Chapter Two

117 14 0
                                    

August 05, 2013 | Monday | 3:51 PM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

August 05, 2013 | Monday | 3:51 PM

AUBREE

"Sir, excuse me, iihi lang po sana kaming tatlo, hehe. Punta po muna kami sa cr."

"Are you really sure, Aubree? Sabay talaga kayong naiihi? O baka sa canteen lang din kayo pupunta?"

"Ha? Luh, sir naman. . ."

Napabuntong-hininga si Mr. Fernando bago siya napatango, na siya ring sabay-sabay na ikinangiti namin nina Sheena at Mae.

Malakas ang naging tawanan namin nang makalayo na sa room. Mission accomplished!

"Nice, sa'n tayo ngayon?" biglang tanong ni Sheena.

"Sa'n pa ba? E 'di sa cr," sarkastikong sagot ni Mae. Binigyan ito ni Sheena ng maasim na ekspresiyon matapos tumugon.

Napabuntong-hininga ako at chineck ang bulsa ng aking palda upang malaman kung nasa mabuting kalagayan ba ang isang kaha kong sigarilyo.

Hindi ko mapigilang ngumiti nang makapa ito ng kanang kamay ko. "Safe 'yong yosi ko," ngiti-ngiti kong sambit sa kanila.

"Wala kaming pake," ani Mae bago niya tuluyang binuksan ang hawak-hawak na liptint.

"Oo nga, wala kaming pake. Adik ka na talagang mag-yosi 'no? Bakit ba na-adik ka with that grossy thi-"

Hindi na natapos ni Sheena ang gustong sabihin dahil agad kong tinakpan ang bibig niya.

"Isa lang naman," mahinahon kong sabi bago inalis ang kamay ko.

"But that piece is one of the pieces whose making it the bigger picture. Tsaka dahil sa kaka-isa mo, naging adik ka na. You know that cigarette is addictive and it's probably unhealthy."

"Oo na, oo na."

"So, sa cr talaga tayo pupunta?" biglang tanong ni Mae. Napakamot siya sa ulo. "Ang baho do'n, Aubree. Yucks!"

"Kaya nga do'n tayo pupunta kasi mabaho na. 'Pag nanigarilyo ako, hindi masiyadong halata 'yong maiiwang amoy. Tsaka wala ring makakakita sa'tin kasi wala naman masiyadong tao do'n'."

"Kung 'di lang talaga boring magturo si Mr. Fernando, hindi talaga ako sasama."

"Agree ako, Mae. Tsaka Aubree, malapit na rin naman mag-alas-kuwatro, ba't 'di ka na lang maghintay? E malapit naman nang mag-uwian? Makati na ba bibig mo? Gusto mo katihin ko na lang para hindi ka na manigarilyo?"

Tears of FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon