Last subject na. Isang exam nalang. This one is major. Nakapikit ako habang hinihintay ang prof namin."Ayos ka lang?" Bangag akong tumango sa tanong ni Ramirez.
"Gandahan mo naman ang sulat mo dude, mas mahirap pa yatang intindihin 'yang penmanship kaysa sa exam" Reklamo ko sakanya. Sumakit lang ang ulo ko kakalingon pero wala man lang akong makopya ng maayos sa kanya.
Hindi naman siya madamot ang pangit nga lang ng sulat. Baka siguro hindi siya madamot sa sagot kasi alam niyang walang makakaintindi sa sulat niya maliban sa kanya!
Napakamot lang siya sa ulo. "Sige, next time"
"Good afternoon Criminology students!" Napaayos kami ng upo nang marining namin ang malalim na boses ni sir De gusman.
"Good afternoon sir!" We greet in unison.
Naglapag agad siya ng test questionare sa mesa. "Pwedeng mangopya, pwede ang kodigo pero bawal mahuli. Once caught, I will automatically drop you from this subject! Understand?"
"Sir! Yes sir!"
"Good, distribute the papers please"
Kinuha ko ang test questionare na binigay ng nasa harap ko.
Shet! Question number one palang alam ko ng bagsak ako. Napapikit ako. Nagsimula ng magsagot ang mag ka-klase ko. Tumungo ako sa table ko, nakipagtitigan sa papel sa harap ko.
"Iidip muna ako, pwede niyo ng ilabas ang kodigo niyo" Umangat ang tingin ko sa kanya. Naka shade siya, hindi ko makita kong nakapikit ba talaga siya. Napailing ako. Tst, scam.
Naramdaman ko ang pasipa sa likod ko. Pasimple kong nilahad ang kamay ko sa likod. I clenched my fist as soon as the thin paper touched my palm.
Yumuko ako lalo, pasimple kong hinarang ang may kahabaang kong buhok. Binuklat ko ang papel na binigay ni Baldoz. Mabilis ang galaw ng kamay ko sa pagkopya.
Naramdaman ko ang pagsipa ni Ramirez sa paa ko. Liningon ko siya. Umiling siya, para sinasabing tumigil ako. Nginisian ko lang siya sabay lagay ng daliri ko sa bibig, making a 'shhh' sign.
"Ramirez, Archimedez, Baldoz! Ano 'yan?"
Pasimple kong linagay ang manipis na papel sa loob ng bunganga ko, nakaharang parin ang buhok ko.
"Wala sir" Nag-angat ako ng tingin at tinaas ang dalawang kamay, para ipakitang wala akong hawak.
Lumapit siya samin at isa isa kaming tinitigan. Pasimple kong linunok ang papel na kanina pa nasa bunganga ko.
Sinalubong ko ang tingin niya. Ngumisi siya sa'kin na para bang sinasabing alam niya ang ginagawa namin. Nagkibit balikat lang ako dahil wala naman siyang proweba.
"Gawain ko din 'yan noong college. Mas malala pa kaysa nga istilo niyong bulok" He commented. Napangiwi nalang ako sa sinabi niya.
"I'll let you copy your seatmate's answer in 10 seconds. 1, 2. . ."
Binigay sakin ni Ramirez ang papel niya. Agad ko naman 'tong kinuha at sinagutan ang mga hindi ko pa nasasagutan sa papel ko
". . . 5, 6, 7, 8, 9, 10"
"Stop! Pass your paper! I won't accept papers after 5 seconds! In 1, 2, 3. . ."
Agad akong tumakbo papunta sa harap para ipasa ang papel namin ni Ramirez.
BINABASA MO ANG
Collision #1: Fatal Attraction
RomantizmThe walking trouble Night Alvedo crossed paths with the troublemaker Summer Madrigal. Night Alvedo is a definition of a freaking red light! Summer Madrigal should stop and probably change track, but she was intrigued and puzzled. As hardheaded as s...