CHAPTER 1: Trouble

20 3 0
                                    

"Damn!"


Napaangat ang tingin ko nang may biglang sumipa sa table namin. Ang mukha ni James ang bumungad sa'kin, kasama niya ang mga tropa niya. Mayabang niya muna kaming tinanguan bago dumeretso sa kabilang table, katabi mismo namin.






"Tarantado" Bulong ni Liam, pinsan ko. Napailing ako at napalingon kay Yazer . Natalo kasi kanina ni Yazer si James sa karera. Tapos bitter ampucha.





I slightly bop my head to the rhythm of loud music while watching those party animals get crazy with the beat. The ligths are untamed that suited with the wild athmophere of this place. Andito kami sa Aftershock na bar, kasama ko mga pinsan ko.


Sumandal ako sa couch at pumikit—enjoying the music. Magulo ang mga kasama ko dito sa table, nakikipag asaran sila sa kabilang table. Bahala kayo diyan. I'm here to chilax.


"Sh*t!" Napamura ako at napaayos ng upo nang may bumagsak sa harap ko! May binatong bote sa mesa at natalsikan pa ako ng basag na bote! Napalingon ako sa kabilang table, galit na galit si James habang nakatingin sa mga barkada ko. Lintek naman o!

Nagsitayuan naman ang mga pinsan ko, ready for defence. And someone from the other table attacked Kiro! Hangang sa nagka gulo na nga. Ang bilis ng mga pangyayari, parang kanina lang tahimik kaming umiinom.

Umasog ako ng upo para hindi ako madamay. Kalmado akong sumandal sa upuan ko. May mapaglarong ngisi sa aking labi habang pinapanood ang gulo sa harap ko.

I crossed my legs as I played with my beer. Napailing ako sa gulong nangyayari sa harap ko. 'Wag kasing gawing pulutan ang asaran. Nevertheless, a wild, trilling brawl is not a bad idea to end this nigth. Ito naman ang hanap nila, e, kaya hindi ako aawat. Para saan pa ang effort nilang asaran ang isa't isa kanina?


I smiled playfully, enjoying the live action scene. My heart was beating iratically not because of fear but with excitement. Ako lang ba ang nage-enjoy manood ng ayaw? Aawat naman ako pag dehado na ang mga pinsan ko.

Inikot ko ang paningin sa paligid. Dahil nasa dulo ang pwesto namin at sa lakas ng tugtog, iilan palang ang nakakapansin sa gulo dito. Natigilan ako nang may maramdaman akong kakaiba. Kumunot ang noo ko, bahagya kong tinagilid ang ulo ko at mas pinapakiramdaman pa ang paligid. Unti unti kong inangat ang tingin ko at sumalubong sa'kin ang madiing titig ng isang lalaki sa upper deck ng bar.


A tall guy is leaning against the railings— watching me silently. Bahagyang madilim sa pwesto niya. The untamed party lights are flaring into his face and his intense eyes are pierced through mine. Kumunot ang noo ko.

Kanina pa siya nakatingin? He has a blank expression on his face and an stern and enigmatic aura around him, which makes him more intimidating to me. Watdapak! Intimidated ako? Heck no!

"Ah!" Nabaling sa kaliwa ang mukha ko nang may humampas sa'kin. Hindi ko napansin 'yun! I lick the side of my lips just to taste blood! Napailing ako bago tapunan ng tingin 'yong tarantadong nasa harap ko. Nakahawak siya ng ice bucket habang nakangiti ng nakakaasar.


I pursed my lips, trying to think straight pero ang gago sinugod pa ako! My reflexes kick in— without thinking much, tumayo ako at sinapa siya sa sikmura. Kinuha ko sa kanya 'yung ice bucket at hinampas siya sa mukha. Someone's fist heading to my direction. I dodge it and give him a hard blow in the face before kicking him in the gut while playfully grinning. Ang bilis ng tibok ng puso ko. I felt so alive! Shet! I miss this!


Napabuga ako ng hangin kaya nagsiliparan ang ilang hibla ng buhok kong nakakalat sa mukha ko. Nakisali na ako gulo. Nasa gitna na kami at napapalibutan ng mga tao. Nang may mga bouncer na ng bar ang kasalukuyang umaawat, bahagya akong lumayo sa gulo. Napakunot ako ng noo dahil ramdam kong may nakatingin parin sa'kin.



Collision #1: Fatal AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon