CHAPTER 4: Him

8 2 0
                                    

Umangat ang tingin ko sa mataas na pader na naghihiwalay sa college campus at graduate school premises. Ilang araw ko ng ino-obserbahan 'to, nasa parte likod na parte ako ng campus kung saan walang nagagawing estudyante. Napabuntonh hininga ako 'saka inayos ang pagkakalapat hagdan sa mataas na pader. Pinuslit ko pa 'to mula sa stock room. The thing that I'd do for money.

Nagsimula na akong akyatin ang pader gamit ang hagdan. Pagdating ko sa pinaka tuktok ay agad kong sinilip ang baba ng kabilang bakod para tignan kung may tao ba.

Shit! Sobrang taas!

Dahan dahan akong sumampa sa flat surface na tuktok ng pader. I put each of my legs on both edges, yumuko at inangat ang hagdan nang mabilisan pero sa maingat na paraan dahil baka mahulog ako.

NAPATINGIN ako sa paligid. Now where should I start? Saan ko naman hahanapin yung taong 'yun? Naglalakad lakad lang ako dito sa campus ng walang malinaw na dereksyon. Ni hindi ko alam saan ako maguumpisa at kailangan kong makabalik sa univ before 3 PM dahil may klase pa ako!

Huminto ako at tumitig sa malapit na infirmary ng campus. Agad akong tumakbo papunta doon. Kailangan ko ng magtanong!

I held the door handle, I was about to pull it open but it was pulled by strong force from inside! Nahila ako papasok at muntik pa akong masubsob! Punyeta! Inis na umangat ang tingin ko.

Sumalubong sa'kin ang mukha ng lalaking nagngangalang Rage Dela Cuesta! Bumababa ang seryosong tingin niya sa'kin. Without any reaction he said "Next time, read"

Mula sa pagkakatitig sa mukha niya automatikong umangat ang tingin sa signage sa taas ng pinto. Exit pala ang pintong 'to.

"Sorry kuya" Napakamot nalang ako ng noo at nagpagilid para makadaan siya. Linagpasan niya ako, nanatili lang akong nakatitig sa likod niya hanggang sa unti unting sumilay ang ngisi sa labi ko. Hinintay ko munang makalayo siya bago ko sinundan. He's friends with my target Kaden Saavedra, sana makakuha ako ng konting detalye kahit yung classroom number lang niya.

I tailed him discreetly, siniguradong kong malayo ang agwat ko sa kanya. Umakyat siya sa second floor. Nanatili lang ako sa baba. Nang masilip kong nakaakyat na siya ay 'saka lang ako umakyat. Dumungaw ang ulo ko sa hallway na linalakaran niya at nang makitang lumiko na siya sa kaliwang pasilyo ay doon na ako tuluyang umakyat sa second floor. Tinakbo ko ang hallway at lumiko sa linikuan niya. Nakita ko ulit ang likod niyang papaliko. Napatingin ako sa sign na nakalagay sa taas.

Authorized Personnel only

Nagkibit balikat lang ako bago tumakbo sa maingat na paraan para sumunod. Pagliko ko sa pasilyong linikuan niya ay automatiko ang pagtigil ng paa ko.

Wala na siya.

Nangunot ang noo ko habang lumilinga sa paligid. Naagaw ng isang signage ang atensyon ko.

Science and Research Laboratory.

This place is quite and the lights are dim. Uhm, ganito pala ang science lab nila pero nasaan na siya? Ang bilis naman niyang malaho. Nagdahan dahan ako sa paglalakad dahil rinig na rinig ko ang bawat tapak ko sa marmol na sahig.

"Why are you following me?"

I stop abruptly and automatically clutch my chest, my heart is beating rapidly! Nanlaki ang mata kong napatingin sa likod ko. Agad dumapo ang tingin ko sa anino sa kanang bahagi ng pasilyo. Prente lang siyang nakasandal sa pader, kahit madilim ang pwesto niya ay ramdam na ramdam ko ang talim ng titig niya.

Bahagya akong napaatras at nagiwas ng tingin. "H-hindi po kuya..."

Pinilit kong hindi paatras ulit ng umayos siya ng tayo at lumapit sa'kin. Nanatili akong nakaiwas ng tingin at ino-obserbahan lang siya sa gilid ng mata ko.

Collision #1: Fatal AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon