"Kuya!"
"Asan ka ha?" Humahagikhik kong tawag habang hinahanap siya sa pinagtataguan niya.
Napangisi ako ng makita ang laylayan ng damit niya. Dahan na dahan akong naglakad patungo sa pwesto niya, hindi parin naaalis ang pilya kong ngiti.
"Huli!" Sigaw ko at sumilip sa pader na pinagtataguan niya. Biglang nagiba ang paligid. Unti unting napaalis ang ngisi ko. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras. Dugo. Napakadaming dugo.
Naliligo siya sa sarili niyang dugo. Tumatagas sa sahig papunta sa paanan ko.
Ang lakas ng ulan. Malayang umaagos ang dugo sa sahig na humahalo sa tubig ulan. Hindi. Nandito ulit ako?
"Haaaaa!" Suminghap ako at bumalikwas ng bangon. Kinuyom ko ang nanginginig ko kamay. Nakaawang ng bahagya ang bibig ko habang pilit kong hinahabol ang paghinga ko. Sunod sunod akong napalunok habang sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pabagsak akong humiga at mariing pumikit. Nilagay ko ang braso ko sa noo, ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis mula noo ko pababa ng leeg.
Nagmulat ako ng mata at nakipagtitigan sa kisame. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Nakakatakot ang bangungot na 'yun. Stress na naman kasi ako.
"You okay?" Napunta ang atensyon ko sa pinto nang pumasok si Vannah. Tumango lang ako at wala sa sariling lumipad ang tingin sa bedside table. Pasado alas tres palang ng umaga.
"Bangungot" Tipid kong saad at umayos ng upo.
"Na naman?" Tipid na tango lang ang sinagot ko. Tumingala siya, nasa lower deck siya ng bed habang kaharap ang madaming papel, obviously nagre review. "Kanina pa tumutunog ang phone mo" Saad niya. Agad na lumipad ang tingin ko sa cellphone ko. Automatiko ang pagtambol sa kaba ang dibdib ko nang makita kong si kuya Shiro ang tumatawag.
"Kuya?" Mahina at alanganing saad ko.
"Kailangan na ng surgery ni Papa, hindi na daw pwedeng umabot ng isang buwan 'to..." Bungad niya. Tahimik kong pinakawalan ang hininga ko, napalunok ako habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin.
"Si Mama, nagpunta siya kila Lola, pasensya sa istorbo Jace, paki samahan naman siya, wala ngayon sa tamang wisyo si Mama, baka anong pwedeng mangyari—"
"Sige, sige, update kita maya"
"Ingat, bye—" Hindi ko na tinapos ang sinasabi niya. Agad kong pinatay ang tawag at bumangon. I tied my hair in a messy bun. Sinuot ko muna ang jacket ko bago bumaba.
"Alis muna ako saglit" Paalam ko kay Vannah habang binubulsa ang walet at phone ko.
"H-ha? Saan ka... gabi pa—"
"Magiingat ako" Saad ko at mabilis na sinarado ang pinto. Agad akong lumabas ng Alvez subdivision at nagtungo sa waiting shed sa highway. Ni hindi ako nakapag hilamos at nakapag mumog man lang.
---
Napatingala ako sa matayog na gate sa harap ko. Malinis at nagsusumigaw sa rangya. I purse my lips in dissatisfaction. May dalawang lugar na ayaw kong ni makatungtong man lang at isa ang bahay na 'to sa mga 'yun.
"Si Mama?" Tanong ko sa guard pagkalapit ko baka kasi wala na pala sa loob si Mapa. Sinipat muna ako ng guard.
"Nasa loob po" Saad niya, mukhang naalala pa ako, may ilang pagkakataon din na pumupunta kami nila Mama dito para sa family reunion. Pinagbuksan ako ng gate at dere deretso akong nagtungo sa main entrance ng bahay.
"Kung wala kang nahiram na pera sa ate Janna mo, mas lalong wala kang mapapala sa'kin Joanna!" Agaran akong napahinto ng marinig ko ang boses ni uncle Juancho.
BINABASA MO ANG
Collision #1: Fatal Attraction
RomansaThe walking trouble Night Alvedo crossed paths with the troublemaker Summer Madrigal. Night Alvedo is a definition of a freaking red light! Summer Madrigal should stop and probably change track, but she was intrigued and puzzled. As hardheaded as s...