Acy's POV
Friday na, nandito na ako sa school ngayon kasama ko si kaycee. Wala na masyadong ginagawa dahil pasahan na lang mga paperworks.
Lunch Break na kaya nandito na kami sa Alfresco Canteen. Tinext ko na si Tim dahil sabay kami palagi maglunch.
TimMyLoves
"Nasan kana? Lunch break na diba . Nandito na kami sa Canteen ni Kaycee, hintayin namin kayo .Maya-maya pa ay nagreply na siya.
"Papunta na kami". Binasa ko para marinig ni Kaycee.
"Kami? Ibig sabihin marami sila." Sabi ni kaycee na busy sa binabasa nyang story.
"Yata. Pero sino naman yung mga kasama niya?" Curious na tanong ko.
"Di ko rin alam kung sinu-sino basta always present si Czarina". Sabi ni kaycee.
Hindi na ako sumagot sa kanya at hinintay na lang sila Tim.
Maya-maya pa ay dumating na sila.
Tim x Czarina x Kirby x Kuya Kyle
"Zup ?! Girls." Masayang bati samin ni Kirby pagkalapit.
"Hello mga neneng". Bati rin ni Kuya kyle.
"Kanina pa kayo dito?" Tanong ni Tim sa amin.
"Actually ..... Kanina pa kami dito ! Gutom na nga ako eh ." Masungit na sagot ni kaycee kay Tim.
"Haha. Ang pangit mo talaga." Natatawang sabi ni Tim.
"Hiyang-hiya naman ako sayo. Ang perfect mo naman kasi". Sarcatic na sabi ni Kaycee.
"Tama na nga yan, kumain na lang tayo." Awat ni Czarina sa kanila.
Natatawa na lang kaming tatlo nila Kirby at Kuya Kyle kay Tim at Kaycee dahil nagaasaran nanaman sila.
"Kain na tayo kanina pa ako gutom eh". Pagmamaktol ni Kaycee.
"Tara na nga bumili na tayo. Para kang may bulate sa tyan eh." Iritang sabi ko sa kanya.
Habang kumakain kami naguusap ang mga boys about sa Clash of Clans. Nagiba na lang kami ng pinaguusapan nila kaycee at czarina dahil hindi kami makarelate sa pinaguusapan nila.
"Girls, kailangan ko ng tulong niyo." Pabulong na sabi ni czarina.
"Ano yun? May problema ba?" Tanong ko sa kanya.
"Third Monthsarry na kasi namin next week, gusto ko sya isurprise kaso wala akong maisip." Paliwanag nito.
"Wala rin kaming maisip." Sabi ni kaycee ng walang pagaatubili.
Nagmamakaawa na si Czarina para tulungan namin sya pero itong si Kaycee halatang ayaw.
"Sige. Tutulungan ka namin". Sabi ko sa kanya dahil naaawa na talaga ako sa itsura niya.
"Talaga? Thank you girls. Friends ko talaga kayo." Masayang sabi nito.
"Anong pinaguusapan niyo?" Singgit ni Tim sa usapan namin.
"Girl Talk. Girl Thing." Sabi ni Czarina kay Tim sabay pisil ng pisngi nito.
Bakit lagi na lang sa harapan ko. Ang sakit sakit na talaga.
Napatingin ako kay kaycee na masama ang tingin sakin.
"What?" Tanong ko sa kanya.
"Are you insane? Tutulungan mo talaga sya?" Pabulong na usapan namin.
"Wala namang masama dun ah? Kaibigan naman natin sya." Sabi ko sa kanya, pero alam ko na ang ibig niyang sabihin.
"Kaibigan nga natin siya pero hindi naman tama na saktan mo ang sarili para sa iba." Sabi niya sakin.
BINABASA MO ANG
Just Tell Me You Love Me
Teen FictionStory po ito ng members(some of them) ng Exo , BTS and Got7 #Wattys2016