Chapter 1: Bagong exchange student

94 4 0
                                    


                         Nagtetext ako habang naglalakad papuntang pool nang may tumawag sakin, "Steph! Steph!", siya nga pala si Liza ang nag iisang bestfriend kong babae. Bago ang lahat, magpapakilala muna ako, kasi naman nauna ko pang ipakilala yung kaibigan ko, eh ako kaya ang bida dito! haha chos lang. So ayun na nga, Ako si Stephanie De Guzman Villafrancia, anak ako ni Stephen Villafrancia at Nathalie De Guzman, parehong businessman at businesswoman ang parents ko, kaya ang ending, kami lang lagi ni Liza ang magkasama. First year highschool palang kami ngayon ni Liza, sa medyo kilalang school, sa ISM o yung tinatawag na International School Manila. Hindi naman kasi kami pure Filipino, ako ay half British at si Liza naman ay may lahing French, kaya in short, parehas kaming maganda bwahahhaha! (Oo nga pala, wag na kayong magtaka kung bakit fluent kami sa pagsasalita ng Tagalog, kasi nung ipinanganak ako sa London, ay lumipat na agad kami dito sa Pilipinas, ganun din sila Liza) Oh, itutuloy ko na yung nangyari ha? *insert wink plus smile here*

*Steph POV*

       Nagulat ako nang may tumawag sa akin habang naglalakad, si Liza yun, ewan ko ba kung ano na namang problema netong babaeng to, hays haha!

Liza: Steph! Steph!

Ako: Oh? bakit Liza? Ano na namang problema mo?

Liza: Nabalitaan mo na ba?

Tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita, dahilan para ituloy niya na yung sasabihin niya.

Liza: May bagong exchange student daw sa school natin!!!! At ayon sa nasakop kong impormasyon, sobrang hot at gwapo daw!

Ako: Ayan ka na naman sa pagiging tsismosa at pagkamanyak ng utak mo Liza! hays. San mo na naman ba nakuha ang balita na yan?

Liza: Kalat na kaya sa facebook! Tingnan mo pa!!!!!

Tahimik kong binasa yung mga status ng mga mean girls sa school namin. May idea ba kayo kung ano yung nabasa ko? Eto ipapakita ko sa inyo.

Status ni mean girl no.1 : OH MY G!!!!!! Ang gwapo ng bagong exchange student sa school!!!!!!! SUPER HOT!!! OH MY GGGGGGG!!!!!!!! I wanna touch his abs!!!!!

Status ni mean girl no. 2: Why is that exchange student so hot??? My ovaries exploded! I'm gonna die!!!!

Oh ayan nakita niyo na? Hays mababaliw ako sa mga babaeng yan juice colored! Nang matapos kong basahin ang mga kahindik hindik na status na yon ay sinabi ko na kay Liza na wala akong pakialam sa lalaking exchange student na yon at niyaya ko na lang siya na magswimming na, dahil last day na to ng one week vacation namin, kaya gusto ko nang sulitin. May pasok na kasi bukas! tss!

After namin mag enjoy ay umuwi na kami ni Liza. Nang makauwi na ako sa bahay, ay inayos ko na yung mga gamit ko para sa school bukas at naligo na para kumain ng dinner. As usual, wala na naman ang parents ko kaya mag isa na naman akong kumain. Pagkatapos kong kumain ay nagtooth brush na ako at natulog, maaga pa kasi ang pasok bukas. 

Author's note: Ang istoryang ito ay gawa gawa ko lamang, pero yung ibang detalye ay totoo, kagaya nung eskwelahan nila, yun lamang, salamat sa pag-unawa. :)

Perfect ChemistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon