Chapter 8
"No way!"
Hindi na ako nagulat sa reaksyon nina Hak at Tom nang sabihin ko sa kanila ang plano ko.
Tumanaw sa labas ng bahay si Tom kung saan naroon si Ivy kasama ang iba pang mga bata na naglalaro.
"At naniwala ka sa mga sinabi ng batang halimaw—" agad kong pinutol ang anumang sasabihin niya at matalim ko siyang tinitigan.
"Do not call her that!"
Umismid siya sa akin habang naiiling. Huminga nang malalim si Hak at naupo na siya na parang anumang oras ay mawawalan ng panimbang sa bagong planong sinabi ko.
Hindi ko sila masisisi dahil kung nasa posisyon rin nila ako'y ganoon din ang magiging reaksyon ko. Ngunit ganoon naman talaga ang buhay, gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo kahit nakakatawa o mukhang imposible sa mata ng iba.
I can't give up my sister. At gagawin ko ang lahat ng natitirang paraan para iligtas siya mula sa parusang hindi naman dapat sa kanya o sa kahit sinong babaeng mapipili sa hinaharap.
Tumanaw na rin ako sa labas habang hinihintay ang anumang sasabihin nila.
Suot pa rin ni Ivy ang maskara na ginawa ko sa kanya at ang tela na ibinabalot ko sa buhok niya para hindi siya higit na umagaw ng atensyon. Habang nakasunod ang mga mata ko sa kanya, paulit-ulit umiikot sa isipan ko ang kuwentong sinabi niya sa akin.
Hindi ko akalain na marami akong matutuklasan nang simulan kong gumawa ng hakbang upang iligtas ang kapatid ko. Akala ko'y nararapat na ang kaalaman ko tungkol sa kasaysayan ng harang, ngunit wala pa pala ako sa kalahati.
Kung pagmamasdan si Ivy kasama ang iba pang mga bata, inosenteng nakikipagtawanan, batuhan ng nyebe at habulan, hindi man lang sasagi sa isip ng kahit sino na sa murang edad niya'y inihahanda na siya sa isang napakalaking responsibilidad.
Dapat ang katulad niyang bata'y hinahayaang maging masaya kasama ang kapwa niya na walang inaalalang responsibilidad na sasalubong sa kanya sa hinaharap.
Ivy deserves to laugh innocently, play, eat, and be happy.
The Snow King's stealing everyone's happiness and freedom.
Kumuyom ang mga kamao ko. Kung sana'y may sarili akong kapangyarihan...
"Diana, we're always here to support you. Alam mo iyon. But this plan?" nanghihinang umiling sa akin si Hak.
"Sa tingin mo ba'y hindi nila mapapansin? Dahlia's prettier than you," asik ni Tom.
"Shut up. Hindi ba't may takip naman ang mukha ng mga babaeng inaalay? They will not notice! Isa pa, hindi nalalayo ang katawan namin ni Dahlia. I can be the Snow King's bride," katwiran ko kahit hindi ako masyadong sigurado.
Hindi ko man gusto na laging idinadawit ang mga kaibigan ko sa lahat ng mga gulong pinapasok ko at sa mga desisyon kong padalos-dalos, sina Tom at Hak na lang talaga ang malalapitan ko sa mga ganitong bagay.
My plan will not be possible without them.
"And you will kill the Snow King? Isang malaking kalokohan," dagdag ni Tom.
"Have you asked the guardian? Sa ilang beses nating paglapit sa harang ay hindi pa iyon kailanman sumunod sa gusto mo. He almost killed you!" halos mapapikit ako sa sigaw sa akin ni Hak.
"I have Ivy! Sinabi ni Ivy na tutulong sa atin ang kuya niya. Ivy told me everything."
"Lies," madiing sabi ni Hak.
Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang umiling sa kanya. Nang unang beses kong marinig iyon kay Ivy ay nahirapan din akong tanggapin. Nabuhay ako sa kaalamang ang harang ay ginawa lamang upang ipakita sa amin kung gaano kami kababa kumpara sa mga nilalang na nasa kabilang parte ng harang.
YOU ARE READING
Beyond the Mist and Trees
FantasyBeyond the mist are stories of death and lies and love... Cover Design by Shek