Chapter 4

1.6K 237 60
                                    

Chapter 4

Nanliliit ang mga mata namin ni Tom sa harapan ni Hak habang nakalatag sa lamesa iyong papel na ibinigay niya sa akin. He gave me the wrong schedule!

Hindi natuloy ang dapat pagbalik namin ngayon dahil hindi namin alam kung kailan ang susunod na patrol ng mga tiyuhin ni Hak. Isa pa, baka may nakapansin sa amin kagabi kaya mabuting mas maging maingat.

Tapos na kami sa trabaho kaya ngayon ay may oras na kami para magplano sa susunod naming pagpunta sa harang. Kumpara nitong nakaraang araw na walang tigil ang pagpatak ang nyebe, ngayon ay bahagya nang mahina, at may araw nga na wala na talagang nyebeng pumapatak pero napakalamig pa rin.

Ipinanganak na ako sa ganitong klima pero pakiramdam ko'y hindi pa rin ako masanay.

"I'm sorry! Hindi ko napansin na binago pala nila. I got the wrong copy. I will double check next time."

Mas nanliit pa ang mga mata namin ni Tom kay Hak bago namin sabay na kinuha iyong tasang may kape sa lamesa, umuusok pa iyon nang itapat namin sa mga mukha namin at sabay na humigop niyon.

Kasalukuyan kaming nasa aming tambayan simula ng mga bata pa kami. Sa isang luma at sirang malaking karwahe na kaiba ang disenyo kumpara sa mga karwaheng gamit ng aming bayan. Nasa loob ito ng kagubatan ngunit malayo sa harang.

It's known as the snow queen's old carriage with different versions of stories on how it ended up here. The size same as a combination of two regular nipa huts, a huge door with two humans that can enter at once, with faded red and black color, some embossed patterns, and one missing wheel in the front. The snow queen's old carriage is the elders' other way to wave off those silly children in coming near the mist. They say that the evil queen's ghost is still here inside the carriage. As a child, the ghost is much scarier than the mist.

Ngunit iba kaming tatlo, dahil ginawa pa namin tambayan ang karwahe. Minsan ay pinag-interesan din namin itong pagpira-pirasuhin para ibenta na siyang ikinagalit ng mga matatanda. Sa huli, pinili na lang namin linisin at gawing tambayan.

"What's the plan?" tanong ni Hak.

"Babalik tayo. Give me the schedule tomorrow morning. Hindi na ako papalya bukas."

***

Nakailang tapik ako sa pisngi ko habang nakaharap sa salamin. Pilit kong pinalakas ang loob ko, anumang oras ay darating na sina Tom at Hak para sunduin ako. Sila ang magsasabi kina ama't ina na may trabaho kami ngayong gabi.

"May trabaho ka pa rin ngayon, Diana?" tanong ni Dahlia. May hawak siyang aklat ngunit ang mga mata niya'y sinusukat ang reaksyon ko.

"Susunduin ako nina Tom at Hak. Maghahatid kami ng mga baboy sa kabilang bayan," pagsisinungaling ko.

"Diana..."

Bago pa humaba ang usapan namin ay nagmadali na akong lumapit sa kanya sa kama, hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti ako sa kanya.

"Ipagluluto ko kayo pag-uwi ko."

Umikot lang ang mga mata niya. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Lynn sa akin. Paano niya nasabi na magkamukha kami ni Dahlia? My sister is very pretty. Maybe the only similar feature is our moles at the lower side of our left eyes. Mas malaki pa nga ang sa kanya at bumagay sa maliit na hubog ng kanyang mukha, habang iyong sa akin ay maliit lang at hindi naman napapansin dahil madalas natatakpan ng uling, putik, o kaya'y nyebe ang mukha ko.

Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko pero tumungo na siyang muli sa aklat niya. "Mag-iingat kayo."

***

Beyond the Mist and TreesWhere stories live. Discover now