Prologue

8.7K 622 243
                                    

Prologue

"Diana, hindi ka pa ba uuwi?"

Tipid kong sinulyapan ang kapatid ko na nakasilip sa lumang karwahe ng grupo ng mga manggagamot ng bayan.

Sumulyap ako sa mga anino sa paligid. Mukhang gabi na naman natapos ang mga manggagamot na ito sa kabilang bayan. Nakakapagpahinga pa ba sila? Dapat ang mga katulad nila'y binibigyan din ng pagkakataong alagaan ang kanilang sarili.

Ngayong nalalapit na naman ang kada ika-50 taon ng aming bayan, ayun sa mga kuwento ng matatanda'y natural lamang ang higit na paglamig ng klima bago namin maranasan ang tag-araw. Ang higit na paglamig ang siyang nagiging dahilan ng iba't ibang karamdamang nararanasan ng mga tao.

Kung sana nga'y mga karamdaman lang ang hatid ng pagsapit ng kada ika-50 taon, ngunit kinatatakutan ng bawat pamilya ang tinatawag naming lahat na pagpili.

A beautiful virgin maiden will be chosen to be the snow king's new bride.

He's the most powerful creature, and no one can overpower him. Kahit sa isip at panaginip ko'y matagal ko na siyang pinatay. Ilang beses na rin akong nakarinig ng iba't ibang bersyon ng kuwento tungkol sa kinatatakutan naming hari.

Long ago, the snow king had his snow queen. The snow queen loved him so much that she was willing to give him everything, but the queen caught him cheating with the castle maid. The snow queen killed the castle maid before she committed suicide, but before she finally left this world, she cast a curse for her beloved king—that he'd never feel the happiness of warmth in any form in this world.

He tried to dispel the curse, but all that had happened was a fifty-year interval to experience a week of summer. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit kahit ilang beses na siyang sapilitang kumuha ng magagandang babae sa bayang ito'y kailanman ay hindi siya makakaramdam ng init—pagmamahal.

Life is all about contentment. At iyon ang kinalimutan niya nang sandaling may babaeng handang ibigay sa kanya ang lahat.

"Diana! Natulala ka na riyan!"

Napakurap ako ng ilang beses sa kapatid ko. Dahlia's my selfless little sister, a nurse, and the villagers adore her so much. Kilala rin siya sa angkin niyang kagandahan at pagkagiliw sa mga bata. I am always so proud of her.

"Susunod na rin ako," halos matakpan na iyong mga mata ko dahil sa usok na nagmumula sa bibig ko.

"Sobrang lamig na, Diana. Sumabay ka na kaya sa amin?"

"Tatapusin ko lang ito," hindi na nakipagtalo pa si Dahlia at isinarado na niya ang bintana. Saglit ko lang hinatid ng tanaw ang kanilang karwahe bago ako muling tumungo at pinagpatuloy ang pagkakayod ng nyebe sa daan.

Sa sobrang taas na ng nyebe ay nahihirapan na ang mga karwaheng dumaan at posible pang magkaroon ng aksidente.

"Kaya pa ba, Diana?" tanong ng isa sa kasama ko.

"Oo naman!"

Kumpara sa kapatid ko na pino kung kumilos at kinawiwilihan ng lahat, halos kabaliktaran ako ng lahat ng karakter niya.

She's the beautiful heroine, and I am the ugly duckling side character. I shrugged my shoulders with that thought and continued with my outstanding job. Kahit ilang beses ko na rin narinig ang magkukumpara sa amin ng mga tao'y wala naman iyon halaga sa akin. I never see my sister as a competitor.

Sinuyod ko ang paligid, katulad ko'y masugid rin sa kanilang mga trabaho ang mga kasamahan ko na puro lalaki. Hindi na rin ako nagugulat sa tuwing napapagkamalan akong lalaki, dahil na rin sa maiksi kong buhok at magaslaw kong kilos.

"Diana! Magkape muna tayo!"

Binitawan ko agad iyong mahaba kong pangkayod ng nyebe at nagmadali na akong tumakbo patungo sa mga kasamahan ko.

Kumpul-kumpol kami sa isang upuan habang sabay-sabay nangangatal sa lamig. Binilisan na rin namin inumin ang mga kape sa takot na mabilis iyong lumamig.

"Kaunting tiis na lang, Diana! Makakaranas na rin tayo ng tag-araw!"

Napangiti akong saglit. Kung sana'y init lang ng tag-araw ang darating. Hindi ba nila naisip na isa na namang babae ang isasakripisyo ng bayang ito?

If I could just cross the border and assassinate that damn king, hindi na kami makakaranas ng ganito. Ayon sa mga ipinagbabawal na aklat na patago kong binabasa, dati raw ay apat ang panahon, taglamig, tagsibol, tag-init at taglagas.

I wish to experience all those seasons...

Ngunit paano?

Napatingala na lang ako at napatanaw sa malayo, tinanaw ko iyong malaking harang kung saan kailanman ay wala pang tao rito ang siyang nakakagawang makatawid. It's the place where the Snow King resides. If I could just cross that mist...

It's not just the snow king, but the creatures beyond that mist. Ano na lang ang magagawa ng katulad kong tao sa mga nilalang na katulad nilang may kakaibang kapangyarihan?

Napailing na lang ako. "Balik trabaho na!"

Halos madaling-araw na nang matapos kami sa pagtanggal ng makapal na nyebe sa daan. Hawak ko ang aking lampara habang naglalakad patungo sa bahay nang mapansin ko na bukas na agad ang mga ilaw.

Maliliit lang ang mga hakbang ko pero nang marinig ko ang hagulhol ng aking ina, nabitawan ko na ang lamparang hawak ko at mabilis kong tinakbo ang daan patungo sa bahay.

Humihingal pa ako nang marahas kong binuksan ang pintuan. Walang tigil na humahagulhol si ina habang yakap si Dahlia na walang tigil din ang pagluha. Si ama nama'y nakatungo sa lamesa at ilang beses niyang inihahampas ang kanyang kamao roon.

"A-Ano ang nangyayari—" ngunit kusa na rin natigil ang mga salita ko nang makita ang pamilyar na disenyo ng bulaklak na nakapatong sa ibabaw ng aming lamesa.

An ice rose— ang bulaklak na inaaalay ng hari sa babaeng kanyang mapipili.

Nangangatal ang mga paa't kamay kong nagtungo sa lamesa, inangat ko ang bulaklak na gawa sa yelo at agad na nag-init ang sulok ng mga mata ko nang makita ang mga letrang nakaukit dito.

"D-Dahlia..."

Ilang beses akong umiling sa kanilang lahat. Bakit si Dahlia? Bakit ang pamilya namin ang kailangang magsakripisyo?

Kusa nang tumulo ang mga luha ko, ngunit sa halip na yakapin ang kapatid ko, nakita ko na lang ang sarili kong mabilis na tumatakbo at tinatahak ang daang hindi ko akalaing pupuntahan ko.

Nadapa na ako at nasubsob sa mga nyebe, hindi ko inalintana ang tindi ng lamig at mabilis akong bumangon.

I saw the familiar mist and the masked guardian. Kaunting-kaunti na lang ang distansya sa pagitan namin pero alam ko sa sarili kong imposible akong makatawid roon.

"Y-You! Tell to your king that I will kill him! Pupugutan ko siya ng ulo!"

Beyond the Mist and TreesWhere stories live. Discover now