Humikab ako habang pinipilit kong akinig sa lecture sa harap. Pumikit ako. Agad din akong nagmulat at binalik ulit ang tingin sa harap. Pumikit ako. Parang may mahika ang boses ng teacher namin na hinihila ako sa kawalan, papunta sa malambot at malaking kama—
"Recitation" Napamulagat ako. Bumilis ang tibok ang puso ko, nabuhay agad ang dugo ko at napaayos ng upo lalo na 'nong naglabas siya ng index paper.
"P*ta" Bulong ko at nagiwas ng tingin. Bumaling ako kay Ramirez, na para bang sa kanya nalang ako kumukuha ng lakas loob.
"This serves as your quiz today" Mas lalo akong napapikit sa inis. Ang bilis ng araw, mag mi-midterm exam na kami nextweek kaya kaliwa't kanan na ang activities, recitation at quizzes. Hindi pa ako handa sa panibagong hellweek!
Yinugyog ko ang braso ni Ramirez.
"'Tol, i-back up mo ako mamaya ah?" Sabi ng mga kuya ko, friend matter the most in college. Its either hihilain ka pababa o pataas ng mga sinasamahan mo. Kaya firsts day of school palang nagtingin na ako ng matalinong ma-tro tropa, para hindi na ako ma-problema sa groupings. At si Ramirez nga ang nahanap ko. Matalino at kasundo ko.
Ngumiti lang siya at tinanguan ako. Nakahinga naman ako ng maluwag kahit papaano. Kailangan ko talagang ingatan 'to, dahil pag hindi, makaka graduate naman ako pero hindi lang ako sigurado kung on-time ba o kung kailan.
Seryosong nagpunta sa harap si ma'am Sandoval at nag shuttle sa index card niya.
"Archimedez" I groan inwardly when she mentioned my name. Ako pa talaga ang nauna! Pumikit ako ng madiin bago tumayo.
"What is the scope of social psychology?" Shuta, dinicuss ba 'yun? Tinaasan niya ako ng kilay dahil hindi ako makasagot.
"Archimedez, zero"
"Ma'am!" Agad kong agap.
"I-its include social perception, social... social influence" Hindi buo at hindi sigurong sagot ko. Hindi siya kumbinsido sa sagot ko, kahit ako din naman hindi din kumbinsido!
"Social influence like?" Nagiwas ako ng tingin.
"Trust?"
"Tinatanong mo ba ako Miss?" Agad akong umiling.
"Trust and?" Shemay, ano pa ba? Hindi talaga kami close ng brain ko. Napatingin ako sa yellow paper ni Ramirez. Saglit kong binasa ang nakalagay doon at tinignan ulit si ma'am.
"Power and persuasion"
"At?"
"At... iba pa" Saad ko, nagtawanan ang mga ka klase ko. Nalukot naman ang mukha ni ma'am Sandoval.
"Social influence is a broad topic ma'am..." Alanganing saad ko. "... We influence humans through emotions, actions, standard, status, society perceptions, manipulations. Aabutin tayo hangang madaling araw pag inisa isa ko pa ma'am" Pagtatanggol sa sarili ko.
She points her finger at me. "Read your module" Striktang saad niya bago bumunot ulit ng ibang index card. Pagod akong umupo. Nairaos din! Napatingin ako sa mga kaklase kong hindi mapinta ang mukha at nginisian sila ng pangasar. Naka focus sila sa pag shuffle ni ma'am ng index card na para bang hinihintay kung sino ang sunod na bibitayin.
Pagkatapos ng klase ay agad akong nagtungo sa boarding house para kunin ang ilang gamit ko. Uuwi ako ngayon sa'min dahil Friday.
Habang nakaupo ako sa waiting shed kasama ang ilang estudyante na pauwi din ay hindi maiwasang lumipad ang isip ko sa kalagayan namin ngayon. Si Mama nalang ang kumakayod para sa'min ngayon. Isang linggo na din sa hospital si Papa pero wala parin kaming makitang pera para sa surgery niya. 'Yung perang nakuha ko kay Riker noong nakaraan ay maliban sa kulang ay pinangbayad na namin sa upa. Takot, awa, frustration ang nangingibabaw sa dibdib ko ngayon. Galit ako sa gumawa 'non sa kanya, at sa sitwasyon, dahil ala man lang kaming magawa kundi mag antay. Napabuntong hininga ako.
BINABASA MO ANG
Collision #1: Fatal Attraction
Lãng mạnThe walking trouble Night Alvedo crossed paths with the troublemaker Summer Madrigal. Night Alvedo is a definition of a freaking red light! Summer Madrigal should stop and probably change track, but she was intrigued and puzzled. As hardheaded as s...