-Kinabukasan-
*Steph's POV*
Maaga akong pumasok sa school at pumunta sa cafeteria para doon nalang mag almusal, nakakawalang gana naman kasi sa bahay, wala naman sila mom and dad kasi kailangan daw nila mag overnight sa hotel sa Cebu para dun sa meeting nila with their clients, kaya ang ending mag-isa na naman akong kumakain, pero atleast ngayon hindi sa bahay kundi sa school na, buti na nga lang at konti pa lang ang tao dito, at mabuti na rin siguro to para hindi ko na maabutan yung mala red carpet na entrance nung bagong exchange student na yun!
Naglalaro ako sa mini ipad ko nang may tumayo sa harap ko at nagsabing, "Excuse me Miss, can I sit here?" nagsabi nalang ako ng "Okay" nang hindi tumitingin kung sino man ang nagsalita. Bakit ba! Busy ako sa paglalaro eh, mamaya madead pa ako! Hahaha! Atsaka wala naman akong pakialam kung sino pang umupo sa harapan ko, as long as hindi niya ako papakialaman at kukulitin.
Mamaya ay natapos na ako sa paglalaro, na curious ako kung sino yung umupo sa harap ko, kaya naman tiningnan ko kung sino ito kaya tinaas ko yung ulo ko ng dahan dahan, dahan dahan, dahan dahan at dahan dahaaaaaaa........ OMG!! Siya yung bagong exchange student!!!! Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!! Sigaw ko sa isip ko, siyempre alangan namang isigaw ko, eh di nagmukha akong shunga hahaha! Teka, bakit niya ako tinitingnan???!! at Bakit niya ako nginingitian???!! May dumi ba ako sa mukha??? T_T Ganun ba ako halatang nagulat nung nakita ko siya??? Haist! Sa sobrang hiya ko dahil sa naging reaksyon ko nung makita ko siya ay tumayo na ako at aalis na sana kaya't nagpaalam na ako sa kanya.
Ako: "A-ah si-sige, u-una na ako" nabubulol kong sabi sa kanya.
Tiningnan niya lang ako ng walang reaksyon. Teka? Bakit hindi siya nagsalita? Stupid Steph! malamang hindi yan marunong magtagalog! Ano ba naman yan Steph? Tanga lang? Tanga lang? Kaya naman inulit ko yung sinabi ko, pero this time, eh in English na!
Ako: "I have to go! Bye!"
Siya: "Aalis ka na?"
Napanganga na naman ako. Anak ng tinapa naman tong lalaking to! Nagtatagalog naman pala eh, Haru juskoooooo!
Ako: "Nagtatagalog ka?" bakas ang pagkamangha sa tanong ko.
Siya: "Oo naman! My mother is a Filipina" sabay ngiti niya sakin.
Ako: "Oh I see" yan nalang ang nasabi ko, grabe ang smile niya kasi! masyadong pamatay! Hayyyyyyyyyyyy! *u* Nagulat ako nung tumayo na rin siya, akala ko aalis na siya pero;
Siya: "Btw, I'm Caleb! Caleb Zander Evans, and you are?" Sabay ngiti sakin at lahad ng palad niya.
Ako: "I'm Steph! Stephanie Villafrancia" abot ko naman sa kamay niya at nginitian ko rin siya.
Siya: "It's nice to meet you finally.... again!" nginitian niya ako at nagsabing aalis na siya.
Bigla namang may tumunog ng *tugudug tugudug tugudug* hala ano yung tunog na yun??? Napahawak ako sa puso ko,ang abnormal ng tibok nito! parang gusto nitong matanggal sa katawan ko at habulin si Caleb. Halaaaaaaaa! This can't be hapenning!
Habang si-ni-sink in ko sa utak ko yung mga nangyari, hindi na mawala sa isip ko ang mga katanungan....
It's nice to meet me finally daw? tapos again? Nagkamali ba ako ng pandinig? :O kilala niya ba ako? What? :O o baka naman napaparanoid lang ako??? Haist! Paranoid ka na masyado Steph, masyado mo na binibigyan ng meaning yung mga salita niya, baka mamaya nagkamali lang yun eh! Hay, whatever! Hahaha! Atleast nakilala ko na siya! Ano kayang magiging reaksyon ni Liza pag sinabi ko sa kanya to? Hmmmm. Bwahahahahahah!
Author's note: Ano kayang meron kay Caleb? Kilala niya kaya si Steph? Nagkakilala na kaya sila noon? At ano naman kaya ang naging ugnayan nila noon? *abangan*
BINABASA MO ANG
Perfect Chemistry
Teen FictionShould I chase after him? Should I let my heart win? or Should I keep on moving forward and stop bothering about him? NO! I can't. I just can't.