Chapter Three

77 12 0
                                    

August 09, 2013 | Friday | 5:03 PM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

August 09, 2013 | Friday | 5:03 PM

AUBREE

"Malapit na gumabi, wala pa ba sila?" nagtataka kong tanong kina Sheena at Mae.

Kasalukuyan nilang sinisiyasat ang kanilang mga mata sa buong plaza, upang mahanap ang kanina pa naming hinihintay na kakausapin daw nila.

Wala silang kibo kaya binalak ko ulit magsalita. "Alam niyo, no'ng lunes umabot pa kayo ng alas-siete kakahintay sa kanila tapos magte-text lang pala in the end na ngayong biyernes na lang kayo magkikita," reklamo ko.

"They said kasi na they're busy," Sheena replied. Napabuntong-hininga siya matapos magsalita't halatang naiinip na rin.

"Pero hindi sila nagsabi ng tumpak na rason talaga. Sinabi lang na busy, e pareho lang naman tayong fourth year students. Sana man lang naisip nilang busy rin tayo. Kung hindi naman pala sisipot, sana hapon pa lang nag-text na sila o kaya pumunta na lang sila sa room natin para sabihing, ngayong biyernes na lang," seryosong giit ni Mae.

Bigla akong nagtaka sa pinagsasalita nila.

"Parehong 4th year students? 4th year students din ang hinihintay niyo?" tanong ko.

"Yeah, no'ng lunes kasi habang naghihintay kami sa'yo, napag-usapan namin ni Mae 'yong about sa mga taong kikitain namin then nalaman naming magka-klase pala sila, I mean, they are even bestfriends."

"Sino ba 'yang gusto niyong kitain? Mga syota niyo?" pabiro kong tanong.

"Tanga ka talaga, nasabi na namin noon 'yan 'di ba? Si Caster ang kikitain ko, 'yong pinsan ko. Pag-uusapan namin 'yong gaganaping mini-reunion namin next week since kaming dalawa 'yong magiging hosts," tugon ni Sheea.

Ilang taon na rin kaming magkaibigan ni Sheena pero ngayon ko lang nalamang may pinsan pala siya na ka-batch namin.

Andami ko naman yatang hindi alam dito sa munting lugar namin. Bakit kasi hindi ko rin ina-alam? Well, the hell I care.

"Ako naman, kikitain ko si Lyle kasi pareho kaming bagsak sa filipino at kailangan naming gumawa ng sampung tula para mabigyan kami ng grade ni Ms. Lopez," giit naman ni Mae.

"Hala, bagsak ka nga pala sa filipino 'no? Buti na lang ako naka-seventy-eight pa, kung 'di baka kasali na ako sa inyo ngayon," natatawang bulalas ko. Pareho silang napangisi matapos kong magsalita.

Hindi naman talaga ako, pati si Mae na talagang bagsak, e gano'n ka-bobo.

Kaya naging gano'n ang grade namin ay dahil may hindi kami napasang project. Kaya lang ako nakapasa ay dahil medyo mataas ang nakuha kong marka sa exam at sa ibang quizzes kumpara kay Mae.

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa tuluyan nang dumilim. Napakati ako sa kaliwang banda ng tuhod ko dahil may parang lamok na kumagat dito. Napabuntong-hininga ako't napaharap ulit kina Sheena at Mae na halatang gusto na rin talagang umalis sa damong kinauupan namin.

Tears of FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon