Chapter 10
That was the longest conversation I ever had with Wren, and it didn't turn well.
"Are you okay, Ate Diana?"
Ivy sleepily wrapped her arms around me. I hugged her back and forced a little smile. I could see the concern in her eyes with the dim light from the lamp.
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Wren, ilang beses umikot sa isipan ko ang lahat ng mga sinabi niya, hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko.
Sa halip na sagutin si Ivy ay mas inayos ko na lamang ang kumot na nakabalot sa aming dalawa.
Wren didn't give me a clear answer. I could see his hesitation when I told him my plans, who wouldn't? Kahit ako'y nag-aalangan sa mga plano ko pero tulad ng mga sinabi ko, sino pa ang maglalakas ng loob?
Hindi namin dapat hayaan na paulit-ulit na lang na ganito. We can't accept every sacrifice during summer. Even if it just a single life, a single life is still a life.
But why can't he agree with my plans? Hindi ba't katulad rin siya ng mga tao rito? Because of the king and his betrayal, we're all suffering! Why was he hesitant?
Though some of his words were right that every plan I had was in haste, and every decision I took was always out of desperation. But those decisions were not just for my benefit, not just for my sister, but for all of us. Kung totoo ang lahat ng sinabi ni Ivy sa akin tungkol sa halagang ibinibigay niya sa lahat, maiintindihan niya ako.
But why was he taking the king's side?
We're all aware of his betrayal! Kahit si Ivy ay alam rin iyon.
Akala ko'y magagawa ko pang itago ang emosyon ko pero hindi ko na napigilan ang bumangon sa kama. Iiwan ko na sana si Ivy roon at magtutungo na lamang sa labas nang bumangon din siya.
Dalawang araw na lang ay babalik na ang mga magulang ko at si Dahlia rito sa bahay. At hindi ko alam kung anong klaseng paliwanag ang sasabihin ko kapag nakita nila si Ivy.
A young little girl with long white hair.
Ibinaba ko ang mga paa ko habang nanatili akong nakaupo sa kama, sinadya kong talikuran si Ivy para itago sa kanya ang pumapatak ko na namang luha.
"I'm sorry, Ate Diana. I know that my brother was a bit harsh, but—" umiling ako sa kanya habang sapo ko ang mukha ko.
Ramdam ko ang yakap ni Ivy mula sa likuran ko. "H-he was right."
Nagsisimula na akong matakot. Ano na ang mangyayari sa kapatid ko sa sandaling hindi siya pumayag sa plano ko?
I can't picture myself standing stiffly with bunches of humans while watching my sister cross that mist. Dahlia doesn't deserve it. Her life shouldn't be wasted as a sacrifice for someone else's mistake. Marami na siyang natulungang mga tao at marami na siyang naging sakripisyo. People loved her so much, and many would be affected by her absence.
Ngayon ako humiling na sana mas binigyan ko ng pansin ang pag-aayos sa sarili. Siguro kung nag-ayos ako. . . siguro hindi ang kapatid ko ang napansin, siguro ay ako ang mapipili, at siguro ay ako ang isasakripisyo.
Humarap na ako kay Ivy at yumakap pabalik sa kanya. Hindi na siya muling nagsalita at hinayaan niya na lang akong umiyak nang walang tigil sa kanya.
***
"You okay?" tanong sa akin ni Hak habang naglalakad na kami papasok sa kagubatan.
Tumango na lamang ako kahit alam kong hindi siya kumbinsido sa sagot ko. He could clearly see it through my swollen eyes.
YOU ARE READING
Beyond the Mist and Trees
FantasiaBeyond the mist are stories of death and lies and love... Cover Design by Shek