Chapter 1

74 3 0
                                    

"Ang boring naman, Gusto ko na umuwi nakakatamad magaral".

"Miss Rivera , May sinasabi kaba ? Bakit di mo ishare sa buong klase nang makarelate naman kami." Aniya ng prof namin sa Filipino.

"Uy Acy ! Tawag ka ni sir". Bulong sakin ni kaycee. Nataranta ako bigla sa sinabi nya.

"Ah. Wala po sir may hinahanap lang ako sa bag ko." Palusot ko. Hay naku ! Napakaepal talaga nitong prof namin na nagiging trying hard magpakalalake kahit halata namang bakla .

Ako nga pala si Allana Cassandra Rivera ( Acy na lang for short) . 18 years old . Second year college sa Seika University . Hospitality Management ang course ko.

"Friendship ! Bakit lutang ka nanaman yata?"Sigaw sakin ni kaycee . Si kaycee ang best girlfriend ko simula nung nagcollege ako . Siya kasi yung nakatabi ko nung first day ng class namin . At nung first day na yun din naging close kami agad dahil baliw rin siya tulad ko kaya nagkasundo kami kaagad.

"Ah . Wala tinatamad lang ako, ang boring kasi maglecture ni sir wala man lang activities para pampagising." Iritang sabi ko sa kanya.

"Kung ganon may ibibigay ako sayo na magpapagising sa buong katawan mo." Kinikilig na sabi niya

"Ano nanaman yan?"Curious kong tanong sa kanya.

"Ito oh ."Sabay abot sakin ng isang nakatuping papel.

Binuksan ko ito at binasa ang nakasulat dito.

"HI BABE ! Sorry di ako nakasabay sayo maglunch si Czarina kasi nagpasama sa Deans Office. Sabay na lang tayo umuwi . Hintayan na lang tayo sa Gate. Lovelots :*"

"Friendship, Bakit ngiting ngiti ka nanaman ? Haha. " Pang-aasar niya sakin .

"Kinikilig kasi ako eh . Alam mo naman, simpleng effort niya lang bumibigay na yung puso ko". Kinikilig kong sabi sa kanya.

"Yan ka nanaman . Sinulatan lang PUTASSUME ka nanaman . May girlfriend na siya friend ! Gising gising din sa panaginip pag may time". Sermon niya sakin.
Haysst. Oo nga pala may girlfriend na siya. Anong laban ko dun. Maganda, Matalino, Crush ng Campus, Mabait at higit sa lahat Mayaman. O diba ? Sino pa lalaban sa kanya .

"Tara na nga. Baka naghihintay na si Timothy sa gate."Pagyayaya ko sa kanya para lumabas na ng room.

Nandito na kami ni kaycee sa gate pero wala pa rin si Timothy.

Mga 15 mins pa kami naghintay bago namin siya , SILA makita ni czarina na magkaakbay at masayang nagtatawanan.

Ang sakit talaga makita na ang taong mahal mo ay may kaakbay na ibang babae na masayang nakikipagtawanan dito.

"Kanina pa kayo dito babe ?" Tanong niya samin.

"Oo ! Kanina pa kami dito" sigaw ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ko siya sinigawan.

"Nako babe may period ka nanaman ba?" Pang-aasar niya sakin. At sabay tawa nitong si czarina.

"Tara na nga . Umuwi na tayo marami pa kong gagawin."iritang sabi ko sabay talikod sa kanila .
Nagpaalam na si czarina kay Timothy dahil nanjan na ang sundo niya . Lumingon ako sa kanila at nakita kong hinalikan siya ni Timothy sa noo . Wrong timing talaga ang paglingon. Parang bininiyak ang puso ko sa sobrang sakit . Agad naman akong tumalikod ulit sa kanila at naglakad na .

"Babe! Hintayin mo kami" . "Oy ! Friendship wait lang !" Sigaw nilang dalawa ni kaycee.

Nagulat ako ng bigla akong inakbayan ni Timothy na syang nagpabilis ng tibok ng puso ko at nagpapula sa mukha ko .

