Chapter 5: Dress to kill

16 4 1
                                    



                     Friday na pala at kinabukasan ay party na! anak ng tinapa nga naman oo, wala pa akong nabibiling damit na gagamitin para bukas, kaya naman pagkatapos ng klase ay niyaya ko na si Liza para magpunta ng mall at bumili ng damit na gagamitin ko para bukas.


*Habang nasa mall* (onga pala, sinabi ko na kay Liza na nagkausap na kami nung exchange student na si Caleb kahapon, pero hindi ko na pinabongga yung info na sinabi ko sa kanya, katulad ko rin tong paranoid kaya baka isipin neto na may gusto sakin si Caleb! Yay! Hahahah landi!


Pumunta kami sa forever 21, buti pa itong Forever 21 may FOREVER! Haha why do I sound so bitter? Hindi pa naman ako nagkakaboyfriend! yes, maniwala kayo o maniwala ulit kayo, NBSB po ako, kasi pinagbubutihan ko ang pag aaral ko. :D

*Habang nasa loob ng store* 

Ako: Uy Liza, tulungan mo naman akong humanap ng damit, ang hirap maghanap eh!

Liza: Sige! maghahanap ako banda roon. 

Ako: Liza, yung simple lang ah? ayaw ko ng masyadong bongga.

Liza: Okay, pero diba ang sabi satin ay DRESS TO KILL? so pano ako makakahanap ng simpleng ganun?

Ako: Basta, simple lang! hindi naman natin kailangang sundin yun! Duh!

Liza: Okay, as you wish madame.


*ikot Ikot Ikot  Ikot* Naghahanap pa rin ako ng damit pero wala talaga akong mahanap! Pero tinawag ako ni Liza kaya naman pumunta ako sa kanya, may nakita na raw kasi siyang damit na babagay sakin. 


*Sa totoo lang, hindi naman talaga ako pala ayos ng sarili, kaya hindi ako napapansin sa school. Si Liza lang naman ang nagpipilit saking mag lipstick etc. pero ayaw ko talaga kaya sa aming dalawa, siya lang lagi ang napapansin kahit na parehas kaming maganda. Bwahahahah!


Liza: Uy Steph! May nakita na ako :D Sigurado bagay na bagay sayo to! 


Teka parang hindi ko gusto yung ngiti niyang abot hanggang tenga ah?


Ako: Asan ba? Patingin nga!


Liza: Eto oh! Tadaaaaaaaaaa!


Halos lumuwa yung mata ko sa nakita ko! Pano ba naman kasi, ang damit ba naman na pinapasuot sakin ay, see through yung sa cleavage na part tapos sobrang ikli pa, hindi naman siya sobrang daring, masyado lang talaga akong OA kasi hindi naman talaga ako sanay na magsuot ng ganoong damit. Actually, I find it cute. Pero, no waaaaaaaaaaaaaay! I wouldn't wear that! 


Ako: Liza! Hindi! Hindi ko yan susuotin!


Liza: Why? It's pretty kaya atsaka we don't have much time. Look, it's too late! Siguradong hinahanap na ako nila mom and dad.


Ako: Pero Liza! Hindi ako sanay magsuot ng ganyan!


Liza: Kaya nga, edi sanayin mo! Ano bang kinakatakot mo? Maganda ka naman at maganda rin ang katawan mo! So wag ka nang maarte diyan! Ito ang susuotin mo bukas and that's final!


Wala na akong nagawa, wala na rin akong magagawa because it's too late na rin, at kailangan pa raw ni Liza mag beauty rest, kaya binili ko na yung outfit. At anak ka ng lintik! Abot tenga ang ngiti ng gaga kong bestfriend! -_-


Perfect ChemistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon