kanila.
"2 years." Sagot ni Tim.
"Paano sila nagkakilala?" Tanong naman ni Kaycee.
"1st year college sila nagkakilala. Naging magkaibigan. Mas naging close. Naging Bestfriend. After that, 2 year na sila nung marealize nilang dalawa na may feelings na sila sa isa't-isa. Kundi pa dahil sa desperadong nanliligaw ni Ate Corinne hindi pa aamin si Kuya Kyle. Buti na lang mutual yung feelings nila sa isa't- isa." Kwento ni Kirby sa amin.
"Wow . Ang ganda naman ng love story nila. Sana ganoon din yung maging ending ng love life ni Acy." Pang-aasar niya sakin.
"Bakit Babe ? May crush kana ?" Tanong sakin ni Tim.
"Wala wala. Huwag kayo maniwala jan kay kaycee." Pagtanggi ko sabay taas ng kilay kay kaycee.
"Eh kayo Termate." Pagchange topic ni Tim.
"Huh? Sinong kami?" Pagtatakang tanong ni Termate kay Tim.
Napaayos naman ng Upo bigla si Kaycee. Tsk ! Tsk ! Nagpapahalata masyado si Gaga.
"Kayo ng Girlfriend mo." Sabi ni Tim.
"Malabo." Tipid na sagot ni Termate sabay iwas ng tingin.
Maya-maya pa ay dumating na sila Ate Corinne at Kuya Kyle na parang mga linta na todo kapit sa isa't-isa.
"Sabi sayo eh. Magbabati rin agad yan sila eh." Bulong sakin ni Tim.
"Sorry sa interruption kanina sa Dinner ah. Pero ok na kami ngayon diba Hon?" Sabi ni Ate Corinne sa amin.
"Wala ng bago jan". Sabi ni Tim.
Naupo na rin sila dito sa sala para samahan kami.
"Kuya. Siya yung nasungitan mo kahapon sa harap ng music room." Sabi ni Kirby kay Kuya Kyle sabay turo sa akin.
"Ay ikaw ba yun? Sorry nga pala, stress kasi ako kahapon eh." Paghingi sakin ng paumanhin ni Kuya Kyle.
"Ok lang po naintindihan ko naman." Sabi ko kay Kuya Kyle.
Nagpatuloy na kami sa Pagkkwentuhan at Tawanan dahil sa pagtutuksuhan.
"Termate hiwalayan mo na lang yung girlfriend mo nanjan naman si kaycee na handang sumalo sayo eh." Pang-aasar ni Ate Corinne kay Termate.
Pulang-pula na si Kaycee dahil sa hiya.
"Kayo bang dalawa?" Tanong sakin ni Kirby.
"Paanong Kami?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.
"Magjowa ba kayo?" Sabi niya sabay turo kay Tim.
"Malapit na." Sabi ni kaycee. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.
"Huwag ka maniwala jan kay kaycee. Bestfriend lang kami niyan ni Tim pati may Girlfriend siya." Paluwanag ko sa kanya.
"Bakit ang sweet niyo?" Tanong niya ulit.
"Kasi bestfriend kami". Sagot sa kanya ni Tim.
Parang ang sakit pakinggan na Bestfriend lang kami kapag sa kanya galing yung mga salitang yun.
"Bestfriend muna ngayon, di natin alam baka maging more than that." Panunukso sa amin ni Ate Corinne.
"Remember, ganyan din nagsimula sila Kuya Kyle. Malay niyo ganoon din kayo." Pang-aasar pa ni Kirby sa amin.
Pulang-pula na ako sa kahihiyan habang si Tim nakikitawa pa sa kanila.
"Anyway guys, gusto niyo ba magbar tayo sa Next Saturday after ng Finals niyo?" Paanyaya ni Kuya Kyle sa amin.
"Sure. Sige para makapagrelax naman kami". Sabi ni Tim.
"Ok lang sakin." Sabi ko.
Tumingin kaming lahat kay kaycee.
"Im a party girl!" Sigaw nito na mukhang excited na.
"Kung ganoon wala ng problema. Dont worry , my treat." Sabi ni Kuya Kyle.
10pm na ng magkayayaan na kaming umuwi. Ihahatid kami ni Tim at Termate dahil delikado na daw kung magcocomute pa kami.
Una naming hinatid si Kaycee sa kanila kasi sa kabilng subdivisGusto niya na sa Gate na lang ng subdivision nila pero naginsist si Termate na sa harap na lang daw ng bahay nila. Pumayag naman si kaycee kaya doon namin siya binaba.
"See you tomorrow Friendship. Goodnight". Paalam ko sa kanya.
"Thank you sa paghatid. Goodnight." Paalam niya at pumasok na ng gate nila.
Sunod naman nila akong hinatid dahil malapit lang naman sa bahay nila at sa loob lang ng subdivision namin.
Nandito na kami sa harap ng bahay namin.
"Thank you sa paghatid." Paalam ko sa kanila.
"Goodnight babe. Dream of Me." Paalam niya sakin.
"Loko-loko. Sige na umuwi na kayo". Natatawang sabi ko at pumasok na ng bahay.
-------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Time Check 12:57AM . Tapos na rin magtype. Sana maenjoy niyo ang story. Vote ! Vote ! Vote !
BINABASA MO ANG
Just Tell Me You Love Me
Teen FictionStory po ito ng members(some of them) ng Exo , BTS and Got7 #Wattys2016