Chapter 6

22 2 0
                                    

Hinawakan ko ang door knob para buksan ito. Pero may humawak sa kamay ko ng ikinabigla ko.

"What are you doing? Bawal pumasok dito sa music room ang hindi member." Sabi ng isang lalaki.

"Ah eh.... Gusto ko lang sana makita kung sino yung kumakanta habang nagpapiano." Utal kong sagot dito.

"Bawal". Maikling sagot niya sakin.

"Ah ganoon ba. Sige. Pasensya na." Paumanhin ko sa kanya.

Para akong nafreeze sa kinatatayuan ko dahil sa lamig ng boses niya.

Pumasok na siya sa loob at nagulat alo dahil may kasama pala siya na papasok na ngunit nagsalita pa.

"Pagpasensiyahan mo na si Kyle , maiinit kasi ulo niya ngayon eh." Paghingi niya ng paumanhin sakin

"By the way Im Kirby Yu , and you are?". Pagpapakilala nya sakin.

"Allana Cassandra Rivera, Acy for short". Pagpapakilala ko naman sa kanya.

"What a beautiful name." Puri nya sakin.

"Thanks." Nahihiyang sabi ko.

"I have to go. Nice to meet you Acy." Paalam nya sakin at pumasok na ng music room.

Ang cute nya . Ang ganda niua ngumiti. Yung lips nya hugis heart kapag nakangiti. At halata na medyo weird sya pero hindi ko maexplain kung bakit basta weird sya.

Naglalakad na ako palabas ng school pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung magandang boses na yun sa music room. Nakakacurious , sino kaya yun. NaLSS tuloy ako sa kinanta nya.

Nandito na ako sa kwarto ko. Wala akong magawa kaya nagLaptop na lang ako.

Open ng Facebook. Nakichismis sa Twitter. Nagupdate ng bagong selfie sa Instagram.

Maya-maya ay may nagpop-out na notification sa facebook ko. Nakita ko na may nagadd sakin. Tiningnan ko kung sino.

New Friend Request
Kirby Yu

Grabe, ang bilis naman nyang magadd . Inaccept ko na agad ang request niya. Maya-maya ay nagmessage na siya sakin.

Kirby Yu : Hi Acy :D

Me : Hello Kirby :)

Kirby Yu : Anong year mo na po ?

Me : Second Year. Ikaw ?

Kirby Yu : First year pa lang po ako. Magtatransfer po ako sa 2nd sem sa Seika University.

Me: ah ganoon ba. Saang school ka ba galing? Bakit ka magtatransfer ?

Kirby Yu : Lilipat kasi kami dito sa Manila this Sem break kaya kelangan ko magtransfer.

Me: Gusto mo tulungan kita sa pagaayos mo ng Requirements ?

Kirby Yu : Hindi na po kelangan. Napaayos na po ng parents ko pati may mga tropa naman ako na nagaaral sa Seika.

Me: Ah ok. Basta if you need help lapit ka lang sakin ah.

Kirby: Sige po.

Humaba pa ang usapan namin ni Kirby. Mas matanda pala ako ng 1 year sa kanya. Nakwento niya rin sakin yung about sa Clothing Business nila kaya sila lilipat dito sa manila. Napagalaman ko rin na kapatid niya si Kyle Luiz Yu.

Kirby Yu : Medyo late na . Bukas na lang ulit . Goodnight Acy.

Me : Sige bukas na lang ulit. Thank you sa time.

May new friend nanaman ako. Si Kirby Yu , bagong tao na madadagdag sa buhay ko.

Matutulog na sana ako pero nakita ko na maraming text sa cellphone ko galing kay Tim.

Just Tell Me You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon