Chapter 2: Sa entrance ng school

50 4 1
                                    


                                  Maaga akong nagising at nag-ayos na ng sarili, pagkatapos nun bumaba na ako para mag-almusal. Pagkadating ko sa dining area, nakahanda na ang breakfast namin pero wala sila mommy at daddy kaya naman tinanong ko si Selle (siya yung kasambahay namin sa bahay na kasing tandaan ko lang kaya hindi ko na siya tinatawag na ate at isa pa ay kaibigan na ang turing ko sa kanya) kung nasan sila. 

Ako: Selle, nasan sila mommy at daddy?

Selle: Nako Maam maaga po umalis eh, may urgent meeting daw po sila sa clients nila.

Ako: Ay ganun ba, osige. Salamat.

Kumain nalang ako mag-isa. As usual. Hayyyyyyyyyyy Buhay, parang life! Hahaha!

Palabas na sana ako ng pinto ng bahay at magpapahatid na sana sa driver namin nang biglang dumating si Liza Adelynn, siya yung kinwento ko na nag-iisang bestfriend ko. Teka, bakit kaya nandito to? Masama ang kutob ko ah! -_- Tinawag niya ako nang makita niya akong palabas ng pinto.

Liza: Steph! Steph!

Ako: *poker face* Ano yun? Bakit ka na naman nandito?

Liza: Ang sungit naman neto! Tara, sabay na tayo pumasok! Gusto ko sabay natin makita yung bagong exchange student na super gwapo daw at super hot daw. :">

Sinamaan ko siya ng tingin. -_- Hays! sabi na eh, tama nga ang kutob ko! pero wala na akong nagawa, nagpaalam ako sa bahay at sinabing kay Liza na ako sasabay papasok. 

-Pagdating namin sa School*

Ang daming tao sa entrance ng school <(O.O)> anong meron? Ang daming nagtitiliang mga babae, kasama na yung mga mean girls. Tiningnan ko yung direksyon na tinitingnan nila, pati kasi si Liza dun na rin sa direksyon na yun nakatingin. Pagtingin ko ay bumungad sakin ang napaka gwapong mukha ng isang nilalang, my jaw dropped nung nakita ko siya. Grabe sobrang gwapo nga niya kagaya ng nabasa ko sa mga status ng mean girls! At sobrang broad pa ng mga balikat, alam mo yung halata na nag wowork-out siya kasi may muscles! yaaaaaay! Ang hot! Sarap hawakan ng abs! hayyyyyyyyy! *u* Pero sinampal ko yung sarili ko bago pa ako tuluyang lamunin ng manyak kong isipan at tuluyan ring mag daydream. Anak ng tokwa naman kasi! Ngayon lang ako nagkaganito dahil sa isang lalaki. Tinitingnan ko siya mula sa kinatatayuan ko nang bigla akong nagulat dahil tumingin siya sa akin at ngumiti. Napaayos tuloy ako ng pagkakatayo bigla! Hala! teka totoo ba to? baka nag a-assume lang ako? :O Sakin ba talaga siya tumingin? Nginitian niya ba talaga ako? Pero hindi ako pwedeng magkamali! Ako lang ang tao dito sa kinatatayuan ko! JuskoLord, yung puso ko parang lalabas sa dibdib ko! T____T Oh nooooooo! Masama ito! T_____T

Note: Sorry kung maiiksi yung mga chapters hehe simula pa lang naman, sa susunod hahabaan ko na. :D

Perfect ChemistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon