This is me praying that

12 4 0
                                    

"Hoy Jinx ok ka lang? natutulala ka" sabi sa akin ni Han at agad akong natauhan. Nakatangal na ang safety belt niya at wala na sila Ye-Joon at Jae

"Tara na. HAHAHA hoy ok ka lang ba talaga? nabigla ka ba sa ride?" tanong sa akin ni Han habang chinecheck ang lagay ko

"Okay lang" agad na akong tumayo dahil nag iintay ang ibang sasakay. Nakita kong dumeretso si Ye-Joon at Jae sa Cr. 

"Tara" nagulat ako ng hindi parin niya binibitawan ang kamay ko 

"uhm Han" napalingon siya ng tawagin ko siya 

"wala" pagbawi ko, hindi naman ako naiilang sa paghawak niya pero baka kasi atakihin ako sa kilig na pinapadama niya. 

Habang nagiintay kila Jae at Ye-Joon umupo muna kami sa tapat ng Gyro. 

"Jinx, do you like star wars? because Yoda one for me" 

"Hanggang dito Han"

Tumawa siya at iniharap ang mga mata sa harap at iniintay niya din sila Jae na lumabas

"Han"

"oh"

"You are mixed right? half Korean half mine?" banat ko sa kanya. Kala mo ikaw lang may baon ha

Tumawa siya at napansin ko na parating na sila Ye-Joon

"Tumae si kuya!" sigaw ni Ye-Joon sa amin at inasar si Jae

"Bakit? ingit ka sa pag tae ko?" pangaasar niya pabalik


Maggagabi na din at napag pasiyahan namin na umuwi. Sa exit ng Lotte World ay napaka ganda dail napaplibutan ito ng makukulay na ilaw. 

Naglabas ng camera si Ye-Joon at kumuha ng mga litrato. Nagpicturedin kaming apat bago tuluyang umuwi. 


Kinabukasan ay hinahanap ko ang tatlo at wala sila

"Sila Han ba hinahanap mo?" tanong sa akin ni Tito Sungmin na kumakain mag-isa sa hapag at si Tita Akane ay nakita kong nasagarden at inaalagaan ang mga pananim niya. 

"opo asan po pala sila?"

"Nasa 3rd floor ung unang kwarto sa kaliwa, practice room iyon. Sandali kumain ka na ba?"

"Hindi pa po"

"Halika muna" aya sa akin ni Tito. Naghanada ng katulong nila ng mga plato ko at ako na ang kumuha ng sarili kong kutsara at tinidor dahil kaya ko naman 

"Nako Jaine, bonding nila yan ang sumayaw. Kapag andito yan si Jae ay laging nasa practice room yan. Mahilg din ako magluto kaya minsan ay yoon ang bonding namin ng mga anak ko"

"Nakatuwa naman po tito, tska po ang galing niyo po magtagalog"

"Lumaki naman ako sa pinas. Kaibigan ko yang papa mo at noong high school ay para kaming sila Jae, Han at Sky. Nakilala mo na ba si Sky?"

"hindi pa po. Pero ang pagkakaalam ko po ay yun po ang anak ni tita Yvonne"

Tumango tango si tito "Oo siya nga. Alam mo dati yang si Yvonne napakatalino niyan. Siya lagi ang honor student. Kaming tatlo ni Ken,ako at Ethan ang mag ttropa. Ang tito Ethan mo naman ay ang papa ni Jaz. Pati si Aranxi ay kaibigan namin noon ay bestfriend siya ng asawa kong si Akane"

"Galing po Tito! namagkakilala po kayo at hanggang ngayon pati po ung mga anak po ninyo magkakaibigan"

Tumawa si Tito at madami pa kaming napagkkwentuhan. Nabangit nanaman sa akin ni papa ang mga ito tungkol sa pagkakaibigan nila pero mas pinalalim pa ni tito Sungmin ang kwento ng kanilang pagkakaibigan. 

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon