Not where the story line ends

8 4 0
                                    

"Han!" katok ko sa opisina ni Han. Pagbukas ko ay nakita kong mahimbing ang tulog niya habang ulo ay nakapatong sa kanyang desk.

Naisipan kong kuhaan ng litrato ang mukha niyang napaka kalmadong natutulog. 

Sorry Han pagkakalat ko to ippost ko na may binebenta akong lalaki 150 lang. 

Matagal akong nagintay sa opisina niya hanggang sa magising siya. Wala naman akong masyadong ginagawa kaya naisipan kong tumambay dito at para icheck siya. Gusto ko kasing tanungin ung nangyari kahapon at bakit ganon ang mukha niya. 

"Kanina ka pa?" tanong niya ng maalimpungatan siya

"Oo tatong oras na"

Agad siyang bumangon at umayos ng upo. Pasimple niyang n=inayos ang buhok niyang gulo gulo na. 

"Bakit di mo ko ginising?"

"wala lang"

Alam ko na ang mga ngiti ni Han na lumalabas ang dimples. Hahangin nanamn ng malakas pag ganito

"kaya ba di ka umalis kasi tinitgnan mo ang pogi kong mukha?"

"Kapal ng mukha talaga"

Tumawa siya ng mahina at tumayo para tumabi sa akin. 

"Jinx may sasabihin ako" ramdam ko sa boses ni Han 

"ano?"

"I'm going back to Korea"

"edi maganda sama na natin si Jaz?"

"No I mean, doon na ko ulit 3 years ako doon"

Kaya ba malungkot siya kagabi? Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ang pagkakaalam ko kasi ay gusto ko si Han. Pero mawawala siya ng ganon katagal? Pano? Pano ako?

Tumango ako ng malaman iyon. Ngumiti siya at kinurot ang pisngi ko

"Wag ka na malungkot may gagawin tayo sa mga natitirang araw ko"

"Ano nanamn"

"Basta mamaya ko eexplain ung mga activities natin. Kain muna tayo"


Bumaba kami kasama sila Jaz at Jae. Nasabi na din ni Jae kay Jaz na aalis na siya sa susunod na buwan. Lumabas muna kami at kumain ng shawarwa. Pagkabalik ay nagkahiwalay na kami ng daan ni Jae at Jaz dahil may dadaanan pa si Jaz sa opisina ni papa at si Jae sa 16th floor. 

Naiwan kami ni Han sa elevator paakyat tungo sa opisina ko sa pang20 floor

Habang nasa elevator hinawakan ko ang kamay ni Han. Nagulat siya sa ginawa ko pero mas lalo niya lang hinigpitan ang hawak sa akin. 

Pabalik sa opisina ko ay hawak padin ako ni Han at nakasunod sa akin. 

"Ano na gagawin natin?" tanong ko sa kanya dahil naeexicite ako sa gagawin namon bago siya umalis. Pero nakalungkot dahil ang tagal niyang mawawala. 

hindi ko din alam kung kakayanin ko.

"Sa loob ng huling 15 days na natitira, balak kong mag try ng iba't ibang challenges and activities. Bhala na kung anong maisip natin" pagpapaliwanag niya 

"Ewan ko sayo. Pero mukhang masaya. pagagagwa tayo ng challenge maggdocument tayo. 1 photo a day"

"arte ka pa ha HAHAHAHAH, ano pala fave mong number Jinx?"

"secret"

"3, okay"

"HOY PANO MO NALAMAN?!?!"

Tinawanan niya lang ako at kumaripas paalis 

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon