These are the words I held back, as I was leaving too soon

7 4 0
                                    

Simula ng sinabi ni Han na uuwi siya ay hindi na ko nakatulog ng maayos. Hindi ko binuksan ung letter dahil baka hindi niya nga ako ligawan talaga. Lagi lang itong nakaipit sa notebook ko na ginawa ko ng diary. 


"Yun oh excited na ung isa oh, mukhang ikakasal na anak natin Kris" sabi ni papa.

"Anak pagkinasal kayo dapat ako ang magluluto ha at si tita Akane mo ang magbbake ng cake niyo" sabi ni mama habang naghahanda ng makakain sa lamesa

Patawa tawa lang si Jayden dahil alam kong naiintindihan niya ang pinaguusapan namin

"Hindi pa nga po nanliligaw e"

"Diretso kasal na nak wag na magpaligaw" advice ni papa habang nainom ng kape

"Oo nga wag na pabebe nak" ngiti ni mama

Kahit ako ay kinikilig dahil sa mga sinasabi nila sa akin. Pangako ni Han paguwi niya ay ipapaalam na niya ako kila papa at mama. 


"Kinikilig ung isa oh" nakatambay nanaman sila Jae sa opisina ko kasam si Jaz na nainom nanaman ng kape

"Yieee bestieee ang bestie ko ikakasal na"

"Hoy hindi ah, manliligaw pa nga lang e"

"Papaligaw ka pa Jaine?!?  E WALA NGANG KAYO DATI AKALA MO MAGASAWA NA KAYO E" napalakas ang sabi ni Jae kaya napahinto ung empleyadong babae na dadaan sana sa harap ng opisina ko

"Ang ingay mo Jae" nahiya ako sa sinabi niya dahil totoo iyon at malaki ang chance na baka nga ikasal na ako. 

Matagal ko ng naiisip at naiimagine ang isang ako at isang Han sa harap ng altar. 


10 days before the day

Kasama ko si Jaz sa loob ng mall para mamili ng bagong gamit at damit. Matagal tagal na din simula ng huli naming shopping ni Jaz

"Ang ganda bestie oh" turo ni Jaz sa isang wedding gown. Nandito kami sa may bilihan ng iba't ibang damit at matatanaw mula dito ang isang gown shops at may naka display na weddong gown. 

"Kapag ikakasal ka bestie anong color theme niyo?"

"Paborito ko ang blue kaya siguro blue den. Blue white ganon"

"e diba blue din ang fave color ni Han?"

Npatango ako dahil nasabi niya sa akin iyon noong nag 24hrs date kami. 

"Tara try natin yon oh" turo niya sa may isang cotton candy shop

Para kaming mga bata na tuwang tuwa nakain ng cotton candy. 

Nagphoto booth kami ni Jaz dahil wla na kaming mapuntahan at ito ang fave naming gawin. 

Kumain nalang kami sa may Mcdo at namili ng shoes. 

"Hoy ang cute Jinx ohhhh" tinuro niya ang isang white kitten heels at nilapitan ko din iyon agad

"Bagay doon sa wedding gown na nakita natin kanina" dagdag nya

"Ikaw talaga Jaz e hindi pa kami e" 

"magiging kayo den naman tapos kakausapin ko si Jae para sabihan si Han nag mag propose sayo" kinikilig na sabi niya sa akin.

Maganda nga ang sapatos at napagdesisyunan ni Jaz na iregalo na iyon sa akin.


7 days before the day

Tumawag si Han kanina at dama ko din sa boses niya ang pagkaexcite niya. Halos tumagal ng 1 oras ang call kanina dahil napakadaldal niya dahil sa excitement. 


3 days before the day

Nasa kwarto ako ng pumasok si mama s kwarto

"Excited na siya oh"

"Baka ikaw mama ung excited po"

"Syempre ang anak ko ay magkaka boyfriend na ano. Nasa tamang edad ka nanaman para magkaroon ng boyfriend at suportado ako sa iyo kung papakasalan ka ni Han"

Tumango ako sa kanya at yumuko ako dahil naluluha na ako. Mababaw ang luha ko kaya mabilis bumagsak ang luha ko. Hinawakan ni mama ang kamay ko

"Anak, kahit hindi ko nakikita kayong sweet ni Han at laging nagaasaran alam ko at nararamdaman ko na siya ang para sayo. Alam ko na masaya ka kapag inaasar ka non" 

Napangiti ako ng sinabi sa akin ni mama iyon

"Sobrang saya ko nak ng magbago ang mga mata mo ng makilala si Han. Kasi noon, ng mawala ang papa mo at kahit si Ken ay dumating sa atin nakikita ko padin na maykulang padin sa mga mata mo"

Nagiiyakan kami ni mama sa kwarto ko ng maalala si papa

"Anak, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ngayon nakita ko ba bumalik ang saya sa mga mata mo anak. Ngayon buong buo na ulit ang saya sa mga ngiti mo"

"Salamat ma, salamat po kasi kahit anong nangyari ay hindi mo po ako sinukuan at hindi mo po ako iniwan"


1 day before the day 

"I'll call you kapag nakababa na ko okay? para maabangan mo ko. Pakisabi po kay Jae na sumabay siya sayo kasi madami akong dala" 

"Opo love"

"I can't sleep"

"HAHAHA diba 11pm na diyan?"

"yeah, I can't stop thinking about you"

"corny mo"

"please bring the letter too sabay natin bubuksan"

"yes po noted po. Tulog na gabi na may flight ka pa bukas"

"Kiss muna"

"che"


The day

I'm wearing a white polo shirt a maong pants. Suot ko din ang shoes na bigay ni papa Ken at necklace na hinding hindi mawawala sa akin. Nasa shoulder bag ko ang envelope na may lamang letter na bigay ni Han. 

Nandito na kami sa airport at nagaabang ako ng tawag ni Han


Maya maya ay nagring na ang phone ko at masaya ako dahil nakita ang pangalan ni Han na tumatawag. 


EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon