Chapter 2

2.5K 321 88
                                    

Chapter 2

Yes, it was wrong to approach the mist. Pero kanino? Saan ko dapat isisi ang lahat? It's all because of that damn snow king! If I could just rip that mist, if I could just end this bullshit tradition!

"Diana..."

I used to smile when my sister, Dahlia, called my name, but all I felt right now was pain and longing... na kahit hindi pa sumasapit iyong araw na dati'y inaasam-asam ko at ngayon ay kinamumuhian ko na, sobrang natatakot na ako.

Why my sister? Bakit hindi na lang ako?

Natawa ako sa sarili kong katanungan. The snow king wants a beauty.

A beauty...

Nangatal ang mga labi ko habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kapatid. I've been so proud of her, from her beauty, helping hand, intelligence, talents and all of her almost perfect traits.

Madalas ko siyang ipagmalaki sa mga kaibigan ko o kaya'y sa mga taong hindi nakakakilala sa kanya— bagay na pinagsisihan ko. Siguro kung nanahimik na lang ako, wala masyadong makakapansin sa kanya, siguro'y hindi magkakaroon ng interes sa kanya ang hari at siguro'y hindi kami nahaharap sa ganitong sitwasyon.

I've been so overprotective with her. Halos matakot na ang lahat ng mga manliligaw niya sa tuwing nasa malapit ako. They even called me as the bitter elder sister. At wala akong pakialam doon.

I thought I'd successfully protected her. Pero sino nga ba ako kung ang demonyong hari na ang lumaban sa akin? I am nothing but a weakling human who needs to follow his rules.

"Diana, huwag mo nang pag-alalahanin sina ama't ina..."

Iniwan niya ang kama niya at tumabi siya sa pagkakaupo sa kama ko. Hindi ko muna siya sinagot at nanatili akong nakatulala roon sa lampara na nagbibigay sa amin ng malamlam na liwanag.

"Diana..." ulit niya.

"How could you act so calm right now, Dahlia? Mawawala ka sa amin at kailanman ay hindi ka na makakabalik..." halos sabunutan ko ang aking sarili habang sinasabi iyon sa kanya.

"M-May magagawa ba tayo, Diana?"

I bit my lower lip to suppress my endless curse. May magagawa ba ako? Manunuod na lang ba ako sa sandaling dalhin na ang kapatid ko sa hangganan ng harang?

"H-How about we... we run away?"

"Diana, we're surrounded by the mist. The mist is everywhere. Bawat lugar ay may hangganan... may harang. At ano na lang ang mangyayari sa bayan natin kung bigla akong mawala? Madadamay ang mga inosenteng tao. We can't be selfish."

Dalhia and her selflessness. Minsan napapaisip na lang ako kung dapat ko pa bang hangaan ang parteng ito sa kanya.

Humilig siya sa balikat ko at unti-unti siyang yumakap sa akin. "Why can't we enjoy our remaining time together, Diana? Hindi ba't may apat na buwan pa naman bago ang tag-araw? Mahaba pa iyon—"

Huminga ako nang malalim. "Alright. Wala akong trabaho bukas. Sasamahan kita sa kabilang bayan."

Mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Salamat, Diana..." ramdam ko ang ilang patak ng luha niya sa balikat ko. She's trying to look strong but I could clearly feel her fears—takot na maging ako'y hindi ko alam kung paano talunin.

***

Katulad nang madalas kong ginagawa sa tuwing sumasama ako sa grupo nina Dahlia at ng mga manggagamot, tumutulong ako sa pagbubuhat ng mga gamit at pagkain na ipinamimigay nila sa kanilang mga pasyente. At kapag natapos na ako sa aking gawain ay tahimik na lang akong nagtutungo sa isang sulok habang pinapanuod ang kapatid ko.

Beyond the Mist and TreesWhere stories live. Discover now