"Sorry na babe. Nagtatampo ka nanaman. Si czarina kasi hinintay ko pa lumabas ng room nila eh." Paliwanag niya sakin.

"Ewan ko sayo. Lagi kana lang ganyan." Pagtatampo ko sa kanya.

Lumingon ako kay kaycee at iba ang ngiti niya . Ngiting kinikilig na may halong pang-aasar sabay tingin sa kamay ni Timothy na nakaakbay sakin. Tiningnan ko naman siya ng masama baka kasi mahalata ni Timothy yung ginagawa ni kaycee. Nandito na kami sa kanto bago pumasok sa subdivision na tinitirahan namin. Nagpaalam na kami ni Timothy kay kaycee dahil sa kabilang subdivision pa siya nakatira.

"Babe. Saturday na bukas may gagawin ka ?" Tanong niya sakin.

Hindi ko pa pala napapakilala sa inyo si timothy . Siya si Timothy Drake Forto . 19 years old. Maputi, Babyface, Cute, Matalino at Isip bata .Masipag magaral . Sweet at para sakin isang boyfriend material. 3rd year na siya . Ahead siya sakin ng 1 year . Business Management ang course niya kasi someday siya na ang magpapatakbo ng clothing business nila. Nagkakilala kami nung first year college ako . Classmate kami sa isang subject na ibinagsak niya kaya kelangan i-retake . Naging magkagroup kami sa isang activity kaya naging close agad kami. After nun lagi na siyang pumupunta sa bahay namin . Close na close na nga sila ni Yassy eh ( kapatid kong babae ).Lalo pa kaming naging close kaya hindi ko namamalayan na-fall na pala ako sa kanya. Hindi ko masabi sa kanya kasi natatakot akong isugal yung friendship na nabuo namin. Natatakot ako na kapag malaman nya baka lumayo siya sa akin kaya tinago ko na lang itong nararamdaman ko sa kanya. Dumating yung time na nagpatulong siya sakin na ligawan itong si czarina. Doon ko lang siya nakita kung paano mainlove. Ang sarap siguro ng feeling kung ako yung liligawan niya. Ako yung gigitarahan niya sa harap ng maraming tao pero hindi eh . Hindi ako si czarina. Kapatid lang talaga ang turing niya sakin.

Pilit kong kinakalimutan itong nararamdaman ko sa kanya. Tumatanggap ako ng mga manliligaw at nakikipagblind date kung kani-kanino nagbabaka sakali na makalimutan ko itong nararamdaman ko sa kanya pero bigo ako . Wala na kong magawa kundi itago itong nararamdaman ko at umaasa na someday mahalin niya rin ako .

Nagulat ako nang may pumitik sa noo ko . Bumalik ako sa ulirat ko ng makitang nandito na pala kami sa harap ng bahay ko .
"Nagdeday dream ka nanaman , Kanina pa ako nagsasalita dito pero di ka pala nakikinig." Paliwanag niya habang nakaharap ang mukha niya malapit sa mukha ko . Kinabahan ako bigla . Ang ganda talaga ng mata niya at ang nipis pa ng lips niya . Parang ang lambot lambot ang sarap halikan.

"OY !! ANO BA ?!" Sigaw niya sakin. Agad naman akong napatingin sa gilid namin upang umiwas ng tingin at dumistansya.

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko

"Sabi ko kung may gagawin kaba bukas ? Wala ka namang class tuwing saturday diba ?"

"Ah eh .Wala naman siguro. Bakit?"

Tanong ko sa kanya.
"Yayayain sana kita magmall bukas pwede ka ba ?" Tanong niya ulit.

"Ah sige . Wala naman yata akong gagawin. Sige text text na lang. Papasok na ko . Bye". Paalam ko sa kanya.

"Sige bukas na lang babe . Kita na lang tayo sa mall."

Kaming Dalawa lang . Magdedate kami bukas . Ayieh . Ano kayang isusuot ko. Excited na ko.

---------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE :
Kinakaban ako baka hindi niyo magustuhan. By the way si Bambam pala ang Visual Image ni Timothy Drake Forto dito. Hope you'll like it. Comment lang kung anong mga suggestions niyo.

Just Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon