Chapter Five

83 8 0
                                    

August 21, 2013 | Wednesday | 4:12 PM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

August 21, 2013 | Wednesday | 4:12 PM

AUBREE

"One, two, three, and one, two, three, and one two, three. Elegant, be elegant. Turn like a princess. The smile, smile like your a princess, and a handsome prince is staring at your gorgeousness."

Tangina. Handsome prince?

Suntukin ko mukha nito, e.

"Aray!" reklamo ni Pervert sa'kin nang sadyain kong tapakan ang sapatos niya.

"Oh, hindi ko sinasadya. Ito naman, aksidente ko lang namang natapakan, " sarkastiko kong tugon.

Mas lalong kumunot ang noo niya. Ilang segundo lang ay tinapakan niya rin ang sapatos ko, na siyang nagpatigil sa pagsayaw-sayaw ko.

"Gender equity," mahina niyang sambit. May pa-kindat-kindat pa siya pagkatapos.

"Seith and Aubree, kanina pa kayo pasaway sa practice! I already told you to take this practice seriously! Jusko naman, ilang araw na lang prom niyo na, tapos kahit ni-paghawak lang ng kamay, 'di niyo pa magawa!"

Biglang tumigil ang malakas na sound. All the attention were pointed at us, as Ms. Gonzaga shouted. Seith's expression didn't changed though, he's still looking at me, angrily.

"You two, do not make a scene again! Kanina pa ako sigaw nang sigaw! Maawa naman kayong lahat sa'kin!"

Napasinghal si Seith kasabay ng kaniyang pagyuko. Hindi na salubong ang kilay niya nang mapaharap ulit sa'kin.

Nabigla ako nang marahan niyang kinuha ang kanang kamay ko't inilagay ito sa kaniyang kaliwang balikat. Ang kaliwang kamay ko naman ay mahigpit niyang hinawakan.

Gusto kong ilayo ang parehong kamay ko sa kaniya ngunit baka sigawan na naman kami ni Ms. Gonzaga. Baka nga hindi lang malakas na sigaw ang matanggap namin.

"Continue! One, two, three, and one, two, three. . ."

We then started to dance seriously.

"Ang s'werte mo naman, ako naka-partner mo," bigla niyang sambit.

My lips sarcastically widened.

"S'werte na pala ngayon maka-partner ang isang palaka?" my mouth uttered.

"I look like a frog, huh? Well then be careful, I might eat you."

"Ang bastos mo talaga."

"'Wag kang pilingera, mukha ka lang talagang lamok."

"Sa ganda kong 'to? Mukhang lamok?"

"Mas maganda pa nga lamok sa'yo."

"Sige, inisin mo pa ako. Sisigaw ako rito, sasabihin kong hinipuan mo'ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tears of FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon